bc

The Scheduled Email

book_age16+
81
FOLLOW
1K
READ
others
second chance
brave
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
serious
first love
like
intro-logo
Blurb

Aurora Feliz and Ellion Jase were together for two years. They were smitten with each other but everything ended between the two of them when problems came to Ellion’s way – Ellion’s sister’s miscarriage, his work salary not being sufficient for their daily needs forced him to a difficult situation.

Soon enough, Ellion decided to leave his home province for an opportunity of higher salary. The night when Ellion informed Aurora of this decision, Aurora asked Ellion if this was final – and he answered yes. They talked some more, but there was no more to be said of the topic. They both agreed they had to move on with their life.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ellion Jase [Babe! Happy Anniversary! I love you. Punta ka dito sabi ni Mommy, pinaghanda niya tayo kasi anniversary raw natin!] "Oo, pupunta ako dyan mamaya. May aasikasuhin lang ako sa work. Okay? I love you!" [Ay, walang happy anniversary? Daya mo ah! Hehe. Sige, mamaya na lang!] "Happy anniversary! Sorry, marami lang iniisip! Sige na, mamaya na lang. Mahal kita, Aurora. Mahal na mahal kita!" Today is the day of our anniversary. Ngayon rin ako mawawalan ng trabaho. I was fired my boss last week but I have to go there today para makuha ang lahat ng gamit ko sa office at ang huling sweldo ko. Aurora doesn't know anything because I don't want her to be sad. She has problems, ayaw ko na sumabay pa roon dahil kaya ko naman 'to mag-isa. "Papunta na ko dyan. See you later! I love you!" [I love you too. I can't wait to see you!] When I went there, gulat na gulat siya. Wala kasi akong dala na kahit ano, nakalimutan ko na sa sobrang pagmamadali. Inis na inis rin ang mukha niya. "I'm sorry, nakalimutan kong bumili ng-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad siya. "Kanina, hindi mo na ako binati tapos ngayon ganyan ka pa sa akin? I thought you will make this day a happier one! Ano bang nangyayari sayo?!" she shouted. "I'm sorry. Hindi ko na naisip magdala ng kung ano kasi dumeretso agad ako sa inyo. Hayaan mo, flowers can wait. At least, pumunta naman ako. Happy anniversary!" I told her. I kissed her forehead pero halatang inis pa rin siya sa akin. Bakit nga ba kasi nakalimutan mong bumili ng bulaklak, Ellion? Umupo na kami sa dining area ng bahay nila. Ang dami nga talagang niluto ng mommy niya, parang pyesta. May chicken, spaghetti, inihaw na liempo, lumpia at fish fillet. Buti na lang pala nagluto si Tita kung hindi eh wala kaming kakainin ngayon. "Wala ka talagang dala?" tanong niya, naiinis ang kanyang tono. "Wala talaga eh. Iniisip ko kasi yung sa work ko kanina. Pasensya na, hayaan mo next week bibilhan na lang kita," kinuha ko ang kanin at naglagay ako sa plato niya. "Huwag mo na akong bilhan. Okay na 'yon. Hindi naman mahalaga ang araw na 'to di ba?" sagot niya, emphasizing the word mahalaga. "Nagtampo ka naman. Sorry na. Ako na ang bahala next week pagpunta ko ulit rito." Ngumiti lang siya na parang naiinis pagkatapos ay kumain na rin siya. Tahimik kaming dalawa nang biglang bumaba mula sa kwarto ang mommy niya. "Oh, andito ka na pala Eli! Akala ko nga hindi ka na darating at kanina pa galit ang mukha ni Aurie," natatawang bati sa akin ng mommy niya. "Ah, pasensya na po sa pagiging late ko. May inayos lang po ako sa work kanina eh." "Mommy, wala man lang siyang dala! Nakakainis! This is our anniversary kaya dapat ay mahalaga sa kanya ito pero hindi eh!" sigaw ulit niya. "Aurie! Ano ka ba naman? Wala namang ganyanan! Ang importante, pumunta sa anniversary niyo si Eli. Haynaku, materialistic ka talagang bata ka!" inis na sagot ng mommy nin Aurora. "I'm not materialistic mom! I just value this day! Anong ipopost ko sa ** mamaya nito?" galit na sabi niya pa. "Iyan, puro ka kasi social media kaya gusto mo kung anong nakikita mo ay meron ka rin. Diyos ko anak, masama 'yan. Makapasok na nga sa kwarto para makapagpahinga." Inis na tumaas si Tita Rose sa kanyang kwarto at iniwan na niya kami sa dining area. Ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos ay nagsalita. "Picture na lang natin ang i-post mo sa **. Pwede naman na ganoon lang di ba? May requirement ba sa application na 'yon?" sabi ko. "Oo, meron. Kailangan ng flowers at chocolates kapag anniversary post," mataray na sagot niya sa akin. Natawa na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. "Oh bakit ka matawa ha? Gusto ko 'yon eh!" "Wala. Hindi na nga tatawa eh, next week nga ibibili kita noon! Promise!" sagot ko pa habang nakangiti. Naiinis pa rin siya pero I'm making weird faces para tumawa na siya. Alam ko naman kung paano siya papatawanin. "Sige na nga. Promise mo ha? Next week. Sa unang tagpuan natin?" she answered me with a smile on her face. "Opo. Doon tayo mag-celebrate ng anniversary natin. Okay? I love you, Mimi. Sorry talaga sa-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang biglang hinalikan niya ako sa pisngi ko. "Wala na 'yon, basta ipangako mo sa akin na babawi ka next week!" she smiled na parang bata. "Yes. Babawi talaga ko sayo next week. I love you!" I said then kissed her forehead. Pagkatapos namin kumain ay umupo na kami sa sofa. We took a lot of pictures together. May nakayakap ako sa kanya, merong nakahalik siya sa pisngi ko. Meron rin yung hinahalikan ko yung noo niya at marami pang iba. "Iyan ha, may ipo-post ka na sa **. Baka kulang pa 'yan eh halos lahat na ng angulo ay meron na tayo. Ang gwapo ko pa nga dyan oh!" sabi ko sa kanya pagkatapos ay ninakawan ko siya ng halik. "Hmm. Okay na 'to. Basta yung pangako mo ha? You will fulfill that promise! I love you. Happy anniversary!" she said then smiled. Tiningnan niya ang pictures namin together sa phone niya. Nakatingin kami sa pictures nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko na si Mama iyon kaya sinagot ko agad ang tawag niya. [Anak, nasaan ka? Emergency! Please, pumunta ka na rito sa ospital. Si Minnie kasi.] "Anong nangyari, Mama?" I asked her, because I was worried about my sister. [Nalaglag yata ang baby niya, anak. Hindi pa ako sigurado kasi chine-check pa siya ng mga doktor. Pumunta ka na rito. Kailangan kita at wala tayong pambayad ng ospital] "Sige Mama, papunta na po ko sa ospital. Kumalma ka lang po, Mama. Kaya natin 'yan." Nang ibaba ko na ang phone ay takang-taka ang mukha ni Aurora. Ayaw kong sabihin sa kanya ang problema, hindi niya na dapat alamin 'yon. "Bakit? Anong problema? Anong sabi ni Tita?" she asked me. "Ah, may nangyari lang kay Minnie. Punta na ako sa ospital ah? Okay lang ba?" I asked her. "Ayos lang, pero hindi mo ba ako isasama? Can I check on her? Ano bang nangyari sa kanya?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. "Huwag na. Ako na lang ang pupunta roon. Okay? I love you! Promise, babawi ako next week sa unang tagpuan natin!" I kissed her forehead. "I love you too." Alam kong inis na naman siya dahil sa sinabi ko pero wala akong magagawa. Ayaw ko na siyang mamroblema pa sa problema ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.6K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook