Maricar Ilang minuto pa akong nanahimik doon pero nang ma-realize ko na hindi dapat ako matakot kay Philip ay tumakbo ako. Tumakbo ako papunta sa pinto ng bar ay lumabas doon. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Buti na lang ay maraming tao kaya hindi nila pansin na may nabubuo ng away sa bar. ‘’Hey, stop! Sa tingin mo ba, hahayaan kita na makatakas? Ngayon na hawak na kita, hindi na kita hahayaan na makaligtas pa. Papatayin talaga kita!’’ sigaw niya sa akin. ‘’Tama na sabi! Hindi mo naman kailangan na parusahan pa ako dahil sobra-sobra na ang ginawa mo sa akin. Philip, please? Alam kong malaki ang galit mo sa akin at may mga connections ka para patayin ako pero please? Huwag mo nang gawin iyon sa akin. Minahal mo naman ako di ba?’’ sagot ko naman sa kanya. ‘’Alam mo naman pala na k

