CHAPTER 01
CHAPTER 01
“You’re back,” malungkot na aniya.
“May mali yata sa boses mo? You should be happy.” I smirked. I continued walking, not minding the stares people are giving me.
I walked stoically. Wearing an all-black leather jacket, tight-fitted jeans, and high boots. I tied up my long straight hair into a high ponytail to complete my comeback look for today. I felt so alive. . . and dead at the same time.
I sashayed the premises while making a call with my dad. Should I call him Zin? He’s my boss now.
“Yeah, I should be happy.” Sigurado akong sinabi niya iyon para sa sarili.
“I’ll see you in a minute,” I said before ending the call. Kalalabas ko lang ng airport naka-abang na agad sa ‘kin ang van na susundo. Sinilid ko sa bulsa ng pantalon ang telepono. I grabbed my aviator to put it on my chest, tumingala ako sa langit at namangha nang makita ang asul na ulap.
Nang ibaba ko ang tingin ay palapit na sa ‘kin si Leron— consigliere ng papa. I can see that he’s very hands on, nagawa pa niya akong sunduin sa airport.
“Hartiana.” Lumapit siya sa ‘king upang yakapin ako. Napairap na lang ako nang makita ang mga dala niyang guwardiya. Maging sa eroplano kanina ay may nararamdaman akong nakamasid sa ‘kin, hindi ako nagkamali na tauhan ‘yon ni papa. “Long time no see,” nakangiting aniya sa ‘kin.
“Oo nga, no? Five years ago kilala kita bilang, Ninong Leron.” Sarkastiko akong ngumisi sa kanya.
Natatawa naman siyang napailing, “Naging mabait naman akong ninong ‘di ba?” he asked.
I spun my eyes to him, “Cut the crap, Leron.”
“Oh, wow! Hindi pa sanay pandinig ko,” aniya nang marinig ang tawag ko sa kanya. He’s years older than me. Halos magka-edad na sila ni papa pero mukhang bata pa rin ang itsura. Five years ko na siyang hindi nakikita at mukhang konti lang ang ipinagbago niya. Bukod sa mas nagkalaman siya, ganun pa rin ang pormahan niyang itim na suit at manipis na salamin sa mata.
“I’m back for good,” ani ko sabay lakad palapit sa Black Hyundai na naka-abang.
“‘Yon nga ang narinig ko mula kay, Zin,” aniya ang tinutukoy ay ang ama ko.
“Kaya hindi niya ako sinundo?” I looked at him with a smirk. Umiling lang siya sa ‘kin, halatang naninibago.
“Sa bahay niyo ba tayo?” tanong niya nang makasakay na kami. I crossed my arms and looked at the window.
“Sa mansion,” tipid kong ani.
He sighed, “Saang mansion?”
“Hideout?” patanong kong ani sabay baling ko sa kanya. Binigyan niya lang ako ng blankong tingin.
“Doon mo balak tumira?” Hindi ko na siya sinagot. Tumingin lang ako sa bintana habang bumabyahe kami.
Ilang minuto lang ay nasa mansion na kami. The large gate opened widely. Agad na bumungad sa ‘kin ang malawak na driveway, sa gilid nito ay linya ng pamilyar na puno ng salingbobong. Ilang sandali lang ay tanaw ko na ang malaking Spanish style mansion.
Sunod-sunod ang buhos ng alaala sa nangyaring gabi na ‘yon— unang beses na nakatapak ako sa mansion na ito. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Hindi ko inaasahang dadalawin ako ng bangungot ngayon.
Pagbaba ko ay agad na umataki ang pamilyar na bango ng bulaklak. It’s so nostalgic, that scent reminds me of everything. Pumikit ako at dinama ang amoy nito. Isa ‘to sa mga magpapaalala sa ‘kin kung bakit ako bumalik.
“Nagbago ang isip ko.” Binalingan ko si Leron na ngayon ay nagtatawag ng guwardiya para kunin ang mga gamit ko.
“My keys,” ani ko sabay lahad ng kamay.
His eyes darted at me with confusion. Pinantayan ko ang titig niya para makuha niya ang gusto kong mangyari.
“Hinihintay ka na ni Zin sa loob,” aniya. Matagal ko siyang tinitigan bago sumagot.
“May taong. . . mas matagal ng naghihintay sa ‘kin,” kalmado kong ani. Leron sighed, alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko. Sa huli ay wala siyang nagawa kun’di ibigay ang mga susing pagmamay-ari ko.
“Ngayon lang ‘to, Hartiana,” matigas niyang ani sa ‘kin. Ngumisi ako at itinaas ang dalang mga susi.
“Sa mauulit. By the way, you can call me, Ian,” paalam ko sa kanya bago umalis.
Humalukipkip ako nang makita ang pagmamay-ari. “Miss me?” I smirked. Lumapit ako sa itim kong MV Agusta na motor. Nauna ko ‘tong pinabyahe kaya nandito na. I removed the cover, napangisi ako nang makitang malinis at talagang inaalagaan.
Sumakay ako at agad na pinaharurot palabas. Muntik ko ng makalimutan na nasa Manila ako at walang libreng highway dahil puros traffic ang kalsada. Sumuong pa ako sa traffic bago nakapagmaneho ng diretso.
Dinama ko ang hangin habang nagpapatakbo nang mabilis. It gives me comfort and it felt like I’m floating in the air.
My thoughts are gone and it gave me peace.
Tumigil ako nang marating ang lugar. Payapa at walang masyadong pinagbago, ganun pa rin ang nagtataasang damo sa malayong gilid. Ang kulay puting fence na nagmukhang kahoy, ang mga bulaklak sa paligid na paborito niya. Tinanggal ko ang suot na helmet at dahan-dahang naglakad palapit sa puno ng balayong. A tree that symbolizes love.
I sighed. Naninibago ako sa lugar pero ang pakiramdam na nandito ay ganun pa rin. Limang taon ko na siyang hindi nadadalaw. Nakakalungkot, I hope she won’t get mad at me.
“Guess what? I’m back. . . and I’m back for good.” I smiled bitterly. I saw fresh flowers from the vase kaya alam kong kadadalaw lang din ni papa rito.
Lumuhod ako, “I’m sure father already told you why I’m back.” I touched the stone where her name was engraven. Nakalagay din doon ang araw ng birthday at araw ng pagkamatay niya. Sa ilalim ng punong ito, nakahimlay ang butihing ina ko.
I sat down and leaned my back against the tree. It’s both peaceful and painful. I put my palm on her stone grave thinking that I’m also touching her. I miss her so much. I miss her so bad.
“I will put the justice in my own hands no matter what,” I said with raging rage. “Whether you like it or not,” I whispered.
Tumingala ako at tinanaw ang asul na ulap. I know she’s up there watching me. I know she understands me and I hope she will guide me. Muli kong tiningnan ang bato kung saan nakaukit ang pangalan niya.
“The day they killed you. They also killed the old, Hartiana.” I filled my lungs with air, I felt like bursting in rage right now. It excites me and my hands are ready to do their job.
Matagal ko na ’tong pinaghandaan. Sisiguraduhin kong mahal ang paniningil na gagawin ko. Sisingilin ko sila kasama ang limang taong interes. I will make them suffer, I’ll make sure to put hell on their lives no matter what.
“Calior inferno quam ultio mea.”