/5/ Talk In The Train

1010 Words
Chapter 5: Talk In The Train . GLENN'S POV . CHUU! CHUU! CHUUU!!! The whistling chimney on top of the old, locomotive train made a noise. The train zoomed straight the railway, making grudging frictions and sounds, and popping smokes from its chimney. Ang tren ay lumang-luma na ang itsura. Rusty and reddish, but still functioning. Kasalukuyan, umaandar ito sa riles na napapaligiran ng malawak na alps. Thread of pine trees beyond the large bed of grasses, and far to the western horizon are summer green valleys, with sunlight spreading like golden curtains down those flat land and some treetops. What a beautiful view! And here we are! Inside this long, old, moving train along the rails and amidst the green alps. Nakatanaw lang ako sa katabi kong bintana, habang nakapangalumbaba sa armrest ng inuupuan kong couch, sa loob mismo ng tren. "Gustong-gusto ko talagang tumitig sa tanawin 'pag sumasakay ako ng tren. Kaya lang, bata pa ako no'ng huli kong sakay dito. Hindi kasi afford ng katulad kong sumakay dito, lalo na't mahal ang boarding ticket. Tss..." Ngumiwi ako. Sa loob ng tren, magkasama kami ni Scar. Nakaupo ako sa couch, sa tabi ng bintanang gawa sa salamin. Habang si Scar ay nakaupo sa tapat ko, kumbaga, may isang lamesang nakapagitan sa'min. Gan'on kasi ang set-up ng mga upuan dito sa tren. Two couches, face to face, and one table in between. Bawat row ay gan'on ang itsura ng mga upuan. Kaunti lang din ang pasahero rito sa tren. May mga naririnig akong boses, mga yabag ng paa sa 'di kalayuan, at kung minsan, nakikita kong naglalakad sa mid-aisle ang mga cabin crew. "So? Scar, tama ba?" wika ko, saka pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng lamesa. "Kamusta ang pagtira sa palasyo ng mga maharlika? Nabanggit mo na mataas ang ranggo mo doon, 'di ba? Ano bang specific na ranggo mo? Kwento mo naman, oh?" Ngumisi ako. Pero si Scar, who's sitting across the table, ay busy sa pagfi-flip ng pahina sa notebook na binabasa niya. Hindi niya rin inaalis ang mata niya doon, tila sinusuri nang maiigi ang mga nakasulat sa kwadernong hawak. Tch! Medyo snob ang isang 'to, ah? "Oo, Glenn! Napakasarap mong kausap! Napaka-informative ng mga sinasabi mo! Grabe, an'dami kong natutunan sa pagkwekwentuhan natin, sobra! Wow!" And I laughed by myself with sarcasm. An'sarap talagang kausap ang sarili ko. Grabeee! Sighing, sinarado ni Scar ang notebook at sinalubong ang paningin ko. Finally! He noticed my existence! "You are too loud, peasant," aniya. Tumaas ang kilay ko. "Wow? Maka-peasant, ah?" Umismid na lang si Scar, saka pinatong ang notebook sa ibabaw ng lamesang nakapagitan sa'min. "Hindi ka man lang ba mag-explain sa akin? Saan mo 'ko dadalhin? Ano 'yung special task na gagawin natin? Hindi ba partner na tayo? Dapat alam ko rin ang mga plano mo," rason ko. "Partner?" Scar scoffed, crossing his arms, back against his seat. "You are my assitant, not a partner. Know your place, peasant." Peasant ulit? "Tss..." Umirap ako. "Partner, assistant, parang gan'on din naman iyon. So, ano nga? Anong plano? At hindi ka man lang ba magpapakilala sa'kin nang maayos? Hindi lang sapat na kilala mo ang papa ko, at saka---" "Indeed, I know your father. Who wouldn't? Napakahusay na kawal ni General Mczeen. Walang tao sa palasyo ang hindi siya tinitingala. Even the late king adores his might and loyalty," ani Scar. He's... Praising my papa? Hindi kaya fan din siya ng papa ko? Napangiti naman ako d'on. "Astig ng papa ko, 'no?" "Sadly, mukhang hindi namana ng anak ni General Maczeen ang ugali niya," dugtong nito. Naglaho ang ngiti ko at napa-pokerface. What the heck did he mean by that?! "Iniinsulto mo ba 'ko?" diretsong tanong ko. Maangas na nag-smirk si Scar. "What do you think? From a great palace's knight, his daughter became a streetrat thief. Tss... What a shame. The late general would absolutely disgust that idea." Naningkit ang mga mata ko, nagpipigil ng galit. Kalma, Glenn, kumalma ka. H'wag kang papatol sa lalaking 'yan at baka... Nakuuu! "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Mister Scar. Hindi porke't taga-palasyo ka at taga-baryo ako, mamaliitin mo na ako," banta ko. Scar's brows arched. "Minamaliit? Of course, I do not. Stating the fact, that is." Stating... WHAT?! "Aba! Napaka-arogante mong---" Tatayo na sana ako para sugurin ang aroganteng lalaking 'yon, pero tumigil ako nang magsalita ulit siya. "Please, do not make a commotion. Nasa loob tayo ng public transportation. May mga pasaherong hindi magugustuhan ang anumang violent act," kalmadong ani Scar. Grrr!!! Kumukulo ang dugo ko sa kaniya! Pero tama siya. We're in public train. There are passengers in every corner, and I wouldn't want to disturb nor get their unwanted attention. Bumuga ako ng hangin, saka pinakalma ang sarili habang nakaupo sa couch. Matalim kong tinitigan si Scar, na nakaupo sa kabilang couch, katapat ko. Mabuti na lang at may lamesa sa gitna namin, kun'di kanina ko pa siya hinila at binatukan! "Now, going back to your question. My palace's position is, of course, a high and noble rank namely... Uh..." Tila natigilan si Scar, saka kumurap nang ilang sandali. "I am... uh... A-A treasurer in the palace. Right! A treasurer, that I am!" Treasurer, huh? "Treasurer? So, tagakolekta ka ng mga pera't kayamanan sa palasyo?" tanong ko. He nodded his head, once. "Yes. Absolutely! Gan'on nga ang trabaho ko." "Tss. Kaya ka pala arogante. Mukha kang pera," bulong ko. Good thing he didn't hear that. "In terms of the task, on the other hand..." Scar unrolled a scroll, then laid it flat on the table between us. "...here is the plan, so listen carefully, peasant." "Isa pang tawag mo sa'kin ng peasant, makukutusan na talaga kita," banta ko. But he just glanced up on me, pokerface, then lowered his eyes back to the open scroll on the table. Walang pakialam. "Focus here, with all due respect," aniya. Psh! Snobber talaga! "Ano ba 'yan?" tanong ko at dumungaw sa lamesa, kung saan nakalatag ang scroll. It is a list. Oo, as in, listahan. Four women's pictures were drawn on the scroll's paper. Plus, there are descriptions listed down for each of those women. "Four ladies, four destinations," panimula ni Scar. "Main task? To find a well-suited woman for a high-ranked position as a noble bride." "Huh? Noble... Bride?" Kumunot ang noo ko. "Bride na, as in, babaeng pakakasalan? Gan'ong bride?" "May iba pa bang bride sa dictionary?" sarkastikong sagot ni Scar. Aba!? Parang nagtatanong lang, eh! Suplado! "Of course, it is the soon-to-be-wife bride. Tsk!" asik ni Scar. Ngumiwi ako. "Seryoso? Aan'hin mo naman ang bride, huh?" "Pakakasalan, siguro," pamimilosopo niya. Kanina pa niya ako binabara, ah! Kainis! "Bakit ka pa naghahanap ng pakakasalan sa labas ng palasyo? Wala bang magagandang babae d'on? Balita ko, marami raw maririkit na dilag sa loob ng kastilyo. 'Yung wife material na tinatawag, 'di ba?" I asked, curious. But he gave me a deadpan look. "Bakit ba an'dami mong tanong? Pwedeng makinig ka na lang sa ie-explain ko?" Ay? Galit 'agad? "Okay, sorry na. Suplado mo naman." I pouted my lips. "Besides, no women in the castle suits my type. It's not just about beauty outside, but also their personality and abilities within. Elegance, class, reputation. Itong nasa listahan..." Sabay turo niya sa scroll na nasa lamesa. "...sigurado akong ito ang mga babaeng high class at eksakto sa lebel ko." My brows arched. "Wow! Taas naman ng standard? Eksakto sa lebel mo? Ano ka? Hari? Naghahanap ng reyna? Pfft!" Tumawa ako nang malakas. Ramdam kong nakatitig sa'kin si Scar, medyo nakakunot ang noo. Tumigil ako sa pagtawa, saka ngumisi na lang. "Oy, joke lang! Huwag ka ngang palaging nakabusangot d'yan. Sige ka, 'pag naihipan ka ng masamang hangin, forever ka nang gan'yan. Palaging salubong ang kilay. Pfft!" Sinubukan kong hindi matawa. Habang si Scar ay umiling na lang, saka binaba ang paningin sa scroll sa lamesa. "Going back to the topic," aniya. Seryoso talaga siya, 'no? Ni hindi man lang marunong ngumiti. Tsk! Sayang, mukha pa naman siyang gwapo 'pag ngumingiti. He started explaining, and I begin to listen. He introduced me to those women's picture drawn in the scroll. Lahat