Chapter 10

2046 Words
Vern and Saturn's family are so welcoming that she wished to have one for herself, but she knows it's not going to be that way for her. Masaya siya sa pagtanggap ng mga ito sa kanya pero dahil sa naka-base ang trabaho nito sa Canada as a both Doctors ay hindi ito palaging nakakasalamuha niya. Palagi itong tumatawag at binibilinan ang magkapatid sa kung ano ang dapat gawin sa kanya katulad nang pagkain, vitamins at exercises. It’s been months since she started to live with the Romulo's.  Vern and Saturn are extra careful with her that sometimes they are overreacting. She is 2 months pregnant, almost 3 months kaya nagsisimula na siyang mag-crave ng kung ano-ano. "Persia, I have to go to work, and I want you to call me if you need anything, okay?" paalam sa kanya ni Vern. He has been always like that ever since she stayed at their house. Gusto nga ng mga ito na kumuha ng personal nurse niya ngunit siya na ang umayaw dahil hindi naman na kailangan. She can take care of herself. "Don't worry, I will," she assured him. He sighs and hugs her before kissing the top of her head. Hinatid na niya ito sa parking at kinawayan nang palabaas na ang sasakyan nito sa gate ng bahay. "Hoy buntis! Muling ibalik na ba?" kantsyaw sa kanya ni Saturn habang may hawak na mug at inabot sa kanya. "Mukha mo. Ba't hindi ka pa bihis?" tanong niya dahil mukhang hindi ito papasok sa trabaho, pinapabantayan na naman siguro siya ni Vern. Nagkibit ito ng balikat at inakbayan siya para isabay papasok ng bahay. "Pinapabantayan na naman ako ng Kuya mo?" "Sshh. 'Wag mo nang isipin kung ayaw mong malagot ako," natawa siya sa sinabi nito.   **** Everything went so fast when you're happy. Hindi na siya halos makatulog dahil sa pag-aalala kung kalian siya manganganak. Ka-buwanan na niya at maging ang mga tao sa bahay ay palagi na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta dahil baka bigla na lang daw siyang manganak. Nahihiya nga siya na kahit sa paggamit ng banyo ay may nakabantay sa labas ng pinto niya para raw madali siyang masaklolohan. Hindi nga niya alam kung matutuwa o maiinis na siya sa sobrang kaartehan ng mga ito. "Ano? Wala pa bang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Vern sa kanya na ikinatawa niya lang. Kakauwi lang nito galing sa trabaho at hindi pa nakakapagbihis mula sa unipormeng suot nito. "Magbihis ka muna kaya," saway niya. "Ito naman. Alam ko naman na gwapong-gwapo ka sa akin kapag suot ko 'to," sagot nito. Napairap na lamang siya dahil kahit totoo naman ay nababadoyan pa rin siya sa mga minsang hirit nito. Vern is a police officer here in Butuan City kaya malakas ang hatak nito. "Shut up," she spats. Lumapit lamang ang lalaki sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Sanay na siya rito dahil palagi nitong dinadama kung sumisipa ba ang bata sa tiyan niya kahit ilang ulit niyang sinabi na hindi at wala pa. "Be mine, again," rinig niyang bulong nito sa ulo niya. Hindi niya alam kung sadya nito na iparinig sa kanya o ayaw nito na marinig niya, "Persia, I promise to take care of you. To heal all your wounds. To love you unconditionally and never I will again leave you—not even thinking of it." Napapikit siya dahil masuyo nitong boses na naghatid sa kanya nang kapayapaan at kasiguraduhan. Umikot siya para harapin ito. She cups his face using her both hands and looked at him deeply in the eyes. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa mukha nito. She closed her eyes and let him kiss her, for the first time since she lived under their roof. It is a passionate and slow movement of their lips that feel so foreign to her. She was used being kissed hungrily and just purely with lust. She tries to conceal the bitterness in her heart because of the thought of someone living so happily, unbothered of the things he wanted her to do with the baby. Ito mismo ang unang kumalas sa halikan nila at hinagod nang tingin ang buong mukha niya. "Was it a, yes?" tanong nito habang nakahawak nang marahan sa beywang niya. She bites her lower lip at umiling, "No." He jokingly groans and laughs. Kiniskis nito ang ilong sa ilong niya at idinikit ang kanyang mukha sa dibdib nito. "I think—" she said, and the pain attacked her that made her face crunch, "—manganganak na ako." "What—s**t!" Binuhat siya nito at nagsisisigaw sa mga katulong sa bahay nito sa kung ano ang dapat niyang dalhin at kunin. Halos hindi na niya marinig ang kagulohan sa loob ng bahay dahil sa sakit na iniinda niya. "Vern, relax…" tawag niya sa lalaki dahil mura ito nang mura habang nagmamaneho papuntang hospital. Inabot nito ang isang kamay niya at pinisil. She just smiled at bit kahit napapalitan ito agad nang kunot dahil sa biglaang pagsakit ng katawan niya. Hindi niya alam kung saan mismo ang masakit dahil sa sobrang sakit. She was rushed into the emergency room. Hawak niya ang kamay ni Vern habang minamandohan siya ng Doctor na umiri. "One last push, Mrs," utos ng Doctor sa kanya. She gathered all her strength and pushed herself to push for the last time. As she heard a cry, she passed out.   "Ang gandang bata naman nito," rinig niyang usapan ng mga naroon. Dumilat siya upang hanapin kung saan nanggagaling boses dahil alam niya na ang anak niya ang tinutukoy nito. She saw Vern, with the baby in his hands while Saturn is playing the hand and complementing the looks of her baby. "Vern," tawag niya rito at umayos nang upo mula sa pagkakahiga. Agad naman na lumapit sa kanya ang mga ito, dala ang baby niya. "Can I hold her?" Inabot naman agad ni Vern sa kanya ang bata. A tear escaped from her eye as she saw the baby from her womb. There's an air that embraced her heart with so much fulfillment. As soon as the hand of her baby touched her chin, she promised to do everything just to protect and take care of her. They will never see the baby that they wished to abort. They will never touch her and smell her baby's breath. Lahat nang tinalikuran niya para lang mahawakan ang isang sanggol ay nagiging makabuluhan at walang makakapalit sa saya na meron ang puso niya. "How are you feeling?" Tumabi si Vern sa kanya at inabot ang likod niya. Hindi niya magawang tingnan ang lalaki dahil ayaw niyang mawala ang paningin sa sanggol na hawak niya kahit sandali. Gusto niya muna itong titigan para makahingi nang patawad sa panahon na nasa sinapupunan niya pa lamang ito.  I'm sorry that they wished you not to exist, but look how pretty you are… "I'm—I'm happy," she said. Inalo lamang siya nito at patagilid na niyakap. He kissed her temple, "What do you wanna eat?" tanong nito. She looked at his eyes, "Thank you," she sincerely said. Inabot nito ang pisngi niya at marahan na pinatakan nang halik. "Basta ikaw…" he said. Napalabi siya at ininguso ang mga labi. Tumawa si Vern at hinalikan siya ulit hanggang sa may pekeng umubo sa may couch. "Kumain na naman siguro muna, nakakamatay ang gutom baka akala ninyo," sabi nito kaya natawa na siya. Habang kumakain ay napapadpad ang tingin niya sa anak niya na hawak ni Saturn. Naiisip niya kung ganito rin ba ang pakiramdam kung si Isma at ang pamilya nito ang kasama niya. Hindi niya gustong isipin na mabuti at hindi ang mga ito kasama niya dahil naging mabuti ang mga ito sa kanya, lalo na ang Madame. Life really has a strange way of making you learn. Maybe that is how to keep its balance. "Kumain ka na muna, mamaya ka na mag-isip," boses ni Vern sa gilid niya. Natawa siya dahil mukhang kanina pa ang hawak nitong kutsara na may lugaw para isubo sa kanya. She hates herself for feeling guilty just by looking at Vern. How can a person like him, accepts her whole-heartedly? "Vern, how can I repay you?" "Pagalingin mo lang ang sarili mo at alagan mo nang mabuti ang baby natin, okay?" Napataas pa ang kilay nito. "Wala na maliban diyan?" Sinamaan siya nito ng tingin pero agad din na kinagat ang ibabang labi upang itago ang ngiti, "Persia, 'wag mo akong daanin sa ganyan, please." Tumawa siya ng malakas at bahagya pang sumakit ang gitna niya, "Marupok ka?" Tumango ito sa tanong niya at sinubuan na naman siya. "Mamaya mo na ako landiin kapag kaya mo nang panindigan 'yan.' Napanguso siya sa sinabi nito at napaisip. Pero agad ding nawala nang halikan siya ni Vern sa labi, "Sorry, 'wag mo nang isipin ang sinabi ko. Pwede mo na akong landiin, okay?" Ngumiti lamang siya kahit alam niyang apektado siya sa sinabi nito. Ilang beses na rin niyang pinapangaralan ang sarili niya kung bakit wala pa rin siyang nararamdaman kay Vern. Hindi naman pwedeng mahal niya si Isma dahil malinaw na malayo sa pagmamahalan ang namagitan sa kanila noon.   Hanggang sa nakalabas sila ng hospital ay halos hindi na pumasok ang magkapatid para lang bantayan si Zavia, ang anak niya. Kailangan niya pang pilitin ang mga ito dahil sobra-sobra na ang pinaggagawang kabutihan nito sa kanya. "Vern, hindi ka talaga papasok?" tanong niya sa hanggang ngayon ay hindi pa nagbibihis ng uniporme niya at nakahawak lamang sa bata. "Pinag-leave ako dahil ang gwapo ko raw." Umirap siya sa kasinungalingan ako. "Para ka talagang sira. Akin na nga." Lumapit siya para kunin ang anak niya ngunit inilayo lamang nito at lumabas ng kwarto, "Vern Romulo!" "Go away from my daughter!" ganting sigaw nito. Natawa na lamang siya bago sumunod sa mga ito. "That's kidnapping!" "This is my child!" Natatawa siyang bumaba ng hagdan nang biglang na-mali ang tapak niya sa huling hagdan mabuti na lamang at nakahawak siya sa hawakan ngunit sumakit ang paa niya. "Persia naman!" galit na sigaw ni Vern. Ngumiti naman siya para ipakitang okay lang siya ngunit naroon pa rin ang galit na may pag-aalala sa mata nito. Nilapitan niya naman ito at naglalambing na niyakap, "Sorry po. Nasaan ang masakit sa 'yo?" birong tanong niya dahil mukhang ito pa ang nasaktan kahit siya naman. "Hindi ka kasi nag-iingat," masuyong sabi nito bago nilapag ang bata sa crib nito sa may sala at nilapitan ulit siya.  Oo, kaya nga may hawak kang Zavia ngayon. "I'm fine!" Umiwas siya sa lalaki ngunit napangiwi nang sumakit pagkatapak niya ang isang paa niya. "You're fine?" sarkastikong sabi nito bago siya binuhat at nilapag sa couch. Tumabi naman ito sa kanya at kinuha ang paa niya na masakit. "Kunwari ka lang naman, gusto mo lang talagang hawakan paa ko," kantsyaw siya. Diinin naman nito ang paa niya kaya napahiyaw siya sa sakit. "Aray ko!" reklamo niya kahit hindi naman talaga ganoong kasakit. Wala itong pakialam na hinihilot ang paa niya. Napansin niya ang matangos nitong ilong, may kakapalan na kilay, mahabang pilik-mata, at ang moreno nitong kulay pero makinis na pisngi. Bakit hindi niya magawang mahalin, ulit ang lalaking ito? His manliness but softly caring attitude is what made her fall for him, but why it does not affect her anymore? Is she too bad, to deserve someone as good as him? O sadyang ayaw lang ng tadhana na sumaya siya? If only she loves Vern, she will be happy. "Anong iniisip mo?" Napakurap siya nang makita si Isma sa katauhan ni Vern. Bigla siyang kinabahan na parang mabubuko siya sa katangahang nakikita niya. "Wala naman." "Ba't namumutla ka?" Ngumiti siya at umiling. She's afraid of her own self. Tinatraydor siya ng sarili niya. "Ang gwapo mo lang pero bakit pinagtiya-tiyagaan mo 'ko?" "Mahal lang kita," sabi nito bago nilapag ang paa niya, "Try to step with it." Inaapak niya naman ito at hindi na sumasakit, dahil hindi naman talaga masyadong nasaktan. "Vern—" "Sshh. I know… I have a lifetime just to wait for you, okay?" Hinaplos nito ang mukha niya. Napapikit siya nang dumukwang ito at hinalikan siya sa noo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD