Chapter 1

1983 Words
Solange. ______________________________________ Nang makababa na ako sa ground floor ay agad ko ng tinawagan si nanay. "Nay papunta na po ako dyan, kumusta na po kayo? Okay ba kayo dyan nay? Naasikaso po pa si tatay ng maayos?" Sunod sunod na tanong ko kay nanay habang lumalabas sa building na pinagtatrabahuan ko. "Okay naman nak, merong gamot yung tatay mo na di niya pa naiinom kasi wala pa akong maipambili nak." Narinig ko ang mga hikbi ni nanay kaya naramdaman kong parang pinipiga ang puso ko. "Nay, wag ka na po umiyak naiiyak din po kasi ako eh. Wag ka mag alala nay pagdating ko diyan mabibili natin yung gamot ni tatay," usal ko sa kaniya. "May pera ka pa ba anak?" Tanong ni nanay sa akin. "Meron nay, wag ka mag alala binigyan ako ng konting tulong ng boss ko," paliwang ko sa kaniya. "Salamat naman sa Diyos kung ganun. Nak pwede kaba munang dumaan sa bahay natin? Wala kasi kaming nadalang gamit ni Dominic kanina nung sinugod namin ang tatay mo dahil sa kakamadali namin eh. Magdala ka dito ng electric fan at mga gamit. Nasa bahay na si Dominic pinagbantay ko," pakiusap sa akin ni nanay. "Sige po nay wag po kayo mag alala. Magpapalit din po ako ng damit magdadala na lang rin po ako ng pagkain diyan." Nagpaalam na ako agad kay nanay at pinatay na ang tawag. Nag aabang na ako ng jeep ngayon at agad din naman akong nakasakay. Pag uwi ko ay nadatnan ko si Dominic na aking bunsong kapatid na nanonood ng tv. "Ate! Ate alam mo na ba ang nangyari kay tatay?" Tanong nito sa akin. "Oo tinawagan ako ni nanay kanina. Umuwi ako dito para kumuha ng mga gamit," sagot ko sa kaniya habang nilalapag ang ang bag ko sa aming mumurahing sofa. "Ate, baka meron kang pera diyan, wala kasi tayong ulam ate kanina pa ako nagugutom," nahihiyang usal nito sa akin. Kumuha naman ako ng pera sa bag ko at binigay iyon sa kaniya. "Oh ayan, damihan mo Dominic dahil dadalhin ko sa hospital yung iba. Bumili ka din ng ulam na may sabaw para may mahigop si tatay mamaya dun sa ospital." Bilin ko sa kaniya. "Opo ate! Ate hehehe pwede po ba manghingi ng dagdag kahit 100 po? Papambili ko po ng materials para sa project ko," nahihiya pa nitong sabi sakin. "Oh ayan, siguraduhin mo talagang sa project yan ah? Baka ipang computer mo lang," sabi ko at nag abot ulit ng one hundred. "Hindi ate, para sa project talaga to. Sige na po ate bibili na ako ng ulam," usal nito at kumaripas na ng takbo palabas ng bahay. Nagmadali akong maligo at nagbihis at kinuha ang malaking back pack sa aparador ko. Luma na iyon pero dahil nga mahirap lang kami, di namin afford ang maleta kaya ito lang ang pwede kong paglagyan ng mga damit ni tatay. Isa isa kong tinupi ang mga iyon at nilagay sa loob ng bag. Nagdala narin ako ng iilang unan at kumot pati narin mga plato at kubyertos tsaka yung maliit naming electric fan. Nang matapos akong magligpit ay sakto namang nakabalik na si Dominic habang may dala dalang supot ng pagkain. "Ate, gusto mo ba samahan kita sa ospital? Marami ata dadalhin mo ate baka mabigatan ka," sabi nito sa akin. "Hindi na bunso, dito ka nalang kasi walang magbabantay sa bahay. Gawin mo nalang rin ang project mo magtataxi naman ako eh," tugon ko sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Sige po, samahan nalang kita ate dun sa may labasan para di ka masyado mabigatan," alok nito sa akin kaya di na ako tumanggi. Sabay kaming naglakad papunta sa kanto kung saan pwede ako sumakay ng taxi. Nang marating namin ang labasan ay agad naman akong nakapara ng taxi at tinuro ko agad na sa provincial hospital ako bababa. Inabot din ako ng kalahating oras bago makarating sa ospital dahil medyo natraffic ako. Nang makapasok ay agad akong nagtanong sa nurse station kung saang ward ang tatay ko. Ilang