Tumawa ito sa tawag niya at umiling, "Ano? Buntis ka ano?" tamang hula nito. Parang umurong ang luha niya at napalitan ng galit. Bumabalik na naman ang galit niya sa Ama na ayaw niya na sanang maramdaman. She's frustrated of how her own father laughs at her situation! Wala na ba talaga siyang makukuha na pagmamahal mula rito?
"Alfred…" tawag ng Ina niya sa asawa nito.
"Am I right, Persia?"
Hindi siya sumagot at matalim lamang na tiningnan ang ama.
"Ano ngayon, Alfred? It doesn't matter!" giit ng ina.
"It does matter! Uuwi-uwi ka rito dahil pumalpak ka?" natatawang sabi nito, "Aba! Nasaan na ang tapang mo? Idadamay mo na naman kami sa pagiging kahihiyan mo? Sabi ko naman na kasi noon pa na malas kang bata!"
"You're jumping into your conclusions again, Alfred—" bumaling ang Ina niya sa kanya, "—you're not pregnant naman diba, anak?" malambing na sabi nito at may bahid ng pag-asa sa mga mata na hindi totoo ang hula ng kanyang Ama. Dahan-dahan siyang umiling kasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata niya habang nakatingin sa ina.
"I'm sorry," kausap niya sa ina bago tiningnan ang ama niya, "Dad, sorry po kung puro na lang kahihiyan ang dala ko sa inyo. Kasalanan ko po ang lahat pero wala na po akong ibang matatakbuhan, Dad, please," bahagya siyang lumapit sa ama, "Daddy, naging anak niyo naman po ako…" Tuloyan na siyang lumuhod para lang tanggapin siya muli ng ama, na sana ay may kaunti pang awa na maramdaman.
"Alfred! Anak…"
"Bakit hindi ka sa ama ng batang 'yan magmakaawa, Persia?" Hindi siya sumagot sa tanong nito. Her Father burst into laughter that echoes in the whole living room, "See! Persia, grabeng katangahan na 'yan! Bakit ba hindi ako nagkaroon ng ibang anak." Umiling ito.
"Abort that bastard and I'll welcome you back in this family," deklara nito bago tumalikod at nagtungo sa hagdan papuntang ikalawang palapag ng bahay.
Nanlamig siya sa narinig dahil lahat na lang gustong mawala ang bata na nasa sinapupunan niya. Maging siya ay unti-unti na ring nakukumbensi na dapat na nga niyang bitawan ang bata na nasa tiyan niya dahil ito lamang ang paraan upang matahimik at bumalik sa pagiging payapa ang buhay niya.
Dinaluhan siya ng ina niya at niyakap, "You heard your Father, pero nasa iyo pa rin ang desisyon. Malaki ka na, alam ko na kaya mong buhayin ang anak mo na ikaw lang," inalis nito ang luha sa pisngi niya gamit ang daliri nito, "I'm sorry kung walang magawa si Mommy para sa'yo." Humikbi ito kaya maging siya ay halos manghina na rin.
"Bakit gan'on, My. Bakit ang daya? Kung hindi niya ako pinalayas noon, hindi naman ako malalagay sa ganitong posisyon…pero, okay lang, My."
"Anak naman…alam kong hindi."
"Mali, My, mali ang batang 'to. Tama si Daddy at ang tatay nito, dapat mawala na lang 'to—" Tumabingi ang mukha niya sa sampal na natanggap mula sa ina. Ilang sampal pa ba ang matatanggap niya!
"Don't talk like that, Persia!" sigaw nito sa kanya.
"Bakit? Wala ka rin namang maitutulong sa akin!"
Nabigla ang ina niya sa pagsigaw niya, "Anak, kapag ba pinatay mo 'yan mabubuhay ka pa rin gaya ng dati? Papatayin mo ang sarili mong anak para lang mabuhay ka?"
Napa-hagugol siya sa sinabi ng ina, "Mommy, hindi ko na kaya! Bakit kailangan kong pagdaanan 'to!"
"Persia, kaya mo 'to. Dito ka na lang muna, kakausapin ko ang Daddy mo," umiling siya sa sinabi nito at tumayo.
"Aalis na lang po ako," sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa ina niya. Niyakap siya nito nang napakahigpit na parang pinipigilan siya ngunit alam nito na tama ang desisyon niya.
"Gabi na, anak. Saan ka pupunta?" nag-aalalang sabi nito na ikina-ngiti niya lang.
"It's okay, Mom. You have nothing to worry about me." Inabot niya ang maleta niya at inayos para madali niyang mahila. Umiiyak pa rin ang ina niya kaya niyakap niya ito at hinalikan sa noo, "I'm sorry for having a daughter like me and please, take care of Daddy for me."
Walang lingon niyang hinila ang maleta at naglakad palabas ng gate. She's such a loser. Maybe, they are right that she should abort the baby because she'll cause more harm than good if she'll raise a child of her own. Mas kaya niyang isipin na masaya ito sa langit kaysa magdusa kasama niya rito sa lupa. It's just so complicated that everyone wants you at your best and not with your worst. Wala na siyang aasahan dahil ang huli niyang inasahan ay wala na rin. She walks the street with cars running on her side until she heard a horn, and everything went at peace.
She wakes up feeling dizzy and thirsty. She's alone in a white room with all black beddings. Bumukas ang pinto sa bandang kanan niya at iniluwa ang bulto ng lalaki na pamilyar sa kanya. Lumiwag ang mukha nito sabay pakita ng dimple sa kaliwang pisngi dahil sa pagngiti nito, "You're awake," he exclaimed.
Nagtagpo ang kilay niya dahil sa pilit na pag-aalala kung saan niya nakita ang lalaki dahil alam niyang kilala niya ito.
"Saturn Romulo," sagot nito sa tanong niya sa isipan. Umawang ang bibig niya at hinila ito para mayakap.
"Oh, my ghad! Saturn, I miss you so much!" Tumawa lamang ang lalaki sa reaksiyon niya. Saturn Romulo is her childhood best friend na lumipat ng ibang bansa after they graduate Junior High School. She can't believe that she's seeing her best friend and feeling happy even with everything that's going on with her life.
"How are you? It's just a luck that, Kuya Vern, was the one who saw you passed out on the street!" Nawala ang ngiti niya dahil sa pagbanggit nito ng pangalan sa nakakatanda nitong kapatid. She never thought na sa pamilyang ito ang bagsak niya.
"Why? Is there something wrong? Hindi ka pa rin move on kay Kuya?" natatawang biro nito. Vern is a total opposite of Saturn. Saturn is a softie while Vern is a rough but sweet guy when you get to know him. She misses the old her, but it was not worth looking back for. The old her who's very sentimental, sensitive, and easy to be fooled. Pero kahit naman sinubukan niyang matapang-tapangan pumapalpak pa rin siya.
"Hindi. Kailan ka lang nakabalik ng Pilipinas?"
"Matagal na 'no. I went to your house pero hindi ka na raw nakatira roon," kwento nito at malungkot siya na nginitian. She just smiled back at niyakap naman siya nito nang mahigpit, "It's okay. I got you."
"Alright! Enough with the drama," sabi nito sabay bitaw na parang wala nang problema, "What's the tea?"
"I'm pregnant."
"Hala siya—" napatakip ito ng bibig, gamit ang kamay, "—grabeng tea naman 'yan, sis!"
Natawa na rin siya sa reaksiyon nito, "I'm planning to abort this."
"What? Siraulo! Akin na lang 'yan, bigay mo sa akin after mo manganak!" It made her smile na kahit gaano karami ang may ayaw sa pinagbubuntis niya ay meron pa rin talagang tatangap. Kung sino pa ang wala kahit isang patak ng dugo nito ay ito pa ang mayroong pakialam. She's grateful dahil mas naliliwanagan siya sa kung ano ang dapat niyang gawin.
"Persia—" boses ito na parang sabik na makita siya. It's Vern, her ex-boyfriend. Ang rason kung bakit siya itinakwil ng Ama. They fought for their love at a young age, but it all goes away when he decided to call it quits. She was so devastated that she failed all her subjects that leads to her Father, disowning her. She crawls herself to live at Manila and survived. That was why she does not take men, seriously. But history repeats itself and here she is, being in a situation that has no one to lean on, "—how are you feeling?" tanong nito.
"I'm fine—sorry but I need to go," paalam niya at nagbalak na tumayo ngunit hinawakan siya sa braso ni Saturn. Gusto niyang umiyak dahil may dumaang init sa puso niya. Sa wakas ay may humawak sa kanya dahil ayaw siyang umalis. Ito lang naman ang kailangan niya sa ngayon, ang may masandalan kahit sandali lang hanggang sa kaya na niyang lumaban ulit. Hindi nga lang ang kamay na ito ang naisip niya. Magiging pabigat lang siya lalo na at hindi siya nag-iisa.
"Saan ka pupunta?" malambing na tanong nito. She just smiled and continue her attempt to stand.
"Bahala na," she said and look at the siblings who are looking at her every move, "Salamat sa pagligtas sa akin sa daan."
"Persia, stay here na lang muna—please," sabi ni Saturn at lumapit sa kanya.
"Nakakahiya sa inyo, hindi n'yo naman ako responsibilidad."
"Please, kahit hanggang manganak ka lang," banggit nito kaya natapon ang tingin niya sa nakakatanda nitong kapatid na nasa gilid. Hinihintay ang pagbabago ng reaksiyon nito hanggang sa itaboy na naman siya dahil sa kalagayan niya.
"You're pregnant…" bigkas ni Vern sa kung ano ang kalagayan niya.
"Yes, kaya please tulungan mo ako na dito na lang muna siya," Saturn. Nakatitig pa rin si Vern sa kanya na parang tinatansiya kung ano ang susunod na dapat nitong gawin. I guess, he's just too good to come up with a better excuse to reject her. Isang rejection na kasunod ng dalawa ay hindi na masakit. She smiled and looked at Saturn, "Saturn, I will be okay."
"No. You stay here, kahit isipin mo na lang na pambawi ko sa nagawa ko noon sa'yo," Vern said with finality. She doesn't know what to feel. Magiging pabigat siya sa mga taong wala namang kasalanan para malagay siya sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat i-share sa iba ang kamalasan niya.
Nakakahiya man dahil wala siyang karapatan na sumunod sa gusto nito, at least may tatangap sa kalagayan niya na hindi kailangan na pumatay ng walang muwang na sanggol. Kailangan niya lang talagang kumapit sa binigay na munting liwanag sa kanya. She slowly nods at agad naman siyang niyakap ni Saturn.
"Mabuti naman at pumayag ka, sa mukha mo mukhang magpipilit ka pa rin talagang umalis," bulong ni Saturn.
"Thank you," she gratefully said.
"May sugat ka," ani ni Vern. Tiningnan niya braso at umiling, "Malayo sa bituka," biro niya ngunit nariin pa rin ang tingin nito sa kanya. Nandiyan pa rin pala ang pagiging natural na maaalahanin nito. Noon pa man ay napapansin nito kahit may kaunting pasa siya dahil sa kakulitan at palagi siya nitong pinapagalitan.
"Magpahinga ka muna, Persia, halatang pagod ka," striktong utos nito at lumabas na ng kwarto.
"Mabuti pa nga. Mag-uusap ulit tayo mamaya," sabi ni Saturn at tuluyan na siyang iniwan. Nailabas niya ang mabigat na hininga at tiningnan muli sa sugat niya sa braso mula sa kuko ni Queenie.
"Lahat ng sugat, naghihilum…" bulong niya sa sarili.
Bumukas muli ang pinto ng kwarto at pumasok ang nakakunot-noong si Vern. May dala itong medicine kit. Umupo ito sa kama at hinila ang braso niya, "Maliit lang naman 'yan."
"Hindi ako magtatanong. 'Wag lang sana maulit 'to," napangiti siya sa sinabi nito.
"May asawa ka na?" balewalang tanong niya. Sinamaan naman siya nito nang tingin. Bahagya siyang natawa, "Miss mo lang yata ako, e," biro niya.
"'Wag mo akong daanin sa ganiyan, Persia."
Napanguso siya at tumango, "Kagagawan mo ang lahat ng 'to—joke lang. Kaya siguro ako nagkasugat para magkita tayo ulit, ikaw lang naman ang taga-gamot ko."
She sighs, "I failed, again. Kailangan yata talaga kita sa buhay ko, puro na lang ako palpak simula noong iniwan mo 'ko."
Binitiwan na nito ang braso niya nang matapos nito lagyan ng gauge, "Nagkamali ka rin ba—simula noong iniwan mo 'ko?"
Tumingin ito sa mata niya, "Iyon lang ang pagkakamali na pinagsisisihan ko hanggang ngayon," sambit nito bago tuloyang lumabas ng silid. Napangiti siya habang nakatingin sa nilabasan nitong pinto. Sana may nararamdaman pa siya kay Vern kasi mas natatakot siya para sa sarili dahil wala na…
Her tears rolled down to her cheeks, again. Napahiga siya sa sakit ang buong katawan niya, maging ng kaloob-looban niya. She's tired of crying and feeling sorry for everyone. Look where her choices lead her. Look where her boredom leads her.