Chapter 2

1708 Words
GALIT na pumasok si Fabian sa loob ng opisina dahil sa masamang balitang natanggap nila mula kay Daphne Garcia. Nakapagpirma na ito ng kontrata sa kanila para sa nalalapit na twentieth anniversary ng Beauty Magazine. “May tatlong buwan pa tayo para sa anniversary issue ng magazine natin, Sir Fabian, kaya puwede pa tayong maghanap ng kapalit kay Miss Daphne,” ani ng sekretary ni Fabian na si Dominic. Huminga nang malalim si Fabian dahil sino namang babae ang puwede nilang ipalit dito? Kailangan sikat ito para bumenta ang anniversary issue nila ngayong April. Si Fabian Forbes ay CEO ng Beauty Magazine under Forbes Corporation. Anak siya nina Chairman Ethan Forbes at Sylvia Forbes. May sarili din silang eskuwelahan—ang Forbes Academy. At hindi lang ‘yon, sila din ang nagmamay-ari ng Forbes Mall, Forbes condominium, ilang telecommunications sa bansa, banking and financial services. In short, billionaryo ang pamilya niya at tanging si Fabian lang ang tagapagmana sa kayamanang ito. Pero dahil pinagkatiwala sa kaniya ng ama niya ang Beauty Magazine ay kailangan niyang maitawid nang maayos ang ang anniversary issue at patunayan na karapatdapat siya dito. Kung hindi ay hindi ibibigay ni Ethan ang mana kay Fabian. “Sir Fabian, I guess, solve na ang problem natin,” wika ni Dominic nang ipakita ang cell phone niya dito sa viral post ni Rhona. Nanlaki ang mata ni Fabian sa nakita niya. Kinuha niya ang cell phone mula kay Dominic at zinoom-in ang mukha ni Jasmine. “What?” ani Fabian dito. Hindi makapaniwala si Fabian na makita muli ang kamukha ng ex-girlfriend niyang si Madison Morgan. Her girlfriend died two years ago due to leukemia. “Dominic, tawagan mo ang influencer na ‘to at hanapin natin ang babaeng ito. Ito na nga ang sagot sa problema natin,” ngiting wika ni Fabian kabang nakatingin siya sa litrato ni Jasmine. “Sure, Sir Fabian,” ani Dominic saka agad na umalis ng opisina. *** JASMINE BIGLANG dumami ang customer namin dahil sa viral post ni Rhona. At dahil do’n ay sobrang naging busy kami ni Stella dahil sa sunod-sunod na order ng mga customers. “Paubos na ang pagkain natin, Jasmine. Mukhang maaga tayo matatapos nito,” ngiting sabi niya sa akin. “Mababawi ko na ang limang libong kinuha ni Kuya sa akin,” masayang tugon ko sa kanya. Lumabas ako at laking gulat nang makita ko ang mahabang pila. “Pasensya na po, ubos na po ang tinda ko! Balik po kayo bukas dahil magluluto ako nang marami pagkain,” ngiting sabi ko sa kanila. Lumapit ang isang lalaki habang nakangiti siya. “Okay lang po ‘yon, Miss Jasmine. Ayos lang po ba kung selfie na lang? Pero babalik po ako bukas dito dahil alam kong masarap ang luto niyo,” aniya sa akin. Ngiting tumango ako. “Sure. Selfie lang pala,” tugon ko dito kaya agad niyang nilabas ang cell phone niya saka kami nag-selfie. Matapos mangyari ‘yon ay biglang sumingit ang isang babae. “Gusto ko rin po sanang makipag-selfie sa’yo, Miss Jasmine,” ani ng babae. Biglang nagkumpulan na ang mga tao at pinalibutan ako dahil gusto rin nila makipag-selfie sa akin. “Ako rin po, Miss Jasmine!” “Hindi po. Ako po muna. Ako ang nauna!” Sumingit si Stella at saka siya sumigaw. “Pumila po tayo. Sampung piso ang bayad kada selfie. Ayos lang ba?” Siniko ko si Stella dahil hindi magandang ibenta ko ang selfie ko sa kanila. Ngumiti siya sa akin hudyat na magtiwala ako sa kanya. “Ayos lang sa akin na magbayad basta may selfie ako kay Miss Jasmine,” ngiting wika ng lalaki kaya lahat ng mga tao sa labas ay sumang-ayon. Pumila sila nang maayos saka nagbayad ng sampung piso kada kuha ng litrato sa akin. Nakalikom kami ng tatlong daan no’ng mabuos ang pila. Bumalik kami sa karinderya at kapuwa kami natawa ni Stella. “Akalin mo ‘yon, Jasmine? Dahil lang sa viral photo na ‘yon ay dumami ang customers mo! Kailangan na natin magluto pa ng marami.” Ala una ng hapon naubos ang niluto namin. Kadalasan kasi umaabot ng alas singko bago maubos ito, kung minsan nga ay may sobra pa kaya inuuwi na lang namin sa bahay. Masaya ako dahil kahit papaano ay nakabawi ang karinderya ko. Habang nagbibilang ako ng pera sa kaha ay naramdaman kong may pumasok sa loob. “Sarado na po. At kung selfie may bayad pong sampung piso,” aniko dito habang ang tingin ko ay nasa pera. “I am not here para makipag-selfie sa’yo,” sagot nito kaya tiningna ko siya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang guwapong lalaki nakangiti sa akin. May tangkad ito na tantya kong 5’11 ang height, makapal ang kilay, maamo ang mukha, mapula ang labi at kasing puti ng labanos ang balat niya. “Miss? Miss?” Umiling ako nang matantuan kong kanina ko pa pala siya pinagmamasdan. Sino ba itong guwapong lalaki? Ano kailangan niya sa akin? “O, yes! Sino po kayo?” biglang pagsingit ni Stella dito. Nakahinga ako nang maluwag dahil halos sasabog na ang puso ko sa kaguwapuhan ng lalaking ito. “I am here to negotiate with Miss Jasmine,” sagot nito. “By the way, I am Fabian Forbes—CEO of Beauty Magazine,” pakilala niya kay Stella. Pareho kaming natigilan ni Stella. “F-Forbes?!” gulat na tanong ni Stella kaya tumango si Fabian dito. Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko inaakalang bibisitahin kami ni Fabian dito sa maliit na karinderya. “Yes. Gusto ko sanang maging model ka namin, Miss Jasmine,” ani Fabian nang tingnan niya ako. Napakurap ako ng dalawang beses sa sinabi niya. Ano raw? Ako? Model sa Beauty Magazine? Nananaginip ba ako? Umupo kami sa bakanteng lamesa saka siya nagsalita. “Nakakulong ngayon si Daphne Garcia and I bet you already know the reason behind it. She already signed a contract with us to cover her for our twentieth anniversary ng Beauty Magazine. But because of what happened, we are looking for her replacement at ikaw ang naisip ko since viral ka ngayon sa social media.” Binigay niya sa akin ang brown envelope kaya ko ito kinuha. “You may read the offer.” Namilog ang mata ko nang makita ko ang offer niya. “Two hundred thousand pesos per month ang sahod?” gulat kong tanong dito. “Yes. And negotiable pa ‘yan. Pwede pang mag-increase at marami pang benefits.” Marahan akong tumawa dahil hindi ko talaga pinangarap na maging model. “Never pa po akong naging model.” “That’s not a problem, Miss Jasmine. You will undergo training. May professional trainor ang tuturo sa’yo.” Huminga ako nang malalim. “Pag-iisipan ko po, Sir Fabian.” “Sure. No problem. Here is my calling card. Call me anytime kapag nakapagdesisyon ka na,” ngiting wika saka tinanggap ko ang calling card niya. Nahihiyang nginitian ko siya. “I’ll expect your call, Miss Jasmine,” dagdag niya pa saka lumabas ng karinderya at pumasok sa mamahaling sasakyan. Nakahiga ako sa kama ko habang iniisip ko ang nangyari kanina. Hawak ko ang calling card ni Sir Fabian. Nakatingin lang ako dito sa card niya. Bigla ko na lamang naalala ang offer na two hundred pesos per month. Mas malaki pa ang kita dito kaysa sa kita ko sa karinderya. Tapos. . . ang guwapo pa ni Sir Fabian! Nagpaikot-ikot ako sa kama dahil sa kilig saka ako bumangon. “I grab ko na lang kaya ito? Pero sino ang mag-ha-handle sa karinderya?” Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. “Eh, di ako.” “Stella? Ba’t nandito ka? Wala ka bang pasok?” gulat kong tanong sa kaniya. “Wala po akong pasok dahil may teacher’s meeting sila.” Umupo siya sa tabi ko. “So, have you already decided? Sa tingin ko naman na maganda ang offer ni Sir Fabian tapos ang ganda pa ng kompanya niya.” “Kaya mo bang i-handle ang karinderya habang wala ako? May pasok ka kasi, paano mo mababalanse ‘yon?” “Don’t worry, Jasmine, ako bahala. May naisip ako.” Napataas ako ng dalawang kilay. “Ano naman naisip mo?” “Mag-hire tayo ng manager?” Napabuga ako ng hangin saka marahang tumawa. “Manager? Eh, ang liit lang ng karinderya natin.” “Alam ko na, naalala mo si Ate Tyang? Nag-resign na ata siya as cook sa pinapasukan niya do’n sa Pasig. Baka puwede siya? Besides, mapagkakatiwalaan natin siya.” Napatango ako habang iniisip ko ang suggestion ni Stella. Tama siya dahil malapit naming kaibigan si Ate Tyang. “Pero hindi ba’t kaya nga siya nag-resign do’n sa Pasig kasi nga na-stroke ‘yong tatay niya?” “Medyo okay na kasi ang tatay niya, alam kong naghahanap ng bagong trabaho si Ate Tyang kaso ang problema gusto niya ng mas malapit para maalagaan niya ang tatay niya at sakto na mas malapit ang karinderya natin sa bahay niya. What do you think? I-try lang naman natin at baka pumayag siya.” Tumango ako at napagdesisyonan kong kunin naming manager si Ate Tyang. Agad naman namin siyang kinausap at pumayag siya sa offer namin. “Naku! Maraming salamat talaga Ate Tyang at pumayag po kayo,” masayang bigkas ko. “Ano ka ba naman, Jasmine, parang hindi naman tayo magkaibigan. At saka proud na proud ako sa’yo dahil sikat ka na ngayon. Actually, matagal ko na talagang gustong sabihin sa’yo na magkamukha kayo ni Madison Morgan no’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.” “Hindi ako mahilig sa ganiyan— ‘yong magiging fan ako ng isang idol or artista. Alam mo naman na busy ako sa business at alam mo naman sitwasyon ko sa pamilya ko. Pero masuwerte ako dahil sa mukha ko ay maaahon ko na sa hirap sina Nanay at Tatay,” pabiro kong sabi saka ako marahang tumawa. Pagkatapos kong i-endorse kay Ate Tyang ang mga gagawin sa karinderya ay agad kong tinawagan si Sir Fabian. Natuwa siya sa naging desisyon ko kaya bukas ay pupunta ako sa kompanya niya para pumirma ng kontrata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD