bc

Ravish Me

book_age18+
16.6K
FOLLOW
66.7K
READ
independent
drama
bxg
office/work place
virgin
like
intro-logo
Blurb

Solange Perez is a loving daughter and the bread winner in their household. Mataas ang pangarap niya para sa kaniyang pamilya at isa sa pinaka priority niya ang maiahon sa kahirapan ang mga ito. Naging payapa naman ang pamumuhay nila at sapat naman ang kinikita niya bilang isang sekretarya, pero isang pangyayari ang babago sa takbo ng buhay niya. Nagsimula iyon nang ma stroke ang kaniyang tatay at hindi na naging sapat ang kaniyang kinikita para sa pagpapagamot nito. Napilitan siyang pasukin ang trabahong kailan man ay di niya naisip na mapapasukan niya- ang maging escort for rent ng mga lalaking mayayaman na walang maisama sa event oh sa kung ano pang ibat ibang ganap sa buhay. But everything changed that one night, hindi naka sipot sa booking ang kaniyang kasamahan at siya ang ginawang proxy. She met Claude Faulter again. Ang lalaking nag confess sa kaniya na gusto siya nito. But the story doesn't end there because Claude is really eager to get her this time. Claude is wanting more of her, every inch of her to be exact. Will this be the start of their love story? Or will she just remain as Claude's escort?

chap-preview
Free preview
Prolouge
"S-solange." Gumuhit ang kaba sa dibdib ni Solange nang marinig ang nag aalangang boses ng kaniyang nanay sa kabilang linya ng telepono. Kasalukuyan siyang nag aayos ng mga papeles sa opisina na kaniyang pinagtatrabuhan nang biglang tumawag ang kaniyang nanay. "N-nay bakit po? May nangyari po ba?" Napalunok siya habang napahigpit ang kaniyang hawak sa mga papel na nasa kaniyang mesa. "Y-yung tatay mo nak, inatake kanina tinakbo namin sa ospital," "Ha?! Ano po?!" Nabitawan niya ang mga papel na inaayos at isa isa iyong nalaglag sa sahig. "Nasaang ospital po kayo nay?!" Lumuluhang turan ni Solange at sinisikap na wag pumiyok. "Nasa provincial ospital kami ngayon nak. Namomroblema ako ngayon kasi alam mo naman na ilang buwan kong di nababayaran ang Philhealth ko wala tayong magagamit. San tayo kukuha ng pera ngayon?" Huminga ng malalim si Solange at kinalma ang sarili. "Sige nay pupuntahan kita dyan wag kana muna mag isip masyado." Pinatay na niya ang tawag at nilapag ang kaniyang cellphone sa mesa. Napabuntong hininga siya ng ilang beses bago siya tumayo at isa isang pinulot ang mga papeles na nagkalat sa sahig. "Oh bes? Anong nangyari diyan?" Nag angat ng tingin si Solange nang marinig niya ang boses ng kaniyang matalik na kaibigan na si Elizabeth na kakapasok lang sa opisina ng boss nila. "Wala, nahulog lang," usal niya. Agad namang yumuko si Elizabeth at tumulong na din sa pagpulot ng mga papel na nagkalat sa sahig. Bahagya pa nitong sinilip ang kaniyang mukha. "Oh? Bat namumula yang ilong mo? Umiyak ka ba?" Usisa ng kaibigan. Suminghot singhot naman siya at pinunasan pa ang mga mata gamit ang kaniyang kamay. Bumuntong hininga muna siya bago tumayo at nilagay sa mesa ang mga napulot na papel. "Si tatay kasi bes, inatake." Bumuntong hininga siya at napaupo sa silya. "Hala?! Kumusta na daw si tito?" Usisa ng kaibigan. "Di ko pa din alam eh, pupuntahan ko sila mamaya sa provincial hospital mamaya pagkatapos ng duty ko," tugon niya sa kaibigan. "Ganun ba? Umuwi kana kaya? Sabihan ko nalang si sir na may emergency ka sa inyo," sabi nito sa kaniya. "Wag na muna Elizabeth. Patapusin ko nalang muna yung board meeting ni sir Villacastin bago ako pumunta sa ospital. Kailangan ko din kasi kumalma kasi di pa nagsi- sink in masyado sa utak ko ang sinabi ni nanay," paliwanag niya sa kaibigan. "Ganun ba? Oh sige halika na samahan na kita kanina kapa pinapatawag ni boss eh kaya kita pinuntahan dito. Magsisimula na daw ang board meeting," usal nito sa kaniya. Tumango na lamang siya at saglit pang inayos ang kaniyang sarili sa salamin. Kinuha na niya ulit ang mga papeles na nakasilid sa iilang folders at sabay silang lumabas ni Elizabeth at deretsong nagtungo sa conference room. Pagpasok nila ay wala pang tao sa loob ng conference room kaya isa isa niyang nilagay ang mga folders sa kada silya na nasa parihabang lamesa. Naglalaman iyon ng sales report ng kumpanya sa loob ng iilang buwan na siyang pag uusapan ng mga board members at investors mamaya sa meeting. Pagkatapos ay tinulungan na rin siya ni Elizabeth na maglatag ng bottled water at kape na siyang iinumin mamaya ng mga panauhin. Ilang minuto lamang ang lumipas ay isa isa ng nagsipasok ang mga board members at investors sa loob ng conference room kasama ang kanilang CEO na si sir Villacastin kaya agad silang yumuko para magbigay galang. Nagsimula na ang meeting at si Solange ay naka incharge sa pag click ng mga slides na nasa power point. Sa kabilang dako naman ay merong isang lalaki sa loob ng conference room na walang ibang ginawa kundi titigan lamang ang dalagang si Solange. His eyes were ash gray with a pair of jet black hair, perfectly chiseled jaw and a very precise nose bridge, his lips are luscious and red. Mababakas sa tindig nito na may lahi ito. Pasimple nitong tinitingnan ang folder na nasa mesa at pasimpleng titingin kay Solange na nakaharap sa laptop na siyang taga next ng slides ng PowerPoint habang nag rereport ang taga finance department sa harap. Kating kati na ang binata na matapos ang meeting para matanong na niya sa kaibigan niya kung anong pangalan ng dalaga sa kaniyang kaibigan na siyang CEO ng kompanyang kinaroroonan niya ngayon. Pagkatapos ng meeting ay agad na lumapit si Solange sa kaniyang boss nang makitang wala na itong kinakausap na mga board members. "S-sir, good afternoon po," Nag aalangan pa nitong usal sa kaniyang boss. "Yes Solange? How may I help you?" Tanong nito sa kaniya. "Sir, natapos ko na po kasi yung pinapagawa niyo magtatanong po sana ako kung may ipapagawa pa kayo? Nagmamadali po kasi ako eh," nahihiyang tugon niya sa kaniyang amo at bahagya pang napakamot sa batok. "Oh sure wala na akong ipapagawa sayo. If you don't mind, bat ka nga pala nagmamadali? Is there anything important? Kanina ko pa napapansin na balisang balisa ka," sabi nito sa kaniya. "Ah sir, yung tatay ko po kasi inatake sinugod po sa ospital kailangan ko po siyang puntahan ngayon," sagot niya dito at agad namang nangilid ang luha sa kaniyang mga mata ng maalala na naman ang kalagayan ng kaniyang ama. "Oh sorry to hear that. Nasaang ospital ba siya ngayon?" Tanong nito. "Nasa provincial hospital daw po sabi ni nanay medyo gipit kami ngayon sir eh," tugon niya at naiyak na talaga ng tuluyan. "Sige na Solange you can go. Ito konting tulong ko to sayo, sige na puntahan mo na ang tatay mo mag iingat ka," usal ng kaniyang boss at nag abot ng pera at bahagyang tinapik pa ang kaniyang balikat. "Nako sir, masyadong malaki na po to ikaltas niyo nalang po sa sweldo ko maraming salamat po talaga!" Hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang pera dahil alam niyang kailangan na kailangan niya iyon. "Hindi na, tulong ko na yan sayo kasi kung ikakaltas ko pa yan sa sweldo mo wala ng maiiwan," sabi nito. Ngumiti na lamang siya at bahagya pang tumango sa kaniyang boss at dali daling lumabas sa conference room. On the other side, ang lalaking kanina pa nagmamatyag kay Solange ay lumapit na sa kaibigan niya. "Who is she?" He asked. "Nah, stop that dude not my secretary mabait yon," natatawang usal ni sir Villacastin sa kausap. "What? Don't tell me she's your type?" Nadidismayang turan ng lalaki sa kaibigan. "No way. It's just that I know you're toying women, but Solange is innocent bro, she's not your woman of choice." "Ouch bro! Foul yun ah!" Usal ng lalaki sa kaibigan. "Hahaha magbago kana kasi Claude," turan ng kaibigan sa kaniya. "She's crying earlier what happened?" Usisa nito sa kaibigan. "I don't know, she said her father got rushed to the hospital," sagot naman nito sa kaniya. "Oh, that's why you gave her bills? Are you gonna bed her in return?" Usisa na naman nito sa kaibigan. "Wtf dude no! You know me I'm not like you lol," defensive na sagot ni sir Villacastin sa kaibigan. "I know. You're still not over with your ex. It's been 5 years dude limang taon kanang tigang pano mo nakakaya yun?" Asar ni Claude sa kaibigan. "Shut up Claude, umalis kana at bumalik kana sa Korea diba may business trip ka dun? Bumalik kana dun at wag kanang bumalik dito!" Naasar na turan ni sir Villacastin. Natawa na lamang si Claude at tinaas ang dalawang kamay na nagsasabing awat na. Tinapik niya pa ang kaibigan at agad na lumabas sa conference room. Nang makalabas siya ay nakita niya pa si Solange na nagmamadaling tumatakbo papunta sa elevator. Habang tumatakbo ito palayo sa kaniya ay napansin niya ang malaking pwet nito na gumuhit sa pencil skirt nito. "What a nice ass woman, you're giving me a boner," bulong niya sa kaniyang sarili. "If I'll see you again, I'll ravish you." he smirked and glance at the woman again as she enters inside the elevator. ____________________________________________________________ This is a work of fiction.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook