bc

VIP MARRIAGE 1: Fabian Forbes (ON HOLD)

book_age18+
481
FOLLOW
2.8K
READ
billionaire
one-night stand
HE
powerful
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Jasmine's dream was to help her family escape poverty. Her extraordinary beauty led to a viral photo on social media, where she was compared to the late famous actress, Madison Morgan. She caught the eye of Fabian Forbes, the CEO of Beauty Magazine, and became an exclusive model for the company.

But her life took an unexpected turn when her father had an accident, and they needed a lot of money for his hospital bills. She didn't have that kind of money, so she felt stuck.

It was during this challenging time that Jasmine received an invitation from the VIP Marriage Agency, offering her an entry-level position with a signing bonus of one million pesos. Her role was simple – to go on dates with members from the elite level, the affluent clients of VIP Marriage.

Jasmine accepted the agency's offer and went on a date with a billionaire. Little did she know that the person behind the mask her date was wearing was none other than her boss, Fabian Forbes!

-Onhold-

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Are you ready to marry one of the wealthiest men on earth?" Tumango lang ako dahil kailangan ko na ng pera pambayad ng ospital bills ni tatay. Dumating ang araw na pumasok ako sa office nila. Malawak. Malinis. At mamahalin ang mga gamit sa loob. Mukhang malaki ang kompanyang ito. Pinaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng VIP Marriage. Ang Very Important Partners Marriage Agency ang tumutulong sa mga mayayamang tao na pipili ng mapapangasawa nila. Madalas dito ang mga milyonaryo o bilyonaryong tao na walang oras pagdating sa pag-ibig. Kailangan nila ng assistant para hanapan sila ng taong mag-ma-match sa preference nila. Tatlo ang level dito: Elite, Diamond at Entry level. Elite ang tawag sa mga taong bilyon ang assets nila. Diamond naman kapag milyon ang assets. Samantala, Entry level naman ang tawag sa mga kagaya kong walang anuman sa buhay. Pili lang ang mga nakakapasok sa Entry level. Masasabi kong masuwerte ka kung pinili ka ng agent na mapabilang dito dahil tumatanginting lang naman na isang milyon piso ang signing bonus nila. Alam mo ba kung ano ang requirements nila? Kahit mahirap ka lang basta maganda at sexy ka ay candidate ka sa Entry level. Beauty standard ang hinahanap ng VIP Marriage. Pero hindi lang nagtatapos 'yon dahil nag-ba-background check din sila sa katangian mo, partikular sa pag-uugali mo. Dahil iniingatan nila ang mga kliyente nila pagdating sa pilian. Di nagtagal ay kaagad akong napili ng isang elite member. Mabuti na lang ay nakamaskara kaming pareho dahil nahihiya ako. Mabait naman siya, pala biro at sobrang gentleman. Tinapos namin ang tatlong session na getting to know stage. No'ng pumayag kami sa courting stage ay kapuwa namin tinanggal ang maskara. . . Laking gulat ko na lang na makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Alam kong pati siya ay nagulat nang makita niya ako. "J-Jasmine?" *** JASMINE MASAYANG nilatag ko ang niluto kong pagkain para sa surprise birthday ni Nanay Lorena. Kaunting handa lang ang ginawa ko. Nagluto ako ng spaghetti, lumpiang shanghai, prinitong manok saka bumili ako ng cake. Actually, kahapon pa dapat ang birthday niya pero dahil sa trabaho niya bilang kasambahay, once a week lang siya bumibisita sa bahay. Hindi ko hahayaang di namin i-celebrate ang golden birthday niya. Napatingin ako sa wall clock at tantya kong may tatlumpong minuto pa bago dumating sina Nanay Lorena at Tatay Hector. Mas mabilis kasi ang byahe kung sasakay si Nanay sa tricycle ni Tatay. Malayo din kasi ang bahay ng