Aurora Feliz Iyon naman ang ginawa ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ito pa rin baa ng number niya. Sana nga, ito pa rin. Wala naman kasi akong nababalitaan mula kina Jairus at Jhulia na nagbago siya ng number eh. ‘’Hello. Sino ‘to? Unregistered number, e. Baka mali ka ng number na tinawagan,’’ sabi niya agad pagsagot niya sa tawag ko. Grabe naman. Mali agad ng number na tinawagan? Hindi ba pwedeng bagong number lang? ‘’Si Aurora ‘to. Kaya lang naman ako tumawag kasi kailangan kitang makausap. May hihilingin sana ako sa iyo,’’ sagot ko naman sa kanya. Kinakabahan ako noong nagsimula na kaming mag-usap. Hawak-hawak pa ni Benedict ang kamay ko at sinesenyasan niya ako to keep going sa mga sinasabi ko. Kaya iyon naman ang ginawa k

