Ellion Jase Kathrina and I prepared for that night. Sa totoo lang ay napupuno ako ng kaba ngayon dahil sa kung ano ang pwedeng mangyari sa gabing ito. Alam kong kahit paano ay masasaktan ako pero siguro, kasama na rin talaga ito sa process of moving on ko. Kapag nakita ko siguro na magkasama silang dalawa ay matatanggap ko na rin sa sarili ko na tapos na kami at nasa new chapter na nga talaga siya ng buhay niya. ‘’Ano? Ayos ka na dyan? Ang ganda mo ha. Prepared na prepared ka tonight,’’ puri ko sa kanya. ‘’Yes. I really prepared for tonight kasi ayaw ko namang mapahiya ka sa mga kaibigan mo kapag pinakilala mo na ako sa kanila. Di ba, ayos naman ang suot kong dress?’’ sabi niya pa sa akin. Totoo naman. Ang ganda ni Kathrina sa red with black dress niya. She is really confident with it

