Ellion Jase Hindi na lang ako umimik pa. Tama nga naman siya, minsan ay strategy din nila iyon para mapalapit doon sa customer at lagi pang pumunta roon sa bar nila. Naisip ko tuloy, baka marami na rin akong naikwento sa lalaking ito at hindi ko lang iyon alam. Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko naiwasan na magtanong sa kanya. ‘’Eh ako ba? Nakapag-share ba ako sa iyo ng problema ko noong mga nakaraang lasing ako rito sa bar ninyo?’’ ‘’Ah, hindi naman po. Sinisigaw ninyo lang po ang pangalan ni Aurora. Ang lagi ninyong sinasabi noon, bakit po nagawa ni Aurora sa inyo iyon pero hindi ninyo naman po sinasabi sa akin kung ano talaga yung ginawa ni Aurora sa inyo,’’ sagot naman niya sa akin. Dahil sa nalaman kong wala naman pala akong nasasabi sa kanya eh parang nabunutan ako ng tinik. Buti n