pinagtatrabahuan niya bilang maid. Kumuha ako ng tambo at agad na nagwalis ng sahig. "Ayan malinis na," ngiting sabi ko sa sarili saka ko binalik sa lalagyan ang tambo. Humarap muna ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Kailangan maging presentable ako para pagdating ni Nanay ay hindi ako gano'n ka haggard tingnan. Muli akong tumingon sa wall clock at mukhang malapit na sila. Agad kong sindihan ang kandila sa cake nang marinig ko ang tunog ng motor ni Tatay. "Andito na kami," wika ni Tatay Hector. Nanlaki ang mata ko saka ngiting lumingon ako sa pinto. Pagbukas ni Nanay Lorena dito ay kaagad akong sumigaw. "Happy fiftieth birthday po, Nanay!" maligayang pagbati ko sa kanya. Nakita kong nakangiting nag-thumbs up si Tatay sa ginawa ko. Alam niya kasing isu-surpresa ko si Nanay. "Ano 'to? Bakit may paganito ka, Jasmine?" kunot-noong tanong ni Nanay sa akin. "Dahil hindi natin nai-celebrate ang birthday mo kahapon kaya sinurpresa kita," ngiting tugon ko sa kanya. "Huh? Sinayang mo ang pera nang dahil lang dito? Jusko naman, Jasmine! Alam mo kapag nakikita kita, umiinit lalo ang dugo ko sa'yo!" bulalas na sabi ni Nanay Lorena sa akin. Napayuko ako dahil sa lungkot. Hindi niya ma-appreciate ang effort kong pinagluto ko siya ng pagkain para sa birthday niya. Dama kong lumapit si Tatay Hector para lubayan si Nanay. "Ano ba naman 'yan, Lorena? Masama bang paghandaan ka ni Jasmine para sa birthday mo? Bakit di ka na lang matuwa o magpasalamat sa kanya?" Tiningnan ko si Nanay at nilakasan ko ang loob kong pagmasdan siya. "Marami tayo gastusin sa bahay! Bakit inuna pang paghandaan ako? Eh, kahapon pa birthday ko!" galit na sabi niya kay Tatay saka niya ako tiningnan ng masama. "Kung pinambayad mo na lang sa renta ang ginastos mo rito, Jasmine, hindi na sana ako tinawagan ni Aling Grasya kaninang umaga para kunin ang renta!" Agad akong sumagot dito. "Kinausap ko na po kanina si Aling Grasya na magbabayad ako sa katapusan ng buwan dahil matumal ngayon ang kita sa karinderya . Nay, isang beses sa isang linggo ka lang dumadalaw sa bahay natin dahil sa trabaho mo. Hindi mo ba talaga kami bibigyan ng oras ni Tatay? Kahit ngayon lang? Hindi ka ba masaya na pinaghandaan kita ng kaunting salo-salo?" naluluha kong salaysay sa kanya. Dinilatan ako ng mata ni Nanay saka galit na lumapit siya sa akin. "Kung hindi ka sana natanggal sa scholarship mo at kung nakatapos ka sana ng kolehiyo, hindi sana nagkandaleste-leste ang buhay natin ngayon. Pero wala, eh. Mas inuna mo pang magtayo ng kainan na kaunti lang ang kita! Sayang 'yang talino mo, Jasmine! Sayang 'yang ganda mo! Bakit hindi ka na lang mag-asawa ng AFAM para naman mapakinabangan ka namin?" "Lorena! Tama na!" awat ni Tatay dito kay Nanay. Napakuyom ako ng kamay para pigilan kong huwag pumatak ang luha ko. "Nagtayo ako ng karinderya pandagdag sa gastusin natin dahil hindi na kakayanin ni Tatay na ipasada niya ang tricycle buong maghapon dahil sa rayuma niya. Hanggang kailan mo ako tatratuhin ng ganito, Nay? Ni hindi ko nga maramdaman ang kalinga mo sa akin bilang ina." Tiningnan lang ako ng masama ni Nanay saka siya muling nagsalita. "Alam mo kung bakit, Jasmine? Dahil salot ka. Salot ka sa pamilyang ito!" aniya saka niya kami iniwan ni Tatay sa sala. Huminga ako nang malalim saka ako umupo sa upuan. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay biglang pumatak ang mga luha ko. "Ginawa ko na ang lahat para mapasaya ko si Nanay, Tay. Bakit hanggang ngayon ay hindi ko magawang pangitiin siya? Hindi ko na maintindihan. Para bang lahat na lang problema niya ay binato niya sa akin," mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya saka niya ako niyakap. "Pagod lang siguro sa trabaho ang Nanay mo. Lilipas din 'yan," wika ni Tatay. Palaging ito ang sagot ni Tatay, na baka raw pagod lang ito kaya nasabi ni Nanay 'yon. Bata pa lang ako ay ganito na ang pagtrato ni Nanay sa akin. Sa una ay naniniwala ako sa sinabi ni Tatay. Pero habang tumatagal ay unti-unting pumasok sa isip ko na baka ampon ako? O baka anak ako sa labas? Hindi ba't ganito naman talaga ang napapanuod ko sa telebisyon kapag ampon ka? O hindi ka tunay na anak ay iba na ang pagtrato sa'yo? Umiling ako saka ko pinahid ang mga luha ko. "Kain na lang po tayo, Tay. Baka lumamig na ang pagkain," ngiting pag-anyaya ko sa kanya. "Mabuti pa nga! Nagutom ako dahil sa biyahe," natatawang sabi niya kaya umupo siya sa tabi ko. Kahit papaano ay masuwerte pa rin ako dahil kay Tatay. Siya lang ang lagi kong nasasandalan kapag inaaway ako ni Nanay. O kahit may problema akong dinadanas ay palagi siyang nasa tabi ko para damayan ako at gabayan. "Wow! Ang sarap talaga ng luto mo, Jasmine! Pero nagtataka ako kung bakit matumal ang kainan mo?" "Nagsara kasi ang isang kompanya na malapit sa puwesto. Kaya ayon, nabawasan tayo ng maraming customers. Suki pa naman sila sa atin kapag lunch time. 'Yong iba nga minsan naguuwi pa ng ulam sa bahay nila dahil masarap daw ang luto ko," ngiting tugon ko sa kanya. "Aba'y syempre! Nagmana ka kaya sa akin!" Marahan akong tumawa rito. "Syempre! Kanino pa naman ako magmamana?" ngiting tugon ko. "Halika nga rito," aniya nang inunat niya ang kanyang mga braso sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Aray ko po!" natatawang sigaw ko dahil sa ginawa niya. "Maraming salamat, anak, ah? Pasensya na kung gano'n ang Nanay mo. Ipanalangin na lang natin na baka magbago ang puso niya. Intindihin mo na lang muna siya." 'Sana nga po magbago na ang pagtrato ni Nanay sa akin.' *** KINABUKASAN. 'Nakakulong ngayon ang sikat na actress at model na si Daphne Garcia nang mahuli siya ng mga pulis sa buy-bust operation dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs. Nasa 158.12 grams ng shabu ang nasabat na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso. Nakakagulat para sa marami ang balita tungkol dito. Pahayag naman nito na dadaan siya sa rehabilitation program.' "Naku! Kung kailan nasa tuktok na siya ng tagumpay, nagkaganito si Daphne! Idol ko pa naman 'yan at palagi akong nanunuod ng vlog niya sa TubeMate channel," ani ng matalik kong kabigan na si Stella. Nasa loob kami ng kusina nagluluto ng bagong putahe para sa lunch mamaya. Tinulungan niya akong hiwain ang carrots at cabbage na panghalo sa pancit ko. Samantala ako naman ay naka-focus sa paghalo ng dahong laurel sa adobong manok. "Kapag mayaman ka, magagawa mo ang lahat ng luho mo. Pero syempre, kapag ako maging mayaman, hindi ko hahayaang masira ang image ko sa publiko 'no! Sa gandang kong 'to! It's not worth it!" sagot ko sa kanya habang hinihiwa ko ang sayote. "Oo na! Ikaw na maganda, Jasmine. Pero bakit hindi ka na lang maging model? Apply ka kaya sa Beauty Magazine? Sa pagkakaalam ko, next project ni Daphne ay 'yong i-cover siya ng Beauty Magazine, kaso nakulong siya kaya kailangan ng kapalit. Sayang 'yang ganda mo." Marahan akong tumawa dahil never pang pumasok sa isip ko ang maging isang modelo. "Ano ka ba, Stella! Nahihirapan nga akong isuot ang five-inches na takong na niregalo mo sa akin noon! Naku huwag na! Sapat na sa akin 'tong karinderya. Mangarap ka, 'yong abot mo lang," tugon ko sa kanya. "Sus! Mapag-aaralan naman 'yon. Hindi ka aasenso sa prinsipyong 'yan, Jasmine. Kaya nga di ba may kasabihang 'libre lang ang mangarap'? Sayang din kasi kung hindi mo susubukan. 'Di ba?" Umiling ako. Masaya na ako sa karinderya kaya hindi ko ibubuwis ang buhay ko para makapasok lang sa Beauty Magazine. Nakilala ko si Stella dahil pareho kaming scholar sa Forbes Academy no'ng high school kami. Nag-pa-part-time job siya sa akin habang nag-aaral siya sa kolehiyo. Pareho naming pinangarap na maging isang registered accountant. Natanggal ako sa scholarship noon dahil working student ako at mas inuna kong kumitaumite kaysa mag-aral. Hindi kasi sapat ang perang nakukuha ko sa scholarship para sa gastusin sa bahay. Wala akong choice kundi ang naipon kong perang allowance at suweldo ko sa pagiging working student ang pinundar ko sa maliit na karenderiya. Masaya naman dahil nakakatulong ako para sa pamilya ko. Malungkot dahil 'di ko na matutupad ang pangarap kong maging accountant. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Kuya Oliver. "Pautang nga ako, Jasmine." Nabaling ko ang tingin ko sa kanya at napaatras ako nang bigla kong naamoy ang alak sa kanya. "Uminom ka na naman, Kuya?" galit tonong tanong ko sa kanya. Umalis sa kusina si Stella para bigyan kami ng pribadong pag-uusap. Si Kuya Oliver ay minsan lang umuuwi ng bahay dahil busy ito sa pag-inom at sugal kasama ang barkada niya. Matigas ang ulo nito at kahit si Tatay ay sumuko na rito dahil hindi na ito titino pa. "Matumal ang kita natin, Kuya, kaya wala akong mabibigay na pera sa'yo pang-sugal mo," mabilis kong sagot dito. Tiningnan niya ako nang masama saka siya marahang tumawa. Mukhang lasing nga siya dahil mapula ang mukha at mata niya. "Ano? Hindi mo ako papautangin? Ha?" Mas lalo niya akong nilapitan kaya napaatras at napasandal ako sa pader. Nilayo ko ang ilong ko sa kanya dahil sa masangsang na amoy ng alak. "M-May utang ka pa kasi sa akin no'ng nakaraang buwan. Pati last year hindi ka nagbayad sa akin. Maawa ka naman, Kuya Oliver!" "Magbabayad naman ako kapag nabawi ko na ang pera ko sa sabongan. Kaya pautangin mo na ako. Dali!" Inayos ko ang sarili ko at naglakas loob na sagutin ulit siya. "Wala na nga akong maibibigay sa'yo. Tingnan mo naman, Kuya, wala tayong customer. Kaunti lang kita natin ngayong linggo kaya wala akong perang ipapautang sa'yo," aniko nang ituro ko ang dining area sa labas ng kusina. Lumayo siya sa akin at saka suminghap sa galit. "Ah, talaga bang wala kang pera?" Nagsalubong ang kilay ko nang bigla siyang pumunta sa kaha. Kaagad ko siyang sinundan para pigilan siya ngunit nahablot na niya ang tig-iisang libong piso sa loob. "Kuya, huwag! Puhunan ko 'yan!" mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya. Hawak na niya ang sa tingin kong limang libong piso saka niya ako tiningnan. "Magluto ka ulit para may pampuhunan ka. Akin na 'to!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko si Kuya na naglalakad palabas. Ilang beses na rin niya ginawa ito kapag hindi ko siya pinapautang. At saka kailanman ay hindi pa niya ako nababayaran. Hinagkan ako ni Stella sa nangyari. Mabuti na lang ay wala pang mga customer sa loob kaya malaya kong nailabas ang damdaming ito. "Tahan na, Jasmine. Hayaan mo, tutulungan kita para mabawi ang ninakaw ng kapatid mo." "Bakit gano'n, Stella? Ginagawa ko naman ang lahat para maayos ang buhay namin? Si Nanay, palaging galit sa akin. Si Kuya Oliver naman, hindi na tumino. Ikaw at si Tatay lang ang dumadamay sa akin. Minsan iniisip ko na baka nga salot ako sa kanila." Humiwalay ng yakap si Stella saka nakita kong kumunot ang noo niya. "Ano bang pinagsasabi mo, Jasmine? Hindi ka salot, 'no! Kung tutuusin sila ang salot. Hindi nila makita kung gaano ka kahalaga sa kanila. Kaya kung ako sa'yo, hayaan mo na ang nanay at kuya mo. Mag-ipon ka na lang ng pera pampagamot sa Tatay mo." Tama si Stella. Hindi ako pwedeng manghina. Kailangan kong patatagin lalo ang loob kong kumayod pa para sa kinabukasan namin ni Tatay. Matapos ang mahabang usapan namin ni Stella ay sinara na namin ang tindahan. Naglakad ako papuntang wet market. Huminga ako nang malalim nang maalala ko ang kita namin ni Stella kanina. Hindi umabot sa limang libong piso kaya kailangan ko magdagdag ng putahe. Iniisip ko na magbenta ng banana cue pang miryenda, baka sakaling tumaas ang kita ko. "O, Jasmine! Mabuti't napadalaw ka?" tanong ni Aling Kusita. Suki na ako sa kanya kaya palagi akong may discount pag bumibili ako. "Oo nga po, Aling Kusita. Kailangan ko magluto pa ng ibang putahe. Dalawang piling nga po ng saging." Kaagad na binigyan ako ni Aling Kusita ng saging. "At saka po mantika at brown sugar," dagdag ko rito. "Mag-banana cue ka ba?" nakangiting tanong niya sa akin kaya maikling tumawa ako. "Opo. Matumal ngayon ang kainan ko kasi nagsara ang kompanyang malapit sa amin. Ayon, nawalan kami ng customers," tugon kong sagot sa kanya. "Gano'n talaga, Jasmine kapag nagnenegosyo ka dapat handa ka sa ganiyang bagay. Pero malay natin may magbukas na bagong kompanya d'yan o may milagro. Manalig ka lang." Ngumiti ako sa kanya sabay abot ng bayad. "Maraming salamat, Aling Kusita." Naglakad ako papuntang sakayan ng terminal. Bigla kong naramdaman na may sumusunod sa aking likuran. Umikot ako at laking gulat nang makita ko ang isang babaeng binibidyuhan ako gamit ang cell phone niya. "Anong ginagawa mo?!" galit tonong tanong ko sa kanya. Kaagad na binaba ng babae ang cell phone niya at nanigas sa kinatatayuan nang makita niya ako. "Miss, pasensya na po. Akala ko po kasi artista kayo dahil ang ganda niyo po! Uhm, pwede po kayang magpa-picture sa'yo?" kinikilig niyang sambit sa akin kaya napabuga ako ng hangin saka natawa. "Sana kinalabit mo ako kung magpapa-picture ka lang naman pala. Akala ko kasi stalker ka, eh. O, siya sige!" maligayang tugon ko sa kanya. Agad na humarap kami pareho sa front camera ng cell phone niya. Mas lalo akong gumanda sa filter na nilagay niya. Matapos kaming mag-selfie ay ngumiti siya muli sa akin. "Maraming salamat po, Miss. Ano po pangalan niyo?" "Jasmine Pedrosa." "Ako pala si Rhona, isa akong social media influencer. Okay lang po kaya kung i-post ko ito sa social media?" "Uhm, okay lang naman," naiilang kong sagot sa kanya dahil hindi ako mahilig sa social media at mahiyain ako. "Alam niyo pong parang kamuha mo si Madison Morgan?" Napahigit ako ng paghinga nang ipakita niya sa akin si Madison Morgan—isang beteranong artista at model. Parang hawig nga kami. Makapal ang kilay niya, mala-rosas ang mga labi at kasing puti ko. "Baka pinaglihi ako ng Nanay sa kagaya niyang maganda?" natatawang sagot ko sa kanya. Alas kuwatro ng umaga ay nasa kainan na ako para magluto ng umagahan. Mag-isa lang ako sa loob dahil ma-la-late raw si Stella kapupuyat nito sa project na ginawa niya sa school. Makalipas ng alas sais ng umaga ay bigla kong narinig ang pagtili ni Stella nang pumasok na siya sa kusina. "Jasmine, jusko! Viral ka na ngayon! Omg!" excited na sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa cell phone niya. Lumapit ako sa kanya para tingnan ito at napahigit ako ng paghinga nang makita ko ang litrato ko kahapon kasama si Rhona sa Facegram. Binasa ko rin ang caption dito. Do you believe in reincarnation? Kamukha nga talaga niya si Madison Morgan. Napatakip ako ng bibig dahil nag-viral nga ako. "Reincarnation?" tanong ko nang basahin ko muli ang caption. "Madison died due to leukemia. I think mga two years ago na," sagot ni Stella sa akin. Pinakita ni Stell ang mga litrato ni Madison at talaga ngang kamukha ko siya. Totoo nga ba talaga ang reincarnation? Parang imposible naman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

His Obsession

read
71.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook