Kathrina Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pagbalik kasi namin ni Ellion sa Mindoro ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Ni hindi ko na nga siya na-iupdate tungkol sa akin ng isang araw. Hindi ko kasi talagang kumilos nang kumilos. Siguro ay hindi talaga ako sanay sa mga byahe. Noong nandito lang naman kasi ako sa Mindoro eh hindi naman ako ganito eh. ‘’Oh, anak. Kaya mo na ba? Uminom ka muna ng gamot. Grabe ang lagnat mo, lalo na kagabi. Hindi na namin alam ng Mommy mo kung ano ang gagawin sa iyo. Akala nga namin eh dadalhin ka na namin sa ospital eh,’’ sabi sa akin ni Daddy, hawak-hawak niya ang gamot para sa akin. ‘’Eh Daddy, ayaw ko naman po sa ospital. Baka lalo lang akong magkasakit kapag doon ako nag-stay. Alam mo naman ako, sinusuka ako ng ospital eh,’’ sagot ko,

