War
HER
"Mommy. Dito na po ba tayo titira?" masayang sabi ni Mico ng isama na namin sya sa bahay na napili ni Tyron.
Sinama pa sya nitong mamili. Hindi din naman pala sya nito susundin. Ang sarap kutusan ng lawyer na ito. Naiinis na sya. Ginawa pa syang chaperone.
Ginulo gulo pa nya ang buhok ng anak. "Oo baby. Why? Ayaw mo ba?"
Umiling agad ito. "No mommy. I love it po. Ang ganda ganda."
"Hey big boy." tawag ng ama nyang nasa second floor. "Wanna see your room?"
"Meron akong sariling room?" hindi makapaniwalang sambit ng bata.
Sa apartment nya ay may dalawang kwarto kaya lang ay mas pinili nyang magkatabi na lang sila ni Mico. Nitong mga nakaraang araw lang sila hindi nagtatabi dahil na din sa kagustuhan ni Mico na masanay na dahil big boy na daw sya.
"Of course daddy."
Agad namang tumakbo ang anak ko. "Baby. Be careful."
"Yes mommy!" sigaw nito hanggang sa maka-akyat na. Nagtatalon talon pa ito sa labas.
Hinayaan na lang nya ang dalawa na magsama. Nagpunta na lang sya sa labas at nagtambay sa may teresa. Ang dami na agad nangyare ngayong araw. Una, absent sya sa school. Pangalawa, hindi na natuloy ang pagsampa nya ng kaso. Pangatlo, magsasama na sila sa iisang bubong ng tusong lawyer na yun. Pang-apat, may nabili na agad itong bahay sa loob ng isang oras. Sya nga e, halos ilang taon na syang nag-iipon pero wala pa din. Kulang pa din ang savings nya para sa pagpapagawa ng sarili nyang bahay.
"Hey. What are you doing here?" naramdaman nya ang init ng hininga sa may leeg nya.
Binigwasan nya ito ng isa. Whew! Feels great. "What the fvck!" reklamo nya habang hawak hawak ang tyan nyang tinamaan ko.
Tinaasan nya ito ng kilay. "Pasalamat ka nga dahil binigwasan lang kita ng isa. Nagtitimpi pa ako sa lagay na ito."
"f**k! What is wrong with you woman?" mura pa din nito
Tiningnan nya ito. Arte. Mahina pa nga yun e. Pumasok na sya sa loob. Ayaw na nya sa labas. Nasisira lang ang mood nya. Umiinit ang ulo nya dahil sa lalake’ng yun.
"I can sue you." banta nito sa kanya
Ngumisi sya. "Go on." sinong tinakot nya. "Kasuhan mo ako. Edi walang magiging ina ang anak mo. Magagalit pa sya sa iyo."
Natigilan sya sa nasabi nya. Mahinang tinampal nya ang matabil nyang bibig. Doon nya lang narealize ang mga nasabi. Mukhang nagulat din naman si Tyron kaya sya agad ang nakabawi.
Nanginginig sya sa sinabi nya. Kung si Butch ang nasa harapan nya ngayon ay paniguradong nakakuha na sya ng kurot sa singit. Sasabihan na naman syang malandi.
Hindi na nya hinintay pa na mag-komento si Tyron. Bahala sya! Mag-aayos na lang sya ng gamit. Konte lang din naman ang nadala nya. Ang uniform nila parehong mag-ina. Ilang pirasong damit. At puro papel na kailangan nya.
Pumunta sya sa kwarto ni Mico. Natuwa sya ng makitang tumatalon talon pa ito sa tuwa. "Mommy! Ang ganda ng room ko."
Ngumiti sya. "Yes baby. Ang ganda nga." sabi nya "Huwag ka ng tumalon. Baka sumakit ang tyan mo."
Ilang talon lang ay tumigil na din ito. Umupo sya sa paanan ng kanyang kama. Tumabi naman ito saken at humiga sa hita nya. "Masaya ka ba mommy?"
"Of course. Kasama kita." pinisil nya ang ilong ng anak.
Umiling ito. "No mommy. Hindi yun. Masaya ka ba kasi nandito na si daddy?"
I was taken aback. Anak! Huwag ka namang magtanong ng ganyan. Huwag mo akong gulantangin. Baka kung anong masabi ko tapos hindi mo magustuhan.
"Masaya ka ba na nandito na si daddy?" balik tanong nya. Its better to be safe.
Tumango ito at ngumiti. "Yes mommy. Akala ko hindi ko na sya makikilala e."
"Edi masaya na din si mommy. Kapag masaya ang baby ko ay masaya din ako." hinalikan nya ito sa pisnge. "Gusto mo na bang matulog?"
Napansin nya na kasing humihikab na ito. Nang tumango ito ay pinatayo nya ito malapit sa kanya. "Baby. Magpalit ka muna ng damit na pantulog."
Kumuha lang sya ng sando at short para komportable ito sa pagtulog. Wala namang lamok dito kaya di na nya kailangan mag-pajama. Ang lakas lakas ng aircon dito para pagpawisan pa ang anak nya.
Nilinisan lang nya ang katawan nito. She made sure that Mico brushes his teeth every night and every after meals. Maganda na iyong may habit na ang bata simula pa lamang.Matapos nya itong malinis ay inaya na nya ito. "Sleep ka na baby." Binigyan nya ito ng halik sa noo.
"Mommy. Saan ka po matutulog?" inosente nitong tanong
Hinaplos nya ang pisnge ng anak. "Why baby? Gusto mo bang dito mag-sleep si mommy?"
Dahan-dahan itong umiling. "Huwag ka sanang magalit mommy saken. Gusto ko po sanang mag-sleep mag-isa. Big boy na po ako e."
Hindi nya napigilang guluhin ang buhok ng anak. "Sige na. Ikaw na ang big boy. Basta always pray before you sleep, okay Be thankful."
"Yes mommy. Always."
Umalis na sya ng kwarto ni Mico ng masiguradong nakatulog na ito. Pumunta na sya sa sariling kwarto. Good thing, three room ang nakuhang bahay ni Tyron. Hindi na namin kailangang magsama sa iisang kwarto--- Wait. Bakit ayaw mabuksan?
Pinilit nyang buksan ang pinto gamit ang doorknob pero ayaw talaga bumukas. Wala naman syang susi. Kanina naman ay bukas pa ito. Napapikit sya ng mariin. May ideya na sya kung sino ang may gawa nito.
Padabog syang nagpunta sa kabilang kwarto. Kumbaga ang siste ay, kwarto ni Mico - kwarto nya - kwarto ni Tyron. Gusto na naman nya atang bigwasan nya ito pero sa mukha naman nya ito babanatan kapag nagkataon.
"Ano bang prob---"
Oh my goodness! Ang ganda ng katawan nya. Lalo syang sumexy sa paningin nya. Hindi nya mapigilang bigyan sya ng isang pasadang tingin. Nakakapaglaway! Mula ulo hanggang paa. Minsan ng naging sa kanya ang katawang ito. Wait. Kadiri namang pakinggan noon. Binabawi na nya pero totoong ang ganda ng katawan nito.
I heard a fake cough. "Loving it?" nakangisi nitong tanong
Agad syang tumalikod. Kasi naman e. Naka-tuwalya lang sya. Halatang kagagaling lang sa banyo. Amoy after shave pa ito. Ang bango bango!
"Why being shy?" rinig nyang sabi nito. Hindi man nya tingnan ang reaksyon nito pero ramdam nya nakangisi ito sa kanya ngayon. Galawang Tyron.
"Magbihis ka na. Mag-uusap tayo." nakatalikod pa din syang nagsa-salita.
Narinig nyang tumawa ito ng bahagya. "We can talk now."
"Magbihis ka na sabi e. Bibigwasan kita dyan." singhal nya at humarap na sa kanya.
Focus Giana! Huwag kang magpadala sa tukso.
Hindi pa din kasi nagpapalit ang hudyo. Ngingiti ngiti pa. Gago!
Mukha namang hindi ito affected sa sinabi sa sinabi nya. Kapal talaga ng mukha. Nakakairita! Hinintay nyang magsalita ito o magkusa na magbihis pero wala pa din. Nakatingin lang ito habang nakangiti sa kanya. Padabog na lumabas sya.
"Bwisit!"
Nakarinig sya ng malakas na tawa sa loob ng kwarto. Kabagin ka sana. Tukmol ka.
Bumaba na lang para magpakalma ng sarili. Mabuti na lang at nasa bag nya lang ang laptop nya para kung sakaling may oras sya, tatapusin nya ang module na kailangan nyang ipasa. Ikinonect na nya ang laptop sa wifi code ng bahay para makapag-open sya ng account. Pero bago nya tapusin ang module, nag-check muna sya ng f*******:. Mauubusan sya ng dugo dahil sa lalakeng yon.
May ilang messages syang natanggap. Yung iba ay galing sa mga estudyante. Mga nangangamusta. Yung iba ay sa dati nyang mga kaklase noong college. Yung iba naman ay galing sa mga kamag-anak nya. Madami. Hindi na nya inisa-isa lahat ng iyon. Tiningnan na lamang nya kung alin ang importante. Sa sunod na na lang ito re-replyan.
Tiningnan nya ang notification. Madami din. Ilang araw din syang hindi nakapag-open kaya natambakan sya. May ilang tagged photos din galing sa estudyante nya pati na din sa event na nangyare sa school nila. May ilang selfie din galing kay Butch na kasama sya. Ayaw nya man pero pinapilit sya ng bruha nyang kaibigan. Hakot likers daw kasi sya kapag kasama sa picture.
Ang speaking of bakla, heto na sya, nag-message na sya.
Bea Fetalvero (ButchiBabes): Hoy bakla! Anong balita. Hindi ka man lang nagte-text. Update update din ha. Baka mamaya meron na ulit akong inaanak.
Giana Cariedo: Makapagsalita ka dyan! Inaapi mo na naman ako.
Bea Fetalvero (ButchiBabes): Ano nga? Ano ng balita? Napigilan mo ba naman yang gwapong fafa ng anak mo.
Hindi nya mapigilang umirap. Minsan ay naiisip nya na lang na hindi na nya ito kakampi. Kapag nag-uusap sila, palaging si Tyron ang kinakampihan. Nung sinabi nya ang dahilan kung bakit hindi sya makakasama sa seminar ay pumayag agad ito nang malamang hindi sya pinayagan ni Tyron. Datirati naman hindi ito ganun. Sinasabunutan pa sya ng baklang ito kapag biglaan syang hindi makakapunta. Ilang araw sya nitong aawayin hanggang sa maging okay na ito.
Giana Cariedo: Ayaw kong magkwento sa iyo. Bias ka kasi!
Bea Fetalvero (ButchiBabes): Ok lang. Sasabunutan na lang kita bukas para umamin ka saken. Sige na. Babush lirkeys na akecth. May gagawin pa e.
Giana Cariedo: Ok. Magpakabait ka na. Hahaha
Bea Fetalvero (ButchiBabes): EvilGrinEmoticon Ok. Sana makarami kayo! Hihihi
Napanganga sya sa mensahe ng bakla. Bastos yun ah! Biglang nag-log out. Alam kasing babangayan nya ito.
Nagtingin lang sya ng ilang pictures sa sss. Ilang minuto lang ay tinamad na sya. Akmang mag-a-out na sana sya ng may biglang nag-pop sa message nya. Si bakla ba ito?
Greg Cruz: Hi ma'am. Good evening po.
Ang batang pasaway. Hay. Mangungulit na naman ba ang batang ito.
Giana Cariedo: Hi. Gabi na Mr. Cruz. Matulog ka na.
Ila-log out na sana nya ang account nya ng mag-pop na naman ang message box nya. Galing ulit kay Greg.
Greg Cruz: Later na po ma'am. Ka-chat ko pa po kasi ang crush ko e.
Mga kabataan talaga ngayon. Mas pipiliing magpuyat kesa matulog ng maaga para bukas. Inuuna pa ang crush crush. Ano ba yan.
Giana Cariedo: Mag-goodnight ka na sa crush mo. May pasok ka pa bukas. Ayaw ko ng late Mr. Cruz.
Greg Cruz: Ok ma'am. Good night po. Papasok po ba kayo bukas?
Giana Cariedo: Yup. Of course. Ako ang teacher diba? Good night Mr. Cruz.
Greg Cruz: Yes po. Hehehe. See you tomorrow ma'am. :*
Naguguluhan na talaga sya sa mga kabataan ngayon. Sari-sari na ang mga nalalaman. May kung ano ano pang emoticons ang lumalabas.
Paano kaya kung hindi nauso ang gadgets ngayon? Siguro hanggang ngayon ay meron pang mga batang naglalaro sa labas? Mga batang masayang nagtatakbuhan. Hindi yung nagliligawan na dose anyos pa lang. Very wrong!
"Ay---" napasigaw sya kasi may biglang humablot ng laptop nya. Sino pa nga ba. Edi si Tyro. "Ano ba! Ibalik mo nga yan?"
Itinaas nito ang laptop nya at may binasang kung ano. Wala ba syang sss account. Nakikiusyoso pa sya sa sss nya. Hindi naman marunong magsabi. Very very wrong!
"Huwag!?" napasigaw sya ng wala sa oras dahil itapon nito sa may pinto ang laptop nya.
Yung mga files ko. Yung mga records ko. Yung mga movies ko. Yung mga music videos ko na kpop. Yung mga kdramas ko! Ang sakit. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit.
"I'll buy you new one." prente ng nakaupo si Tyron sa sofa. Pinunasan nya muna ang luha nya bago ito harapin.
Shit naman kasi! Pinaghirapan nyang i-compile lahat ng mga records nya. Ilang araw nyang inayos yun. Ilang gabing halos ilang oras lang ang tulog nya. Tapos mawawala lang ng ganun ganun lang.
"How dare you!" singhal nya habang patuloy na umaagos ang luha nya. Naalarma naman ito ng makitang umiiyak sya.
"I'll buy you new one baby. Tomorrow morning. I promise." akmang lalapitan na sya nito ng pigilan nya. Konte na lamang ang pasensya nya.
"Huwag kang lalapit kundi susuntukin na talaga kita sa mukha!" banta nya. Nagpupuyos na talaga sya sa galit.
Mukhang wala itong pakealam sa pagbabanta nya kaya sinuntok na talaga nya ito sa mukha nang makalapit saken. "Fvck!"
"Fvck ka din! Baliw ka ba? Ha! Bakit mo sinira ang laptop ko? Nandun lahat ng records ko. Lahat ng files na kailangan ko. Lahat ng syllabus na ipapasa ko. Pati yung modules na kailangan kong ipasa. Alam mo bang ilang gabi ko yun pinag-tyagaan para matapos lang tapos mawawala ng ganun ganun lang. Wala na akong maipapasa sa deadline ko ng dahil sa iyo!" reklamo nya pero nakatingin lang sya saken habang nakahawak sa mukha nya. “Gago ka!”
Tumayo ito. Lalapitan na naman sya nito pero pinigilan ko na agad. "Huwag kang lalapit saken. At huwag mo akong kakausapin! Iyong-iyo na ang bago mong laptop."
Umakyat na sya sa taas. Sa kwarto ni Mico. Doon sya umiyak ng tahimik. Ano ng sasabihin nya sa principal dahil late ang pagpasa nya? Na napa-careless nya kaya nawala lahat ng gawa nya. Sa friday na ang deadline. Meaning, bukas na. Lagot sya neto kay Mrs. Marasigan. Beast mode na naman yun panigurado.
Hinaplos nya muna ang mukha ng anak nyang mahimbing na mahimbing ang natutulog. Dito sya matutulog. Mukha namang walang balak ibigay saken ni Tyron ang susi ng kwarto nya kaya dito na lang sya. Hindi nya ito kakausapin bukas. Manigas sya!
Anak. Dito muna si mommy ha. Ang isip bata kasi ng daddy mo. Ayun, nasuntok ko tuloy.