Aurora Feliz Maganda ang gising ko ngayon. Magkausap kasi kami ni Benedict na ngayon niya ako ihahatid sa work. Sabi niya, araw-araw na raw iyon tapos kapag day off ko naman daw eh magde-date kami. Hay, naku! Para akong prinsesa eh kapag siya ang kasama ko. Sobrang sweet! “Anak, kain ka ng marami kasi may pasok ka ngayon ha? Nagluto ako ng bacon and egg dyan,” sabi sa akin ni Mommy. “Okay po, Mommy. Kakain po ako agad. Wait lang po. Sasagutin ko lang po ang text ni Benedict sa akin,” sabi ko. “Wow. Talagang close na close na kayo ng Benedict na iyan ah? Sasagutin mo na ba, anak?” tanong sa akin ni Mommy na labis kong ikinagulat. Sasagutin ko na ba talaga siya? Ito na ba ang araw na iyon? “A-Ah eh, hindi ko po alam, Mommy. Sa ngayon po kasi, ay masaya naman ako sa company na meron

