Chapter 41 WAYLON… THE KIDNAPPERS didn’t contacted Alpha, isang masamang pangitain para sa akin. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit at anong dahilan ng pagkaka-kidnap ni Vista. Maging si Alpha hindi na mapakali sa kakaisip kung saan pwedeng hanapin si Vista. “Wala ka bang naiisip na pwedeng maging punong dahilan ng lahat ng ito?” tanong ni Poseidon sa akin. Sa halos isang taon na nakakasama ko Vista wala naman akong nakikita na threat sa buhay niya. Maging kay Alpha na alam kong maraming kalaban wala rin naman akong napapansin. Kalaban lang naman sa may pulitika ang alam kong nakakabangga ni Alpha. Dahil nga sa galing ito sa pamilya ng mga politiko, at kasalukuyan na presidente ang kapatid nito. Pero alam ko rin naman na walang nakakaalam na konektado si Vista sa mga Hidalgo

