"Daddy!" sigaw ng batang babae sa kanya mula sa paglalaro nito ng kung ano. Tumakbo ito kay Vern na kakalabas lang ng sasakyan. "Baby!" ganting bati niya rito at kinarga sabay angat sa ere. "Were you a good girl to Mommy?" tanong niya rito at sunod-sunod namang tumango ang bata sa tanong niya. "Yes, daddy! I ate a lot during lunch, too!" masaganang kwento nito. "Ang good girl naman… Where's your mom?" "Kitchen!" He smiled at naglakad habang karga ang bata papunta sa kusina kung nasaan ang ina nito. "Mommy! Daddy's here!" sigaw nito kaya napangiwi si Perry dahil hindi ito nauubusan ng enerhiya sa palagi na lang nitong pagsigaw. Lumapit siya sa mga ito para halikan si Vern. "Hi," she greeted and smiles. Narinig naman ng bata ang pagdating ng isang sasakyan kaya pilit itong bu

