Ellion Jase At iyon na nga, umuwi na ako sa Manila para tulungan si jairus kay Jhulia. Kinabukasan ay agad naming pinuntahan ang bahay nila. Gabi noon, ang sabi sa akin ni Jairus ay haharanahin daw niya si Jhulia. Natawa na lang ako pero hindi ako umalma. Iyon ang desisyon niya eh, nandito lang naman ako para sumuporta. Wala akong karapatan na pangunahan siya sa kung ano man ang gusto niya. ‘’O, ready ka na ba? Nandito na tayo. Wala nang atrasan ito, pare ah?’’ sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang kaba niya. Sa itsura pa lang niya eh. Kung pwede nga lang ay maririnig ko na rin ang bilis ng t***k ng puso niya eh. ‘’Pare, kaya ko ba ito? I mean, magbati kaya kami right away? Ano sa tingin mo? Kabado kasi ako eh, baka hindi naman niya ako kausapin,’’ sagot niya sa akin. ‘’Oo naman, kaya mo

