/4/ First Encounter

1745 Words
Chapter 4: First Encounter . GLENN'S POV . THE MARKET PLACE is so bustling with ocean of people. Nandito ako sa kabilang baryo na pinangalanang Quartzvill Town, specifically, sa palengke. Nakalinya ang mga tent sa gilid. Bawat tent ay mayroong tindahan ng iba't ibang produkto. Isda, prutas gulay, karne, mga tela, at marami pang iba. Ang mga tao ay nagkalat din sa paligid. "Ate, kuya! Bili ho kayo!" "Oh, kuwarenta lang! Bili na!" "Sariwang isda para sa limang pilak!" "Dito kayo bumili, mura lang!" Maingay, sobra. Sigaw dito, sigaw doon. Kadalasan, ang mga tindero't tindera ang nagpapalitan ng mga ingay. Ang mga mamimili naman ay palipat-lipat ng tent. Lakad dito at lakad doon. And here I am, walking amidst the noisy crowd, nakabusangot ang mukha. "Grabe, gutom na gutom na ako. Wala pa 'kong almusal. Pambihira naman!" Sabay himas sa'king kumukulong tiyan. What to do, Glenn? Lingon sa kaliwa't kanan. Mas lalo akong napasimangot. Nakakatakam ang mga tinitinda nilang prutas. Gusto kong kumagat, kahit isa lang. Isa lang, promise! Pumikit ako. "Hindi pwede, Glenn. Hindi ka na magnanakaw. Magbabagong buhay ka na. Nawalan ka na nga ng permanenteng tirahan, gagawa ka pa ng krimen? Tsk! No, pigilan mo ang sarili mo!" Parang ewan kong kinausap ang sarili, habang naglalakad sa gitna ng pamilihan, at nakikisabay sa daloy ng mga tao sa paligid. Bawal magnakaw. Bawal! Bawal! I sighed, and pouted my lip. "Pero nagugutom na talaga ako, iiihhh!" Bahala na! Lumapit ako sa isang tent, kung saan may lamesa na puno ng matatamis at pulang mansanas. Ang tindera, mataba at mukhang mataray, ay nakaabang sa likod ng lamesang 'yon. "Oh, madam! Bili na ho ng mansanas. Tatlong tansong barya para sa isang matamis at sariwang prutas! Masarap ang mga 'yan," wika nung tindera. Ngumiti ako nang pilit, saka kunwaring sinusuri ang mga mansanas sa mesa. Diskarte, Glenn. Remember the Thief Rule number one and two: stay close to the target and be a smooth pretender. Mayamaya, may dumating na isa pang mamimili na babae Tumayo ito sa gilid ko, at 'gaya ko, tumingin din ito ng mansanas na nasa lamesa. "Magkano ho ang mga mansanas, ale?" tanong ng babaeng kadarating lang. "Tatlong tansong barya ho, madam," sabi nung tindera. Pasimple akong sumulyap sa babaeng katabi ko. Ooh-lala! Makintab at halatang original 'yung silver bracelet na suot niya. Pwede na. I smirked. "Uh... Excuse me," wika ko. Pasimple akong tumabi sa babae, saka ko in-extend ang braso, kunwari'y nahihirapang abutin 'yung mansanas na nasa kabilang sulok ng lamesa. The lady beside me didn't bother. Akala niya ay inaabot ko lang 'yung prutas, pero ang kabilang kamay ko... heto, pasimpleng dinudukot ang bracelet sa pulso ng target ko. Then... I got it! I simply straightened back my position. "Ah! Itong mansanas ang bibilhin ko. Mukhang masarap at sariwa. Hmmm!" Inamoy ko pa ang hawak na prutas, habang nakatayo nang tuwid, at pasimpleng pinasok ang ninakaw na bracelet sa bulsa ng tunic ko. No one saw that, of course. Smooth and discreet. Tumango naman ang tindera na nakatayo sa likod ng lamesa. "Mahusay kang pumili, madam! Mukha ngang matamis-tamis 'yang mansanas na 'yan. Tatlong tansong barya lang ho, madam." "Wala akong tatlong tanso, eh. Pero mayroon ho ako nito." At nilabas ko ang silver bracelet. Inabot ko 'to sa tindera, saka naman niya ito tinanggap at sinuri. "Hmm... Purong pilak, sapat na 'to, madam! Oh, siya! Pakasaya ka sa'yong mansanas," ani ng tindera. Easy. "Ayos!" Ngumisi ako, saka pabirong sumaludo. "Una na ho ako." Tumalikod ako, hawak ang mansanas, saka naglakad palayo. I blended in with the ocean of people walking down the market streets. Right on cue, isang sigaw ang nag-echo mula mismo roon sa tindahang pinanggalingan ko. "H-HALA! TEKA! 'YUNG BRACELET KONG GAWA SA PILAK, NAWAWALAAA!!!" It's a voice of a woman, panicking. I smirked, continued walking without looking back. Kumagat pa ako sa mansanas na aking hawak. Welp, my bad. You know what they say... Gotta eat to live, gotta steal to eat. This is a thief's life. Deal with it. * * * "AY, SALAMAT, NAKAKAIN na rin! Sa wakas!" Malaki ang ngiti ko sa mukha. Prente akong naglakad sa isang kalsada, napagigitnaan 'to ng berdeng linya ng mga pine trees. Dinig ko ang huni ng mga ibon, pati ang hampas ng hangin. Tahimik ang lugar, dahil mag-isa lang din naman akong naglalakad sa kalsadang ito. Blue sky. Sunlight kissing my face. Greenness of trees surrounding the lonely road. Everything is peaceful. But there is one problem. Mula sa satchel bag, na nakasabit sa'king katawan, kinuha ko ang lumang mapa. In-unfold ko 'to, saka hinarap sa'king mukha habang mabagal na naglalakad. "Ngayon... S'an kaya ako pwedeng makahanap ng matutuluyan? Sa east? West?" My eyes squinted while staring at my map. "Maganda siguro 'pag kumuha na rin ako ng disenteng trabaho, 'no? Hmm? S'an kaya pwede?" "Well, perhaps, I can help," a man's voice. Huh? Sino 'yon? Napalingon ako, saka ko natanaw ang isang lalaki na naglalakad palapit sa'kin. Nakasuot siya ng white cloak, at may hood sa ulo kaya't hindi ko maaninag ang mukha niya. Who is this dude? "How 'bout take my suggestion?" aniya at tumayo sa harapan ko. "I'll hire you a job in my domain, give you comfortable shelter. And all of that is for free. But! In return... You will, first, work as my assitant in a special task 'til we complete it." Eh? Anong pinagsasasabi ng isang 'to? Lasing ba siya? "Uh... Excuse me?" Kumunot ang noo ko. "The name's Scar," ani ng misteryosong lalaki. "If you take my offer, I'll guarantee that you'll get what you ask. A job and a shelter. No fee." "Okaaay? I like the offer, s-sir, but..." Napakagat ako sa'king labi, naghahanap ng magandang palusot. Sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan? Nakakatakot, ah? "Sa totoo lang, ayoko sanang ma-offend ka, Mister... Uh... Scar, right? Pero... Um... hindi ho kasi kita kilala. At tinuruan din ako ng magulang ko na don't talk to strangers," wika ko at tumawa nang pilit. "Hehehe, so, uh... H'wag na lang po." Tatalikod na sana ako para mag-walk out, ngunit may hinagis na bagay ang lalaki sa direksyon ko. A small sackbag fell in front of my feet. Nakabukas ang sackbag na 'yon, kaya't kitang-kita ko ang laman nito. Makintab. Mga gold coins! Umaapaw ng makikintab na barya ang maliit na sackbag na nasa lupa. Napalunok ako. "What the heck is this?" I hissed. Umangat ulit ang paningin ko sa lalaki. "Sinusuhulan mo ba 'ko?" The mysterious man scoffed. "No, I'm asking you for an opportunity. Iyang sako ng gintong barya? Sa'yo na 'yan. But if you'll take my offer, mas malaki at mas marami pa riyan ang makukuha mo. A fine house, and of course, a decent job." Let's be honest, his offer sounds VERY alluring. At saka, parang kanina lang ay desperado akong maghanap ng bahay at hanap-buhay. Tapos, ngayon, may bigla na lang susulpot na lalaki mula sa "kung-saan-man," at o-offer-an ako ng GANITO?!" Seryoso? Is this what they call miracle? I returned my eyes below, staring at the sackbag filled with gold coins lying in front of my feet. "O... Kaaay, Mister Scar. I don't know who you are, and it's kind of ODD that you suddenly showed up and... Viola! Offered me such big deal." Tumawa ako nang pilit. "Hindi kaya scam ka? A con? I don't trust people easily, no offense. So... Thanks, but no thanks." Pilit akong ngumiti, saka akmang tatalikod upang maglakad paalis. Pero, muli, nagsalita 'yung misteryosong lalaki. "Scam? Con? How ironic," aniya. "Nagmula pa talaga sa isang katulad mo? Glenn Mczeen, the thief who sneaked into Seion's Kingdom and stole jewelries. Hmm?" What the...?! Literal akong natigilan, tila napako ang paa sa lupa. With squinting eyes, lumingon ulit ako sa lalaking iyon. "I wonder how your late father, the former General Commander in Knight's Army, reacts if he finds so that his daughter now is a streetrat thief?" he added with cunning smirk across his shadowed face. "Disappointing, isn't it?" "Sino ka ba? Pa'no mo 'ko nakilala?" I was triggered. Kalmado pero may talim ang boses ko. The mysterious guy remains smirking, standing in front of me. "Sabihin na lang nating, umm... May mataas akong ranggo sa palasyo. I know the subjects inside and outside the castle," aniya. "How's that?" Napalunok ulit ako. A palace's official? Kaya ba may sackbag siya na puno ng gold coins? Dahil mayaman ang lalaking kaharap ko ngayon? "Ayos na ba 'yon para pagkatiwalaan mo 'ko sa ino-offer ko sa'yo?" he asked. Hindi muna ako nagsalita. I examine him. His shadowed face under his hood, his white cloak, his bag, his tall height, taller than mine, and his masculine posture. "Sigurado ka bang taga-palasyo ka? At maniniwala ako sa'yo dahil kilala mo 'ko at ang ama ko? Ha!" I sarcastically laughed. "Baka naman stalker lang kita? You are kind of creepy, too." Nag-tch ang lalaki, tila nagpipigil ng inis. I can sense that he's glaring at me. "Stalker? Don't be so arrogant. You know that I could report you to the royal council and put you to jail in no time, right?" aniya. "Pero hindi ko 'yon gagawin... kung tatanggapin mo ang offer ko. Isn't that a win-win situation for you? I won't report you to the council. No imprisonment. Plus, you'll get job and shelter, just as I promised." "At 'pag hindi mo 'yon natupad?" Tumaas ang kilay ko. Imbes na sumagot, may hinagis ulit na bagay ang lalaki. Another small sackbag dropped on the ground, right in front of my feet. At sa pagkakataong ito, hindi na gold coins ang laman ng sackbag. But shimmering diamonds! Umaapaw na diamonds sa loob ng isang buong sackbag! Goodness! I smell richness! "Take that bag full of golds and diamonds, and come with me as I make you my assitant," wika ng lalaki. "This is my last call. Take it or leave it?" Oh, come on, Glenn! Mag-iinarte pa ba ako? Ginto at diyamante na ang pinag-uusapan natin dito, 'no? Plus, if this dude scam me, I'll rob him! Fair and square. Sighing, I bent down, grabbed the two little sackbags of gold and diamond, and stood straight back up. Grinning. "Fair enough," I said. "So? Kailan magsisimula ang duty ko bilang assitant mo?" And that is how our first encounter happened. Who would've thought that it'll be more interesting than I imagined it would be? _________________________________________ _________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD