Ellion Jase Tahimik ko siyang hinintay sa labas ng kanyang office. Nang lumabas na siya ay agad kong binuksan ang pintuan ng kotse ko. She smiled at me at pumasok na siya sa loob pagkatapos noon. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ang tahimik kaya nagsalita na ako. ‘’Tahimik ka ah, anong meron? May problema ba?’’ tanong ko. ‘’Tahimik? Ikaw din kaya. Ginagaya lang kita. Ano? May problema ka ba?’’ sagot sagot naman niya sa akin. ’Ah, wala naman. O, iyan na. malapit na tayo. Ready ka na ba?’’ tanong ko ulit. ‘’Yeah. I’m ready. Ako pa ba? Tara na,’’ yaya niya sa akin nang makita niya na inaayos ko na ang pag-park ko sa kotse ko. Pagpasok namin sa restaurant ay gulat na gulat siya dahil sa taas kami dinala ng waiter. Nagtataka siguro siya kung bakit dito pa sa taas eh pwede naman doon sa

