Maricar Dahil nga medyo out of place ako sa party ay naisipan ko munang lumabas ng venue. Hindi ko naman akalain na makikita ko si Ellion dito. Tuwang-tuwa ako noong nakita ko siya. Sabi ko sa sarili ko, finally ay may kakilala na rin ako roon sa event maliban kay Liza. Nakita kong lumabas din siya roon sa venue kaya sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam kung nakita niya ako rito sa event. Ang mahalaga sa akin ay magkita kami at magkausap. Hinabol ko talaga siya noon. ‘’Ellion, ikaw ýan di ba? Masaya ako na makita ka rito sa party!’’ sabi ko, ang lakas ng background music kaya nasigaw na ako. Hindi pa rin niya yata ako rinig kaya tumakbo na ako papalapit sa kanya. Hindi na ako nahiya kasi siya naman talaga ang gusto kong makasama ngayong gabi eh. Ang liit din talaga ng mundo namin dahi