sila magaganda, mga mukhang mayayaman, at elegante. Hiyang-hiya ang mukha kong pang-kalye lang! "First is Jennizel Kimbridge..." Scar pointed to the first picture of a woman. "...Nineteen years old. Nakatira siya sa center ng Highcrest Vill. Only child, and she loves to play music. Her parents? Mr. and Mrs. Kimbridge are successful merchants overseas. Big asset siya dahil may alam ang pamilya niya sa business. She's a jewel because she's the only heiress of the Kimbridge's legacy." Tumango-tango ako. "Pwede na. Maganda, mayaman, mukha rin naman siyang mabait. Bonus na 'yung talent niya sa music. So? Siya ang una nating pupuntahan?" "Yes." Scar nodded. "Hmm... Pero ang sabi rito, taga-baryo siya ng Highcrest Vill. Hindi aabot ng Highcrest ang tren na 'to. At sobrang layo pa ng lugar na 'yun mula mismo sa bababaan nating istasyon," sabi ko naman habang nakatitig sa scroll. "That, streetrat, is the very reason why I assigned you to be my assitant," ani Scar. Hindi na nga niya ako tinawag na peasant, pero "streetrat" naman. Pambihira! Scar unfolded another paper, and he laid it flat on the table, just beside the open scroll. That paper is an old map, with islands and lines and symbols illustrated neatly by an ink. His forefinger pinpointed on that map. "This map will be our guide as we embark the journey. Hindi natin tatahakin ang main road, o 'yung direksyong karaniwang dinadaanan ng mga transportasyon. We, both of us, will take short cuts." "Short cuts?" "Yes. At hindi 'yon magiging madali dahil mga masusukal na kakahuyan o kaya'y mga lilib na lugar ang dadaanan natin. Expect a lot of trouble in the way, because short cuts were meant for more obsatcles than the long run. But it's better for saving time and money." "I see..."  Kumunot ang noo ko.  "Ay, teka! Ano namang role ko d'yan? Bilang assitant mo, anong ambag ko sa special task SEARCH-FOR-MISS-RIGHT na 'to?" "Excuse me? Searching for...what?" He frowned. I shrugged. "Searching for Miss Right. Hindi ba 'yon naman talaga ang goal ng task? Makahanap ng Miss Right para pakasalan mo?" Scar just stares at me, as if I'm the strangest person he'd ever met. "Please, don't make any more corny titles. You're being weird and it cringes the heck out of me." Umiling siya, saka binaba ulit ang paningin sa mapang nasa lamesa. Grabe, maka-weird ang isang 'to! Akala mo kung sino! Tch! Ngumiwi na lang ako, while Scar proceeded discussing. "Moving on. In-assign kita bilang assistant ko, dahil hindi ko kayang tahakin nang mag-isa ang mga short cuts na 'to," he said while trailing his forefinger across the map's surface on the table. "So, I need an accompany in case bad things become worse along the way." "So, sa madaling salita... Sinama mo lang talaga ako rito para naman, eh, may karamay ka sa paghihirap mo? Gan'on?" I asked. Scar smirked at me. "Kung gan'on ang pagkakaintindi mo, e'di oo, gan'on nga." Aba! Um-oo talaga siya? "Hanep ang walang'ya..." I whispered and rolled my eyeballs. "Besides, the two sackbags of gold and diamond, the permanent job in the palace and fine shelter are enough price to take the risk, right?" dugtong niya. Nagliwanag ang mukha ko nang maalala ang KAPALIT ng pagsali ko sa task na 'to. Oo, tama! This sacrifice won't be in vain. Sa huli, may maiuuwi pa rin akong papremyo! I grinned and put my thumb up. "Siyempre naman, boss! Oks na oks 'yung price na in-offer mo! Sobra pa nga po, eh. Don'cha worry, boss. Hindi na 'ko magrereklamo, promise." I lifted my right hand, animo'y nanunumpa. Tinaasan lang ako ng kilay ni Scar. "Promise talaga. Karamay mo 'ko hanggang sa dulo ng special task na 'to. Itaga mo 'yan sa bato," I stated and still rising my right hand firmly. Umismid ang lalaking kaharap ko, saka niya tiniklop ang mapa at scroll na nasa lamesa. "Siguraduhin mo lang," aniya. "For I am not a fan of anyone who breaks promises." Afterwards, huminto ang tren. We have arrived in the Verderock Train Station, in Verderock District. _________________________________________ _________________________________________ .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD