Chapter 1
Encounter
HER
"Ano? Nahanap mo na ba sa f*******:?" aligaga nyang tanong. "Ilang linggo na tayong search ng search maging sa i********: at twitter. Wala pa din. Ano nang gagawin ko?" nanlulumo na sya.
Nasaan na ba kasi ang ama ng anak ko!
Yes. You read it right. Nasa kasagsagan sila ng paghahanap ng ama ng anak nya. Aminado din syang may kasalanan sya sa nangyare pero huli kung magsisisihan pa sila. Palagi nya kasing ikinu-kwento sa anak nya ang tatay nya bago ito matulog hanggang sa hinanap hanap na nito. Akala nya noong una ay mapapakiusapan pa nya ang anak pero hindi na. Six years old na ito ngayon. Sa edad na iyon ay mamamangha ka dahil mature na mature na itong mag-isip. Sa kilos, sa gawa at sa salita.
Nagpapalatak ang kaibigan nyang si Butch. Ang kalahating-tao at kalahating engkanto nyang kaibigan. Matangkad ito sa kanya. Palibhasa may lahing amerikano ang ama nito. "Bakit ba kasi pangalan lang nya ang alam mo? Ni hindi mo man lang naisip itanong pati apelyido. Jusko naman bakla! Maraming Tyron sa mundo."
Yes. Bakla si Butch. Huwag na lang kayong maingay. Konte pa lamang ang nakaka-alam sa sekreto ng kaibigan nya. Lalong hindi din alam ng mga magulang nito. Nasa amerika naka-base ang mga magulang ng kaibigan nya kaya safe pa itong magka-jowa. "Kasalanan ko bang iniwan nya ako kinaumagahan." Ungos nya dito.
Inirapan sya ng bakla nyang kaibigan. "Gaga ka bakla! Kilala kita. Tulog mantika ka kapag natutulog."
Napakamot sya. Totoo naman kasi! Mahirap talaga syang magising lalo na kapag sobra syang pagod. Naalala na naman nya ang note na iniwan sa kanya ng lalakeng ama ng anak nya. Halos pitong taon na ito sa kanya.
Hey Baby,
I enjoyed everything last night. It was a blast! Thank you and goodbye.
P.s I left a check beside this note. I hope this is enough.
-Tyron
Oh diba! Kung hindi lang talaga para sa anak nya ay hindi na talaga nya ito hahanapin. Palagi ng nagtatampo si Mico sa kanya. Madalas na din itong nagkukulong sa kwarto. Naaawa na sya sa anak nya.
"Oh. Natahimik ka dyan?" nakapamewang pang sabi ni Butch sa kanya "Naaalala mo na ba?"
Marahan syang umiling. Inis na binatukan sya ng bakla. "Mukhang mission impossible naman itong ginagawa naten baks. Sabihin mo na lang kaya sa junakis mo na hindi mo talaga kilala ang ama nya. Nakipag-jugjugan ka lang noon dahil malandi ka."
Binatukan nya si Butch. "Malandi agad! Sisihin mo na lang kaya ang malandi kong pinsan. Sya ang panira ng lovelife ko noon e. Inahas ba naman ang Dodong ko."
Si Mitchell. Ang pinsan nya sa ama. Maganda ito na may kaliitan ang mukha. Halos magka-edad lang sila. Pero alam nyang may lihim na galit ito sa kanya. Hindi nya alam kung paano nagsimula pero nagsunod-sunod na ang away nila simula siguro noong hiniram ni Mitchelle ang pocketbook nya noon na hanggang ngayon ay ayaw ibalik sa kanya. Alam ni Mitchelle na pinapaka-ingatan nya iyon pero pinili nitong huwag ibalik sa kanya. Pinabayaan na lang nya iyon noon pero hindi na sya nakatiis ng agawin naman nito ang Dodong nya. Mag-iisang taon pa lang sila ni Dodong noon ng akitin ni Mitchelle. Noong una ay hindi nya ito pinapansin pero kalaunan ay naging bali-balita na ito sa kanila. Na kesyo, ang martir nya. Ang tanga tanga kaya ayun naisip nyang hulihin sa akto ang mga gago!
Syempre, nasaktan sya kaya nag-inom sya kinagabihan. Dumayo pa nga sya sa Tagaytay para mag-inom nang wala nakakakilala sa kanya. Ang balak lang talaga nya ay uminom ng uminom hanggang sa hindi na nya makaya kaya lang ay masyado syang naakit sa lalakeng mala-greek god ang hitsura. Nadadala sya sa mga titig at ngiti nito. Kaya kalaunan, nakita na lang nya ang sariling nagpatianod dito. The rest is history!
"Hindi naman papable yang Dodong mo kaya ayos na yung hiniwalayan mo na sya. Kita mo ngayon, meron kang mala-anghel na Mico. Siguradong gwapo ang ama nyang batang yan." kinikilig kilig pa ang bakla.
"Oo. Gwapo ang loko kaya tulungan mo na akong hanapin sya para hindi na magtampo ang batang yun."
Isang buwan na lang bago mag-pitong taong gulang si Mico. Matamlay pa din ito. Ang balak nya talaga ay ang mahanap ang ama nito at ipakilala sa mismong birthday na gagawin nya pero mukhang walang ama syang ihaharap sa bata.
Humila na lang kaya ako ng lalake doon?
Umiling iling sya sa naisip. Saan naman sya makakahanap ng mala-greek god na mukha sa Tagaytay. Yun ang request ni Mico na kung sakaling wala ang ama nya ay sa Tagaytay na lang sya nito dalhin. Gustong-gusto kasi ng batang yun ang mga pagkain sa Tagaytay.
"Ma'am Cariedo. May magulang pong gusto kayong makausap." tawag ni Ma'am Judit, ang co-teacher nya.
"Salamat po ma'am." lumapit sya sa pinto para harapin ang bisita nya. "Magandang araw po. Pasok po muna kayo." pinaupo nya ito sa sofa. "Ano pong maitutulong ko?"
Malungkot na tumingin ito sa kanya. "Gusto ko po sanang makiusap sa inyo. Ayaw pumasok ni Greg kung hindi kayo ang magiging adviser nya."
Iniwasan nyang kumunot ang noo nya. Si Greg pala. Ang pinakamatigas ang ulong estudyante dito. Trip na trip talaga ng batang yun ang pahirapan sya.
Lumapit sya sa ginang. Inalo nya ito. Umiiyak na pala si Mrs. Cruz. Pasaway na bata talaga si Greg. Hindi na kayang disiplinahin ng mga magulang. Palibhasa ay wala ang ama nito.
"Pumayag ka na ma'am Cariedo. Please po! Ilang beses ko na syang pinakiusapan pero sadyang matigas lang ang ulo ng batang yun. Ayaw maniwala. Yun na din siguro ang karma ko. Hindi ko hinayaang makilala ni Greg ang ama nya kahit isang beses. Hindi ko sya hinanap. Hinayaan ko lang sya." natutop nya ang kanyang bibig at biglang nakaramdam ng kaba.
Ganun na ba ang epekto sa bata kapag walang nakikitang ama. Walang tumatayong ama. Napapikit sya ng mariin.
Ayaw kong maging masamang bata si Mico nang dahil lang sa pinagkait ko ang ama nya.
Huminga sya ng malalim. "Huwag na po kayong mag-alala misis. Idadagdag ko na lang po sya sa listahan ng mga estudyante ko. Kelan po ba sya babalik?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Mrs. Cruz. "Bukas na bukas ay papapasukin ko na sya. Maraming-maraming salamat po ma'am."
Kinausap nya muna ang principal bago nya i-finalize ang listahan nya. Ipinaliwanag na din nya kung bakit kasama si Greg sa listahan. Nabanggit na nga kanina, isa sa mga pinakamatigas ang ulo ang batang yun kaya pati principal ay kilala ito.
Hapong-hapo sya sa maghapong nagdaan. Ang pagiging high school teacher ay hindi biro. Masakit sa ngalangala at masakit sa paa.
"Mommy!" bati ng mahal kong anak na si Mico. Hinalikan sya nito sa pisnge. "Nag-color kami kanina sa school. I got a smiley!" masaya nitong kwento.
Tiningnan nya ang gawa ng anak at napangiti sya. "Ang galing galing naman ng baby boy ko!"
Ngumiti ng matamis sa kanya ang anak. "Mommy."
Inilapag nya muna ang kanyang mga gamit bago tuluyang humarap sa anak. "Yes, baby boy?"
Nahihiya itong lumapit ng tuluyan sa kanya. "M-may work po ba kayo sa saturday?"
Kailangan nya lang tapusin ang lesson plan nya na nasimulan na nya kahapon. Pwede naman nya itong ipagpaliban muna. Mas mahal nya ang anak nya kesa sa trabaho. "Baby." niyakap nya ito.
"Ok lang naman po mommy kung hindi pwede." mahina itong sabi
Pinisil nya ang pisnge ng anak. "Baby boy. Alam mo namang hindi si mommy pwedeng humindi sayo, diba. Love na love ka ni mommy kaya pwede tayong lumabas sa saturday kahit saan mo pa gusto."
Nakita nya ang tuwa sa mukha ng anak. "Really mommy? Pwede ba tayong mag-play sa park tapos punta tayo sa mall? Sige na mommy. Please!"
Hinalikan nya ang tungki ng ilong ng anak nya. "Anything for you my baby boy. Anything!"
Dumating ang sabado ng umaga ay naging hyper na hyper na ang anak nya. Mukhang gustong gusto talaga nitong mamasyal at maglaro. Nagbaon lang sya ng sandwich, tubig at damit pamalit sa anak nyang alam nyang magiging pawisan sa kakalaro.
"Huwag ka masyadong tumakbo anak! Baka ka madapa." paalala nya sa anak na masayang masaya na nakikipaglaro sa ibang mga bata.
Nginingitian lang nya ang ilang mga nanay doon. Hindi sya lumalapit sa kumpulan ng mga ito kasi alam naman nyang nagtsi-tsismisan lang yung mga yun.
Mukhang hindi nakatiis ang isang ginang at nilapitan na sya. "Maganda umaga hija."
Ngumiti sya. "Magandang umaga din po."
Nahihiya itong tumingin sa kanya. "Huwag kang magagalit hija sa itatanong ko. Gusto ko lang malaman kung sino ang ama ng anak mo?"
Naguguluhang tumingin sya dito. Nakakunot ang noo. "Huwag mo sanang masamain. Ang gwapo kasi ng anak mo. Hindi sya mukhang purong pilipino." wika nito habang nakatingin kay Mico.
Inaamin nyang gwapo talaga ang anak nya pero may iba pa din palang nag-iisip na may ibang lahi ito dahil sa kagwapuhan. Hindi na din masama ang iniwan ng ama nya saken. Nasaktan man ang pagkatao nya, binigyan naman ako ng blessing na nagngangalang Mico. Ang anak ko!
"Natural na po samen ang ganito." yun na lang ang sinabi nya. Sabi din ng kanyang yumaong lolo, may lahing amerikano sya. Kaya, mukhang namana ng anak nya ang konteng genes ng lolo nya.
Hindi kumbinsido ang mahaderang ginang sa sinabi nya. Ipinagsawalang bahala na lang nya iyun. Hindi nya kailangan ipaliwanag pa sa mga ito ang totoong nangyare. Para saan? Para sya naman ang pag-tsismisan. Ayaw nyang maging sikat kaya nananatili na lang syang tahimik.
"Mommy!" humahangos na lumapit sa kanya si Mico.
Agad nyang pinunasan ang pawis nito. "Baby. Papalitan muna kita ng damit. Basang basa ka na."
Hinayaan naman sya ng anak. Kinalikot na lamang nito ang kanyang cellphone. Matapos bihisan at lagyan ng pulbos ang anak ay tumingala ang bata sa kanya. "Nauuhaw ka ba? Gusto mo ng tubig anak?"
Nang makitang tumango ang anak ay agad nyang binigay dito ang baon nyang tubig. Halos mangalahati na ang baon nilang tubig. "Gutom na ba ang baby ko?"
Lalo naman iting napatango at hindi na inubos ang tubig. Pinisil nya ang pisnge nito at inayos na ang mga gamit nila. Hinawakan nya ang bata sa kamay at nagpunta sila sa isang restaurant na ang itinitinda ay lutong bahay.
"Mommy! Gusto ko po ng hipon."
Hindi ko naman matitiis ang anak nya kaya yun na lang ang in-order nila. Iniwan nya muna ito sa isang gilid. "Anak. Huwag kang aalis dyan. Pipila lang si mommy para makakain na tayo. Huwag kang sasama kahit kanino. Huwag kang makikipag-usap kahit kanino."
"Yes mommy. Promise!"
Hinalikan nya muna ito sa pisnge bago umalis. Nainis pa sya sa nangyare. Halos mahigit tatlong minuto syang naghintay para maka-order lang sya. Ang dami kasi ng order ng nauna sa kanya. Mukhang nagluto pa ito dahil kinulang. Nag-aalala na sya sa anak nya. Baka nagugutom na yung bata.
Nang makompleto na ang order nya ay agad syang lumapit sa table ng anak. Nakita na nya itong kumakain ng burger. Teka? Sandwich ang dala nya hindi burger. Saan naman kaya nakuha ng batang ito ang burger.
"Anak?"
Tumingala ito sa kanya at ngumiti. "I'm so hungry na mommy kanina. Tapos yung isang guy lumapit saken. Hindi ko sya mommy kinausap. Promise. Pero nagpakilala sya saken. Tapos, hindi na sya stranger. Friends na daw kami. Tapos, tinanong nya kung nasaan ka. Sinabi ko nakapila ka pa. Narinig nyang tumunog ang tummy ko kaya binigay nya ang burger nya saken." tuloy tuloy nitong kwento.
Hinaplos nya ang pisnge ng anak. "Galit ka ba mommy?"
Umiling sya. Paano naman sya magagalit sa batang ito. Napaka-honest at napakatalino. "Hindi galit si mommy, ok. Basta huwag na sanang maulit yun." sinuklay nya ang sariling kamay sa buhok nito "Nagpasalamat ka ba?"
Tumango ito at kinagat ang huling burger nya. Ngumuya muna ito at inubos bago magsalita. See. Ke-bata bata pa ay may manners na agad. "Yes mommy. May binigay din sya saken na papel mommy. Here." inabot sa kanya ng anak ang isang maliit na papel. Calling card.
TYRON MARC WILHELM
(02) 5875**
Martinez St. Zone IV **** City.
Napataas bigla ang kilay nya na hindi nya pinahalata sa bata. Tyron? That’s odd. Kapangalan pa ng ama nya. "Bakit meron ka neto?"
"He gave it mommy." nagsimula na itong kumain ng ihain na nya ang in-order nya. Hindi na nga ito masyadong nakakain dahil medyo nabusog na ito sa kinaing burger kanina.
Sa mall ang sunod nilang pinuntahan matapos magtanghalian. Hindi naman sila namili. Naglaro lang at nagtatakbo ang anak nya. Ganito ito ka-hyper talaga kaya hinahayaan na lang nya ang anak. Binabantayan nya ito kung sakaling may mabanggaan man ito ay handa sya.
"Daddy! Daddy!" napansin nyang natigilan ang kanyang anak sa narinig.
Nako-konsensya na talaga sya. Biglang lumungkot ang mukha ni Mico nang may makitang dumaan na mag-ama. Tiningnan sya nito at ngumiti ng pagak. Naiiyak na sya. Gustong-gusto nyang ibigay ang gusto nito at ipakilala ang ama nya pero hindi naman nya alam at kilala ang lalakeng yun.
Saang lupalop ba ng mundo nagtago ang lalakeng yun?
Nagpatuloy lang sa paglalaro ang anak nya. Napapikit na sya ng mariin. Nakapag-desisyon na sya. Kapag hindi nya nakita ang ama nito bago ang birthday ng anak nya ay sasabihin na nya ang totoo. Ang katotohanan pwedeng masaktan ang anak nya.
"Baby." tawag nya sa kanyang anak na tuwang tuwa sa nakikitang malaking teddy bear.
Sya na mismo ang lumapit dito. Napatingin ito sa kanya at ngumiti. "Restroom lang si mommy. Come here. Babalik tayo dito agad."
Nagpatianod naman ang bata sa kanya. Hindi sya nakapag-washroom sa restaurant dahil hindi nya ito maiwan. Mahirap na ang panahon ngayon.
Naiwan sa labas ng restroom ang anak nya. Kahit six years old pa lang ito ay nahihiya na ding pumasok sa restroom. Natatawa sya sa inasal ng anak nya. Iniwan nya ito saglit at hinabilin sa babae’ng naglilinis sa labas na tingnan tingnan ang anak nya. Pumayag naman ito kaya napanatag sya at binilisan sa dapat nyang gawin.
Nang matapos sya ay agad syang nagpasalamat sa babae. Lalapitan na nya sana ang anak nya na nakatayo sa di kalayuan ng makita nya ang isang pamilyar na bulto ng isang lalake.
Sheyt! Pinakinggan na ba ni Lord ang dalangin ko!
"Baby---" natigilan sya sa pagtawag sa anak. Naglalakad na ang lalakeng yun pero may biglang sumulpot na batang babae. Magiliw naman itong kinarga ng lalake.
Oh my God! May asawa na sya? Paano na ang anak ko?
"Mommy." nabalik ang huwisyo nya ng lapitan sya ng anak. Agad nyang niyakap si Mico.
"Baby. Kapag umuwi na ba si daddy ay iiwan mo na ako?" nanghihina nyang tanong
Kumunot ang noo ng anak nya. "No. Never! Hindi kita iiwan."
"Paano kung umuwi na si daddy? Anong gagawin mo?"
Tumungo ito. "Yayakapin ko si daddy. Hindi kita iiwan mommy. Ikaw ang gusto kong makasama. Gusto ko lang makita at makilala ang daddy ko. Kung ayaw nya saken o kung may family na sya ay ok lang saken. Basta nandito ka lang sa tabi ko mommy ay ok na ako."
Napaluha sya sa tinuran ng anak. Niyakap nya agad ito. Inayos nya ang kanyang sarili at humarap dito. "Susubukan ni mommy na kausapin si daddy, ok."
Lumiwanag bigla ang hitsura ng anak nya. "Really mommy?"
Tumango sya habang natatawa. "Oo naman baby. Anything for you. Tyi-tyempo lang si mommy para makausap sya ha. Mukha kasing busy si daddy ngayon."
Nag-thumbs up ang anak nya. "Ok mommy! I love you po."
"I love you too baby! So much."
Para sa anak nya, gagawin nya ang lahat. Magmukha man syang tanga at desperada. Wala na syang pakealam. Gusto lang nyang ipaalam dito na may anak pa sya.
Nagyaya sa KID's NATION ang anak nya. Bawal ang parents sa loob kaya sa labas na lang nya ito hinintay. Sakto namang nakita na naman nya ang lalake. Huminga sya ng malalim. Sinenyasan nya muna ang anak na aalis at babalik agad para hindi sya nito hanapin. Ibinilin nya muna ito sa isang staff doon na babalikan nya ang anak. Pumayag naman ito.
Nakita nyang naglalakad na palayo ang lalake. Hindi nito kasama ang anak nya. Mabuti naman! Ayaw nyang iparinig sa bata na may iba na syang kapatid. Hindi kaya ng puso nya na saktan ang isang batang walang kamuwang muwang sa mundo.
Nang malapitan na nya ito ay tinapik nya ito sa balikat para makuha nya ang atensyon nito. Humarap ang lalake sa kanya. Hanggang ngayon ay ganun pa din ito. Mukha namang nagulat ito sa kanya.
Huminga muna sya ng malalim. "Naaalala mo pa ba ako?" sounds desperate pero go lang ng go. Para sa anak.
Nakatingin lang sya saken. Fine. Hindi nya naaalala. "Fine. Kung hindi mo ako naaalala ay ok lang---"
"Yeah. I know you." then he smirks.
Ang gwapo! Shetness!
Pinilit nyang huwag maghulimintaryo ang puso nya at panga. Bakit ba kasi ang gwapo ng ama ng anak nya. Leche! Hindi tuloy sya makapag-isip ng maayos.
Focus!
Huminga ulit sya ng malalim. "M-mabuti naman at naaalala mo pa ako. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." nanatili lang itong nakatingin saken. Jusko po! "Nabuntis mo ako. May anak tayo. Gusto ka nyang makilala. Hindi ko naman ipipilit ang anak ko sa iyo pero gusto lang nyang makita at makilala ka. Mabait ang anak ko. At huwag ka ding mag-alala, walang makaka-alam na may anak ka sa iba." nakapikit nang sabi nya.
Whew! Nasabi din nya. Dumadagongdong na talaga ang puso nya. Sobra syang kinakabahan. Yung pakiramdam na lalabas na ang ilang organs nya sa katawan sa sobrang tension nya. Ano kaya ang reaksyon ng lalakeng ito? Magagalit? Magwawala? O baka hindi sya maniwala.
Dahan-dahan nyang tiningnan ang lalakeng wala man lang sinasabi. "Ano na? Anong say mo? Promise. Walang makaka-alam tungkol sa anak mo---"
"What did you say?"
Sa hinabahaba ng sinabi nya ay wala pala itong naintindihan kahit isa. Parusa naman oh! Hindi nya alam kung paano nya uulitin lahat ng iyon.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo."
Tumingin sya. Ah. Baka yung huli nyang sinabi ang tinutukoy nito. "Walang makaka-alam na may anak ka---"
"Who told you?" oh oh! Mukhang galit na sya. "Tell me!?"
Abnormal na ang pagtibok ng puso nya. "A-ang alin ba? Hindi kita ino-obliga na maging ama sa anak ko. Gusto ko lang malaman mo at makilala ka din ng anak ko. After mong makilala ang anak mo ay pwede mo ng iwan kami. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa anak ko."
"Damn it! Who said that I won't take any responsibility to what I did? Huh! He was my blood and flesh. I am not that selfish!"
Nanginginig na ang kamay ko. Shet! Pinagti-tinginan na din sila. Bakit ba kasi sumisigaw ang isang ito. Nahihiya na nga sya e. "Huwag ka ngang sumigaw. Baka makita pa tayo ng asawa't anak mo. Ayaw ko ng eskandalo."
Natigilan naman ito sa sinabi ko. Kitams! Hindi nya siguro alam na alam na nyang pamilyado na ito. Kaya nga hindi na sya ino-obliga e. Ang kulit kulit!
"At saka, ---"
"Mommy!" syete! Agad syang napalingon sa likuran. Tumatakbo na palapit ang anak nya. Ito na ba yun?
Moment of truth?
"Bakit mo sinisigawan ang mommy ko?" galit na sabi ng anak ko. Niyakap nya ito patalikod. Kumbaga, nakayakap ito sa kanyang na para bang itinatago sa lalakeng nasa harapan nya. "Bad ka!"
"Baby---" natigilan na naman sya. Nakita nyang humarap ito sa anak nya at lumebel ng tayo.
"Hi baby boy. I'm sorry. I came too late." tumingin ito sa kanya ng masama.
Ako pa ngayon? Sya pa ang galit e sya na nga ang naninigaw kanina.
"I want to formally introduce myself. My name is Tyron Marc Wilhelm. And I am your father." Napanganga sya. Hindi nya inaasahan nag anito kabilis. Nagpalipat-lipat ang tingin ng anak nya sa kanya at sa lalakeng nagpakilala na ama nito.
Oh boy! Here comes the truth.