Chapter6: Unveilling Talents

509 Words
Matapos nilang kumain sa Canteen, dumiretso na sila sa classroom. Kamusta na kaya si Papa sa Hospital? Malungkot na tanong sa loob niya. Madalas naman niya ito tinatawagan sa pamamagitan ng madrasta niyang Stepmother at Stepsister ay nakakamusta naman ang kalagayan ng Papa niya kahit papaano. Actually, nakalabas na ito noon, ngunit labas-pasok parin ito sa Hospital. Na-second stroke ulit kasi ito. Napag-alaman pa na may sakit itong type 2 diabetes. Ang sabi naman ng dotor, maagapan naman ito kung magagamot kaagad. Sana ayus lang si Papa.. Nakailang buntong hininga siya bago siya makabalik sa huwisyo. Tinatawag na pala siya kanina pa ng kanyang Teacher ngunit hindi man lang niya ito naririnig. "Ms. Criza Mercado, Come here please" tawag ng Subject Teacher niya. "Bakit po ma'am?" Tugon niya. "May i see your drawing?" Anito na ang tinutukoy ay ang katatapos lang na drawing ni Criza sa 1/8 illustration board. "Ang ganda nito Criza,ang laki ng potential na manalo tayo kung ikaw ang lalaban para sa section natin" papuri nito sa kanya kaya lihim na natuwa siya sa narinig. May talento siya sa pagguhit, yamang hindi man lang nailabas nung Elementarya pa lamang siya.Natatakot siyang lumaban dati dahil puro negatibo ang nga naiisip niya---na baka matalo. Ngayong 1st year High School na siya sisimulan na niyang lumaban sa mga patimpalak para ilabas ang totoong talentong matagal na niyang itinatago. "I'm sure mananalo iyan, hindi ba mga anak?" Dagdag pa nito. Nagsi-sagutan ng sabay-sabay ang mga kaklase niya na animo'y mga grade one. "Tha't true ma'am, sure na sure na winner yan " ani ng president nilang bakla. "Ang ganda Criza ng gawa mo, kasing ganda mo" bolerong ani ng isang lalaki habang pinagmamasdan ang kaniyang gawa na halos matunaw na ito kakatitig---ito ay kanilang escort na may gusto sa kaniya at bago palang na nagsisimulang manligaw. "Eyyyy, wala na. Talagang pupurihin mo yan crush mo e. Kayo na ba?" Pang-asar ni Joyce na kaibigan niya. "Joyce!! Para kang sira!!" Pinangmulatan niya ito ng mata. Ito talagang si Joyce minsan papansin rin e. Siya nga lang ang pinagsabihan ko ng secret ko tapos ibinuking pa ng bruha! "Pakunwari pa kayo, nakakakilig kayo. Para kayong nasa K-Drama" ani pa ng isa sa mga kaklase niya na naghihiram ng crayons. Nagkunot-noo siya, she rolled her eyes at itinaas niya ang isang kilay para masindak ang mga ito.Nagsi-tahimikan ang lahat, wala paring ipinagbago si Criza---hindi siya basta basta nagpapa-asar ng ganun-ganun lang. Gwapo naman si Gabriel e. AKA "Gab", mayaman rin ito,may mga Business ang mga magulang nito kaya halos lahat ng gusto ay nasusunod. Matatawag siyang spoiled brat kung susukatin.Ngunit hindi pa siya pupwedeng magpaligaw ayon na din mismo sa lola niya, nais nitong makatapos muna siya ng kolehiyo bago unahin ang nga ganung bagay kaya in-snob lang niya ito. "Tama na guys, so Ms. Mercado ano payag kaba?" ani Teacher na ngising-ngisi sa kanya. "Ok sige po ma'am, ako na lang po ang lalaban para sa section natin" Buong kompiyansang pagpayag niya kaya nagsi-sigawan ang lahat para sa pag chi-cheer sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD