Ellion Jase Eh ganoon talaga ang buhay, may aalis at may papalit na bago. Noong mga oras na papalapit ako kay Benedict at Aurie ay nagdadasal ako. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa wakas ay may nagmamahal na ulit kay Aurie at masaya rin ako na binubuksan na ni Aurie ang puso niya sa ibang tao. Marahil ay nagulat sila sa ginawa ko. Halata naman sa itsura nila eh. Masaya ako na tinanggap iyon ni Benedict. Akala ko pa nga noong una ay makikipag-bangayan pa siya sa akin. Good thing na hindi naman pala iyon ang intension niya. Nang makita ko silang dalawa ay parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Parang ito na yung panahon kung saan talagang masasabi ko na oras na para i-let go ko si Aurie. Actually, natawa pa nga ako noong pinuri ako ni Kathrina sa ginawa ko. Kahit hindi ko alam

