Chapter 5: The years goes by..

587 Words
NAGING Valedictorian si Lyle ng magtapos ito sa Elementarya.Nagkaroon ng kaunting salo-salo sa kanilang Mansiyon.Habang si Criza ay umani rin ng madaming awards dahil taon-taon itong pinaparangalan. Matapos ang pagsasama nila sa loob ng limang taon, wala paring ipinagbago. Magkaibigan parin sila at hindi kailanman nawala iyun.Nasa 4th Year High School na si Lyle ngayon at 1st Year High School naman si Criza. Kasalukuyang nag-aaral sila sa Bright Star University. "Criza" agaw pansin na tawag ni Lyle kay Criza ng makita nito sa Canteen na nakapila. Lumapit si Criza kasama ang kaniyang tatlong kaibigan. Nakilala na ito dati pa ni Lyle, mababait sila at matatalino. Ngunit kapansin-pansin na si Criza ang may pinaka magandang pisikal na anyo. Lalo pang gumanda siya magmula ng magdalaga ito. Mayroon siyang perfect shape of face, mga bilugang mata ns medyo singkit, matangos na ilong at mapupulang labi. May makinis at maputi rin itong balat na parang marosas-rosas dahil wala ito ni isang peklat. Meron din siyang straight-shoulder length brown hair. Ang isa sa mga kaibigan ni Criza ay may lihim na pagtingin kay Lyle. Umamin lamang ito kay Criza ng malaman nitonh nakatira siya sa isang Mansiyon kasama ni Lyle. "Bakit Lyle, may sasabihin kaba?" Anito ng makalapit sa kanya. "Sasabihin ko lang sana na mauuna na akong umuwi dahil Halfday lang kami" turan nito habang may tinitingan sa bag niya. "Ganun ba, sige. By the way kumain kana ba?" Tanong nito. "Ahmm..sa Bahay na lang ako kakain" sagot nito. "Aalis na ako Criza, kumain ka ng madami ha. Para tumangkad kapa" dagdag pa nito habang pinipisil ang dalawang pisngi niya. Hinampas nito ang dalawang kamay na nakahawak sa pisngi niya. "A-aray ko naman, ikaw rin kumain ka ng mabuti. Baka kasi mabulunan ka....sana" sarkastikong ani nito. Kiniskis ng palad niya ang buhok nito na naka-braid style dahilan para magulo iyun na ikina-nguso niya. "Galing mo na mang-asar ha" biro nito " Syempre sino bang master ko, wag mo nga guluhin ang buhok ko" reklamo niya. Umalis na si Lyle kasama ng kanyang mga kaibigan.Nakita na naman ni Criza ang kanyang Crush na si Kyle. Kapit-bahay nila ito, mayaman, maginoo, at mabait. At higit sa lahat hot and handsome, matalik na kaibigan ito ni Lyle mula ng Elementary ngunit hindi ni sa panaginip ay hindi siya nakalapit rito dahil may paghanga siya sa binata. Dalaga na si Criza kaya nakakaramdam na siya ng mga ganung bagay, kung paano tumingin ng isang lalaki at manuri ng pagkatao.Ngunit pagdating kay Lyle, isa parin siyang batang paslit kung ituring nito. Ano pa nga bang aasahan mo Criza? Nalulungkot kaba dahil hindi ka niya itinuturing na dalaga? Aniya ng bahagi ng utak niya.Lihim na pinagalitan niya ang sarili habang pinapanood si Lyle na masayang kasama ang mga kaibigan niya. Lalo itong gumuwapo ng mag binata ito. Mayroon itong broad shoulders, intelligent and smilling eyes, square jaw na nakadagdag physical attraction. Sexy body, have a deep and soothing voice. Parang isang awit o melodiyang kay sarap pakinggan sa araw-araw. Attentive, have a pointed nose, and kissable lips. Iniling-iling niya ang kanyang ulo para mawala ang iniisip. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niya ang bagay na iyun. Ngunit hindi niya mapigilan na huwag ma-attract sa binata. Pinipilit niyang itong huwag magustuhan ngunit hindi niya mapigil ang kanyang puso na nag-aalma kapag nakikita ito. Masyado pang maaga para sa ganyang mga bagay-bagay. "Ang pag-ibig, ay hindi basta emosyon na nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat pinaninindigan". Ika nga ng matatanda na kasabayan lang ni Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD