Ellion Jase
Nang makapunta na ako sa ospital ay agad kong hinanap si Mama. Nakita ko siya sa hallway ng ospital na iyak nang iyak.
"Mama, ano na pong nangyari? Nasaan na po si Minnie?!" bungad ko sa kanya.
Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Rinig ko ang pag-iyak niya sa balikat ko. Mukhang wala na nga talaga ang anak ni Minnie kaya labis ang pag-iyak niya.
"Wala na ba, Mama?" tanong ko sa kanya.
"Wala na anak. Kakasabi lang ng doktor sa akin bago ka dumating."
Umiyak lalo siya, niyakap ko na lang para kumalma. Unang apo sana niya ang anak ni Minnie pero nawala pa. Ang sakit rin para sa akin dahil excited ako roon sa paglabas ng baby.
Apat na buwan pa lang kasi 'yong tyan niya at sabi ng mga doktor sa amin ay mahina raw talaga kapit ng baby kaya dapat ay alagaan namin si Minnie pero hindi namin nagawa.
Pagkatapos ng halos isang oras ay pinapasok na kami ng doktor pagkatapos ng paghihintay. Wala pang malay si Minnie kaya tumayo lang muna ako sa isang tabi at si Mama naman ay umupo roon sa sofa na malapit kung nasaan si Minnie.
After 10 minutes, nakita ko si Minnie na nagbukas ang mga mata. Mukhang hindi pa niya alam kung nasaan siya ngayon kaya agad amin siyang nilapitan ni Mama.
"Minnie, ayos ka na ba anak? Anong masakit sayo? Sabihi mo-" hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya kay Minnie dahil agad na nagsalita ang kapatid ko.
"Ma, ayos lang ako. Kamusta ang anak ko? Nasa akin pa rin ba siya?" tanong ni Minnie.
"Ayos siya anak, buhay pa-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Mama.
"Mama naman, huwag mong lokohin ang kapatid ko. Mas masasaktan siya kapag iyan ang sinabi mo," seryosong sabi ko.
"Eli naman! Hayaan mo na-" hindi na natapos ang sinasabi ni Mama dahil sumagot agad si Minnie.
"Ano ba kasi 'yon, Ma?! Nandito pa ba sa tyan ko ang anak ko o wala na?!" sigaw ni Minnie sa amin.
"Wala na siya, anak," mahinang sagot ni Mama kay Minnie pagkatapos ay tumungo.
"Ang anak ko.."
Tumulo na ang luha ni Minnie at nagsimula na rin siyang umiyak kaya agad namin siyang niyakap ni Mama.
"Pasensya ka na anak kung nagsinungaling ako, ayaw lang kitang masaktan. Sana maintindihan mo ako anak," sabi ni Mama habang yakap si Minnie.
"Mama, bakit anak ko? Wala naman siyang kasalanan. Akala ko, siya na ang magiging liwanag sa kasalanang nagawa ko pero mas higit pa pala yung sakit na madudulot niya sa akin."
"Anak, may dahilan ang lahat. Hindi mo man alam ngayon kung bakit ka nasasaktan, mahahanap mo rin ang sagot sa mga tanong mo kapag nagtagal," sagot ni Mama sabay yakap kay Minnie.
Umiiyak na silang dalawa ngayon at magka-yakap. Umalis muna ako para bigyan sila ng privacy. Gusto ko ring mapag-isa dahil sobrang daming nangyari ngayong araw sa akin.
Paglabas ko ay agad akong umupo. Inisip ko ang lahat nang nangyari. Nawalan ako ng trabaho, nagalit sa akin si Aurora dahil halos nakalimutan ko na ang anniversary namin tapos nalaglag pa ang anak ng kapatid kong si Minnie.
Napatayo ako at sinuntok ko nang mahina ang pader sa sobrang inis ko. Buti na lang at walang masyadong tao sa hallway. Napa-upo ulit ako dahil sa pagod, na-realize ko na lang na naiyak na pala ako nang may tumulong luha sa mga mata ko.
Ilang minuto pa ay tumunog ang phone ko sa may bulsa. Nagpunas ako ng luha pagkatapos ay kinuha ko 'yong cellphone sa aking bulsa at sinagot 'yon. Si Aurora ang natawag.
[Ano?! Wala ka ba talagang balak sagutin ang mga texts ko?! Hindi ko na alam kung nasaan ka, ano bang ginagawa mo sa buhay mo, ah?!]
"Ayos lang ako, babe. Pasensya ka na at ngayon ko lang nasagot. May aayusin lang ako, ha? Mamaya ite-text kita. I love you," sabi ko.
[Ano ba kasi 'yang inaayos mo?! Parang nagtatago ka na lang sa akin eh, baka mamaya may iba ka na. Anniversary natin ngayong araw pero hindi ko dama!" sigawa niya sa akin.
"Wala akong iba, ikaw lang ang mahal ko. Huwag kang mag-iisip ng ganyan." sabi ko naman.
"Ayaw ko na! Bahala ka na sa buhay mo! Kung hindi mo magampanan ang pagiging boyfriend mo sa akin, maghiwalay na lang tayo. Baka 'yon talaga ang-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong sumagot.
"Sige, kung 'yan ang nasa isip mo. Wala na akong magagawa dyan. Tama ka, hindi ko na nagagampanan ang pagiging boyfriend ko sa iyo. Maybe, we need to let go of one another and find ourselves."
"Ha?" Mahinang sagot niya.
"Hindi ko naman sinasadya na iyon ang sabihin. Pasensya ka na sa akin, babe. Sige, hihintayin na lang kita mamaya kung kailan mo ako kausapin," dagdag pa niya.
"Ayaw ko na, Aurora. We had enough. I think we need to take a break and see ourselves. Yung mag-isa, yung walang tayong dalawa," makungkot kong sabi.
"No. Not today. I mean, this is our anniversary. Hindi naman pwedeng mag-break tayo ngayong araw. I'll give you time, baka nabigla ka lang. Right?" sagot naman niya sa akin.
Kung alam mo lang kung gaano ko ka-gusto na maging maayos ang araw na 'to para sa atin. Ayaw kitang iwan pero gusto na nang sitwasyon nating bumitaw.
"I'll see you next week, sa unang tagpuan natin. We will talk about this. Sana maayos pa. I-uupdate na lang kita. Okay?" malamig na sagot ko.
"I love you so much, Eli. I hope everything will be fine. I'll wait for you. Sana talaga ay maayos pa natin 'to," malungkot niyang sagot sa akin.
"I love you too but love alone is not enough for us to stay. I'm sorry, Aurora. I need to let go of you," mahinahon na sabi ko.
"Sabi mo, aayusin pa natin? Bakit ganyan ka?" sagot niya pagkatapos ay narinig kong umiiyak na siya.
Pinatay ko agad ang tawag dahil baka maawa ako at kung ano pang masabi ko na hindi ko naman kayang tuparin sa kanya. Ayaw ko na siyang masaktan dahil sa akin.