liko pa ang nilakad ko at nakita ko na agad si nanay na nakayuko sa higaan ni tatay. "Nay, nandito na po ako," mahinang usal ko at tinapik siya ng bahagya. Nag angat naman agad siya ng tingin sa akin at tumayo para tulungan akong mag arrange ng mga gamit na dinala ko. "K-kamusta na po si tatay?" Agad na tanong ko sa kaniya. Napabaling ako sa ama kong nakaratay sa hospital bed, nakapikit ang kaniyang mga mata at nababakas mo ang magkahalong pagod at sakit na nararamdaman niya sa kaniyang mukha. Bahagyang nakatagilid ang kaniyang bibig, dahilan na maluha ako sa kalagayan niya. "Ang sabi ng doctor nak inatake ang tatay mo sa puso, sumabay pa yung high blood niya kaya siya nagka mild stroke," naiiyak na turan ni nanay. Nakita kong unti unting nagmulat ang mga mata si tatay kaya naman agad akong umupo sa tabi niya at hinaplos haplos ang kaniyang buhok. "Tay sabi ko naman kasi sayo diba, tumigil kana sa pag co-construction worker niyo alam niyo namang bawal na yun sa inyo eh tingnan niyo tuloy," mahinang sermon ko sa kaniya. Tumingin lamang siya sakin na tila ba himihingi ng sorry. Hindi siya makapag salita ngayon dahil nga nagka mild stroke sya. Naramdaman kong nangingilid na naman ang luha ko kaya agad akong tumayo at pumunta kay nanay. "Nay, asan na yung reseta na sinasabi niyong di niyo pa nabibili. Akin na po, bibilhin ko dun sa labas," mahinang usal ko kay nanay na inaayos ang electric fan sa maliit na side table sa tabi ng hospital bed. "Nak, may pera ka pa ba dyan? Sa tingin mo kakasya iyon?" Nag aalalang tanong niya. "Wag ka mag alala nay malaki laki yung binigay na tulong sa akin ng boss ko," naninigurong sabi ko sa kaniya. "Nakakahiya naman sa boss mo nak," sagot nito sa akin. "Oo nga po nay eh, baguhan palang ako dun pero nagbigay na agad siya ng tulong. Di bale nay babayaran ko nalang pag nakaluwag luwag na tayo," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Asan na po yung reseta nay? Bibilhin ko na po kasi gumagabi na," usal ko sa kaniya. Nakita ko naman na meron siyang kinuha sa bulsa niya na maliit na papel. Binasa ko iyon at tatlong uri ng gamot pala ang hindi pa naiinom ni tatay. Bumuntong hininga muna ako bago ako nag paalam at umalis. Binabagtas ko ngayon ang daan palabas ng ospital. Madami namang naglilinyahang botika sa labas ng ospital at madami akong mapagpipilian kung san ako makabili ng mas murang gamot. Kasi kapag sa mismong botika ka ng ospital bibili ay dollars ang presyo sa sobrang mahal. Tatlong botika ang pinuntahan ko at talagang mamahalin pala talaga ang gamot na nireseta kay tatay. Pumunta ako sa pangatlong botika at inabot ang reseta na dala ko. Bumili ako ng tig iisang stab ng tatlong gamot na nireseta kay tatay at umabot ng four thousand ang nabayaran ko. Nanlumo ako sa naiisip ko na pano pala kapag ito yung magiging maintenance medicine niya paglabas? Hinding hindi kakasya ang sweldo ko sa gamot palang ni tatay. Naiisip ko pa ang pang araw araw na gastusin sa bahay at pagkain namin at ang pag papaaral ko pa sa kapatid ko na si Dominic. Naiiyak at balisa akong naglalakad pabalik sa loob ng hospital. Nang makabalik ako sa ward ni tatay ay nakita kong may kausap na doctor si nanay. Nang makalapit ako ay sakto ding palabas na ang doctor kaya naman kinausap ko si nanay. "Nay, Ito na po yung gamot ni tatay. Dinamihan ko na po ng bili habang may pera pa tayo ngayon," usal ko at inabot sa kaniya ang maliit na supot na naglalaman ng mga gamot. "Mabuti naman kung ganun, pasensya na talaga anak ha? Dumagdag pa talaga to sa gastusin natin," sabi niya. "Wag kana mag sorry nay. Di naman natin ginustong mangyari to kay tatay eh," sagot ko sa kaniya. Mahinang ginising ni nanay si tatay at sabay namin inalalayan ito para makaupo para