Kathrina Ilang araw na akong kinukulit ni Ana. Sorry nang sorry sa akin. Hindi ko naman siya pinapansin dahil inis pa rin ako sa kanya. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na pwedeng ipamigay niya ang number ko? Aba, kahit naman yata sino ay magagalit doon sa ginawa niya ‘no. Ngayon ay namimili ako sa grocery store. Kahit ayaw ni Daddy na mag-isa akong bumibili for my groceries ay ginagawa ko pa rin iyon. Wala naman na siyang magagawa kasi nasa tamang edad naman na ako. Okay naman ito kay Mommy. Buti na lang at may kakampi ako, kung hindi ay mahihirapan akong gawin ito. Nasa fruits and vegetables section ako nang makita ako ni Ana. Noong mga oras na iyon ay gusto ko na lang magpakain sa lupa. Gusto ko nan gang lumayo sa kanya pero bakit nagkikita pa rin kami kahit ayaw ko? Papalapit

