Maricar Dalawang linggo na pagkatapos akong sagipin ni Ellion sa kamay ni Philip. Medyo okay naman na ako ngayon kaysa noong unang linggo after that happened. Noong unang linggo kasi, medyo may trauma pa ako at feeling ko eh lahat ng nakakasalamuha ko ay si Philip. Pagkatapos din noon ay hindi ko na rin nakita pa si Ellion. Hindi ko kasi naitanong sa mga kaibigan niyang si Jhulia at Patricia kung saan siya nakatira. Hindi ko na naitanong sa kanila noon dahil feeling ko ay matataray sila. Mukhang hindi naman nila sasabihin sa akin kung saan nakatira si Ellion. Aalis na rin pala ako sa condo na ito dahil pagmamay-ari naman ito ng ex-boyfriend kong si Philip. Alam ko na kahit pinangalan na niya sa akin ito ay kukunin pa rin niya sa akin ang condo. Baka mamaya, gamitin pa niya ito panlaban