makainom na siya ng gamot. Pagkatapos nun ay dahan dahan ulit namin siyang pinahiga. "Nga pala nak, pina lipat mo ba ang tatay mo sa private hospital? Kakayanin kaya ng gastos natin?" Tanong sakin ni nanay na agad kong ikinataka. "Ha? Ano po? Hindi naman po ah? Bumili lang ako ng gamot sa labas," nagtatakang sagot ko sa kaniya. "Ano nga palang ginawa ng doctor dito kanina nay?" Dagdag na tanong ko sa kaniya. "Ha? Eh ang sabi ng doctor sa akin nak dadating na daw maya maya ang ambulansya na magdadala sa tatay mo sa isang private hospital. Akala ko nga ay pinalipat mo kami eh," mahabang paliwanag nito sa akin. "Po? Sino naman kaya? Teka nay magtatanong po ako sa nurse station," paalam ko sa kaniya at agad na lumabas sa ward at pumunta sa pinakamalapit na nurse station. "Nurse, pwede po ba akong magtanong?" Usal ko dun sa nurse na nakaharap sa monitor. "Yes po ma'am, ano po yon?" Balik tanong nito sa akin. "Tatanungin ko lang po sana kung itatransfer po ng hospital si Antonio Perez?" Sabi ko dito. "Sige ma'am, teka lang po ah? Check ko po muna," sagot nito sa akin. Tumango lamang ako habang nakatingin sa kaniya na nagtitipa sa keyboard. Ilang minuto lang ay tumingin ulit ito sa akin. "Yes po ma'am, itatransfer po si Sir Perez sa Delotavo Group of Doctors Hospital Inc. napasa na din po doon ang mga test na ginawa sa kaniya kanina kaya dun niyo po malalaman ang findings at diagnosis ng pasyente," paliwanag sakin ng nurse. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang marealize na ang hospital na yun ay karaniwang mayayaman ang mga pasyente dahil mahal ang bayad doon. "Po?! Eh sino naman pong nagpapa transfer sa tatay ko?" Tanong ko dito. "Yung lalaking matangkad po dito kanina na pogi, akala ko nga po kamag anak niyo yun eh," napapakamot sa batok na sagot ng nurse. "Alam mo ba kung sino? Anong pangalan niya?" "Nako ma'am di ko po natanong eh pasensya na po," sagot nung nurse. Agad ko namang kinalikot ang cellphone ko at sinearch ang profile ni sir Villacastin sa f******k dahil siya lang ang kauna unahang tao na pumasok sa isip ko na posibleng tumulong sa amin. "Itong lalaki na to ba ang pumunta dito?" Tanong ko sa nurse habang pinapakita sa kaniya ang picture ng boss ko. "Hindi po ma'am eh, malayo po sa mukha ng gwapong lalaki na pumunta dito kanina," sagot ng nurse na tila kinikilig pa habang naalala ang mukha ng lalaking tinutukoy nito. "Ganun ba? Sige salamat po ulit," Tinanguan lang ako ng nurse kaya agad na akong bumalik sa ward ni tatay. "Nay, lalaki daw po yung nagpa transfer kay tatay eh, di ko rin alam ang pangalan kung sino," tanong ko sa kaniya. "Kung sino man yun anak ay pasalamatan nalang natin siya," usal ni nanay. "Eh nay, wala tayong pambayad dun. Alam mo bang sa ospital ng mga Delotavo dadalhin si tatay?" Sabi ko sa kaniya. "Ha?! Anong sabi mo?" Hindi ko na nasagot pa si nanay nang may tatlong nurse na lalaki ang pumasok sa ward namin. Pinagtinginan kami ng iba pang pasyente at bantay nung lumapit sa amin ang mga nurse. "Ma'am, andito na po yung ambulansya na magdadala kay sir sa ibang ospital," sabi nung medyo mataba na nurse at dahan dahan nilang tinulak ang ospital bed ni tatay palabas. Nagmamadali naman si nanay na ligpitin ang mga gamit na dala namin kaya tinulungan ko narin siya. "Pano na nak? Wala tayong pambayad dun?" Nag aalalang sabi ni nanay sa akin "Wag ka mag alala nay, magtanong tayo ng mga detalye dun," usal ko sa kaniya at sumunod na lamang kami sa nga nurse. Pagdating sa labas ng ospital at maingat nilang nilipat si tatay sa stretcher at maingat din na isinakay ito sa loob na ambulansya. Sumunod naman kami ni nanay at agad na umandar ito ulit patungo sa ospital ng mga Delotavo. ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD