Solange
______________________________________
Birthday pala ng kumag na to at hindi ko alam kaya naman nakokonsensiya ako dahil sa ginawankong pag susungit sa kaniya.
Nakikinig lamang ako sa kanila habang nakaupo ako ngayon sa desk ko. Hindi ko naman gusto makinigsa usapan nila pero di ko pa din mapigilan ang ma curious kaya nag panggap nalang akong may tinitingnan sa screen.
"Ano bang regalo mo sakin mamaya," tanong ni Claude kay sir Arkin.
"Ang kulit mo naman! 27 kana ngayon pero para ka pa ring bata umasta," pang aasar sa kaniya ng boss ko.
So 27 years old na pala siya ngayon. Mas matanda siya sakin ng apat na taon dahil 23 palang naman ako ngayon.
"Gusto mo lang atang regaluhan ng chix eh," pang aasar ulit sa kaniya ni sir Arkin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa gawi nila.
Iba pala talaga kapag mayayaman noh? Pati yung ga babae ipinang reregalo nalang.
"Dude ano ka ba masyado ng hindi nakakatawa yung mga biro mo ah," reklamo nito at pansin kong tumingin pa to sa gawi ko.
"Joke lang alam ko namang di ka babaero eh," pabirong sagot naman ni sir Arkin sa kaniya.
"Sige una na muna ako dude may pupuntahan pa ako eh baka di ako makapag lunch dito," paalam nito sa boss ko at tinapik pa ang braso ni sir bago lumabas.
Bago niya pa nasara ang pinto ay sabay kaming napa tingin sa isa't isa at agad niya naman akong kinindatan bago pa tuluyang sumara ang pinto.
Hanep kung makakindat akala mo naman napaka gwapo. Oo na gwapo na siya pero di naman necessary na kumindat talaga siya.
Pasikat amp.
Nag patuloy na ako sa pag aayos ng mga papeles na pipirmahan mamaya ng boss ko.
"Kailan nga pala kayo nagka close ni Claude, Solange?" Narinig kong tanong ng boss ko kaya naman magalang din akong sumagot.
"Kahapon po sir, nung nauntog siya sa pintuan. Inaya niya akong mag lunch kahapon. Bayad daw sa pagka untog niya tapos ayon uminom kasi kami ng wine kaya ganun ang nangyari sa akin kahapon pasensya na po talaga sa abala nakakahiya po yung ginawa ko," paumanhin ko habang nakayuko.
"Nah it's okay Solange. Ako nga dapat ang mag sorry in behalf sa nagawa ng kaibigan kong yun," nangingiting sabi ni sir.
"Are you comfortable with him?" Tanong nito sa akin.
"Po?" Nagtatakang tanong ko.
"I mean di ka ba naiilang sa presensya niya?" Sabi nito.
"Hindi naman po sa naiilang pero nag tataka po kasi ako dahil masyado siyang feeling close sa akin. Kahapon palang po kami nagkakilala tapos sinundo niya na ako agad sa bahay kanina. Nahihiya po kasi ako baka kung anong masabi ng ibang tao. Nagtataka nga ako eh kung pano niya natunton ang bahay namin," mahabang paliwanag ko sa boss ko.
"Im sorry about that Solange pero pinilit kasi ako ni Claude kahapon bago kami umuwi ay hinhingi niya sa akin ang bio data at resume mo. Dun niya ata nakuha ang address mo," nahihiyang sagot nito sa akin at napapakamot pa sa batok.
"Bakit niya naman daw po napag interessn yung bio data at resume ko?" Tanong ko rito.
"Hindi ko alam eh pero ang sabi niya ay gusto niya daw makipag kaibigan sayo," sagot nito sa akin.
"Ganun po ba siya makipag kaibigan?"
"Hindi ko alam. Matagal na kaming magkaibigan pero ngayon lang ata siya naging ganito. He never pursue women," sagot nito.
Hindi ko masyadong nagets ang huking sinabi ni sir kaya naman nag kibit balikat nalang ako.
"Pero Solange if ever you find him so annoying or nagiging uncomfortable ka na sa kaniya ay sabihin mo sa akin okay? Pag sasabihan ko siya na wag ka masyado kulitin," sinserong sabi ni sir kaya naman tumango nalang ako at ngumiti.
Siguro matagal na matagal na silang magkakilala dahil alam na alam na ni sir Arkin ang ugali ng Claude na yun.
Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw maliban sa nag order ng pagkain sa cafeteria at pag a-arrange ng mga files.
Umalis nga pala si Claude dahil sabi niya may pupuntahan daw siya at baka di siya makapag lunch dito. Kita mo na, yung nga mayayaman mabilis makalimot. Kahapon sinabi niya na sabay ulit kaming kakain.
Teka bakit ko ba iniisip yon? Diba dapat mag pasalamat ako dahil hindi niya ako kinukulit ngayon. Napaka weird ko naman ata.
Nakaupo lamang ako sa desk ko dahil mag isa lang ako ngayon dito sa loob ng opisina dahil lumabas yung boss ko. Napatigil ako sa aking ginagawa nang biglang pumasok si Elizabeth.
"Girl! Narinig ko yung chismis kanina ng ilang girls mula sa finance department. Totoo ba?" Bungad nito sa akin nang makapasok siya sa opisina.
"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko dito.
"Ang sabi kasi nakita ka daw nila kahapon kasabay sa elevator yung jsa sa mga stock holders ng kompanyang to si sir Claude! Yung sinabi kong prince charming na nag bantay sayo kahapon nung makatulog ka dito sa loob. At kaninang umaga daw ay sabay din daw kayong pumasok! May nag sabing sumakay ka daw sa kotse niya. Totoo ba yun girl?" Sunod sunod na sabi nito.
Ayaw ko naman mag sinungaling kay Elizabeth dahil wala naman akong dapat itago.
"Oo totoo yon," sagot ko sa kaniya.
"Omg how?!"
"Wala lamg yun. Mali yang iniisip mo," prankang sagot ko sa kaniya dahil alam kong iniisip niya na may something between sa amin.
"Teka bakit ka nga ba tulog na tulog dito kahapon. Anong nangyari sayo, hinimatay ka ba?" Usisa nito.
"Inaya kasi ako ni Claude kumain sa labas tapos uminom kami ng wine. Alam mo naman na di ako umiinom diba kaya ayon nalasing ako. I passed out inside his car and the next thing i knew andito na ako sa loob ng opisina," kwento ko sa kaniya.
"Kaya nga bulong bulungan ka eh! Kasi kinarga ka niya papasok dito sa building na pina bridal style alam mo ba yon?!"
Agad namang nanlaki ang mga mata ko. Tama siya! Hindi ko alam kung paano ako napunta sa opisina kahapon. Malamang hindi ako nag lakad dahil nawala nga ako ng malay diba! Ngayon na nalaman ko na ay gusto ko nalang agad lumubog sa kinauupuan ko. Sana lamunin ako ng lupa ngayon din.
"Teka ginawa niya yun?!" Di makapaniwalang tanong ko.
"Sinabi ko na nga diba? Ulit ulit ka girl?" Asar nito sa akin.
"Sya nga pala, bakit ka ba niya inayang lumabas?" Tamong nito sa akin. Alam ko na ang ugali ni Elizabeth at alam kong hindi siya mapapakali kapag hindi nasasagot ang nga katanungan niya.
"Hindi ko rin alam okay? Basta ang sabi niya sa akin gusto niyang makipag kaibigan. Yun lang yun," sagot ko habang nilalapag sa isang filing cabinet ang mga folders na inayos ko.
"Hahaha nako diyan nagsisimula lahat sa pag kakaibigan eh," kantyaw nito sa akin.
Umirap lang ako at hindi na sumagot pa.
Speaking of the devil ay bigla kaming napatigil ni Elizabeth nang pumasok si Claude sa opisina ni sir Arkin.
"Good afternoon sir! Tapos na po ba kayo mag lunch?" Masayang bati sa kaniya ni Elizabeth.
"Good afternoon rin sayo! Tapos na akong kumain, kayo?" Nakangiting sagot din nito.
Tapos na siyang kumain? Ang bilis naman.
"Ay hindi pa po kami nakakakain eh kaya nga sinundo ko dito si Solange dahil sabay kami kakain sa cafeteria," sabi ni Elizabeth.
"Oh okay enjoy your meal!" Usal nito.
Hindi na ako kumibo at kinuha na lamang ang pitaka na nasa sling bag ko at sumunod naman agad sa akin si Elizabeth.
"Siya nga pala, im inviting both of you sa party ko mamayang hapon. I'll expect you two to be there. Sasama din naman ang ibang staffs dito sa company eh kaya sana sumama rin mayong dalawa," sabi ni Claude bago paman kami tuluyang nakalabas sa opisina.
"Okay sir no problem! See u there happy birthday nga po pala!" Bati sa kaniya ni Elizabeth at sinara na ang pinto.
"Anong susuotin mo mamaya Solange?" Tanong nito sa akin habang nag lalakad kami papuntang elevator.
"Wala. Wala naman akong sinabing pupunta ako eh," sagot ko sa kaniya.
"Ano ka ba naman! Napaka KJ mo naman eh. Minsan na nga lang tayo nakakakain ng masasarap na pagkain," reklamk nito.
"Ikaw nalang ang pumunta," sabi ko sa kaniya at pinindot ang button ng elevator para makapasok kami.
"Eh alam mo namang ikaw lang ang ka vibes ko dito sa kompanyang to eh! Bakit ba ayaw mo pumunta. May gusto ka ba kay sir Claude," tanong nito kaya agad naman akong sumagot.
"Hindi ah! Bat ko naman magugustuhan yun eh kakakilala ko nga lang dun sa taong yun at napaka kulit pa!" Depensa ko.
"Ito naman masyadong defensive. Sige nga kung wala ka talagang gusto dun sumama kana sa party.
Itong babaeng to talaga winner sa sapilitan. Palagi nalang siyang nakakahanap ng lusot para pumayag ako.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang. Mayaman naman si Claude eh kaya malamang madami siyang bisita kaya hindi niya rin naman kami mapapansin.
Maagang natapos ang shift namin dahil lahat pala ay imbetado sa birthday ni Claude. Nag pasya kami ni Elizabeth na umuwi na muna para mag bihis at babalik na lamang dito sa building ng kompanya para sumakay ng van na mag dadala sa amin dun sa party dahil di naman namin alam kung saan ang lugar na yun.
Palabas na ako ng building nang maalala kong wala pala akong ireregalo sa kaniya. Required bang bigyan pa siya ng regalo? Sa dami ata ng matatanggap niya ngayon hindi na magiging importante ang regalo ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa isang department store. Siguro ibibili ko nalang din siya ng regalo dahil sinundo niya naman ako kanina sa bahay.
Hindi ko alam anong bibilhin ko sa kaniya. Siguro tshirt nalang. Pero naisip ko din na di ko naman alam ang size niya at nakakahiyang mag regalo ng hindi branded.
Habang naglilibot ako ay may nakita akong parang isang dog tag din pero ulap ang pendant. Naalala ko tuloy ang suot niyang dog tag kanina.
Tiningnan ko ang dog tag na iyon. Maliit na ulap lang ang pendant at may cute na smiley face sa gitna. Bigla ko tuloy siyang naalala dahil katunog ng pangalan niya.
Yun nalang ang binili ko at pinikit ko ang mga mata ko sa presyo dahil 500 pesos din yun! Pero dahil nga mayaman siya binili ko nalang din yun.
Sa daming mag reregalo sa kaniya mamaya ay hindi niya naman malalaman kung kanino to nanggaling.
Nakauwi na ako sa bahay at agad ko namang nakita sina nanay at tatay.
"Nay, tay, andito na po ako,"
Bati ko nang makapasok ako sa pinto at agad na hinubad ang heels ko.
Nag mano naman agad ako sa kanila g dalawa.
"Ano tay, okay kana ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo nak okay na ako. Nabigay na rin namin yung sinigang na niluto mo kanina. Sabi nung doctor ay nagustuhan daw ng taong tumulong sa atin."
Natuwa naman ako dahil dun. At least kinain niya talaga. Hindi nasayang ang effort ko.
"Bakit nga pala may computer na dito nak? At may mga pumunta dito at nagkabit ng wifi," tanong ni nanay.
"Yun nga din po ang di ko alam nay eh. Sabi ni Dominic may nag padala daw niyan dito kahapon. Ang naiisip namin ay yung taong tumulong din kay tatay pero di ko magets kung bakit mag bibigay siya ng computer," sagot ko dito.
"Kung siya nga iyon ay masyado naman siyang mabait. Siya nga pala nak maaga ata ang out mo ngayon sa trabaho ah," tanong ni tatay sa akin.
"Opo tay. Inimbita kasi kami dun sa birthday ng isang stock holder. Yung kasama ko po kanina sa ospital, birthday niya po ngayon at imbitado kaming lahat sa kaarawan niya," paalam ko.
"Ganun ba, o sige nak pumunta ka dun basta mag iingat ka ah? Sigurado ka bang hindi mo iyon manliligaw?"
"Nanay naman eh ayan kana naman po," reklamo ko sa kaniya.
"Biro lang nak. Wala ka naman kasing pinapakilalang nobyo sa amin eh. Baka sa sobrang pag ta-trabaho mo niyan eh tumanda ka ng dalaga," sabi nito.
"Naku nay dadating din ako dyan wag mo akong alalahanin," sagot ko sa kaniya.
"Sige nay, tay, magbibihis na po ako ah. Uuwi din ako agad pagkatapos ng party."
Paalam ko sa kanila at pumasok na sa kwarto ko para humanap ng maisusuot.
______________________________________