Chapter 42 WAYLON… NAPABALIK KAMI NG SIS HQ nang tumawag si Alpha sa akin, regarding sa pagkawala ni Vista. “Any lead Alpha?” agad na tanong ko nang makapasok ako sa loob ng opisina ni Alpha. Pero natigilan ako sa gulat ng makita kung sino ang nasa loob ng opisina ni Alpha. “Sir!” napasaludo na lang ako ng wala sa oras. I know I don’t have to do this, hindi naman ako sundalo o pulis para sumaludo. Pero paano ko ba ia-address ang presidente ng pilipinas kapag nakita mo ng malapitan. Hindi lang iyon, nasa loob pa kami ng SIS HQ kung saan ang direct na nagbibigay sa amin ng utos o mission ay ang mismong presidente ng pilipinas. “Ano ba at−“ hindi naituloy ni Keiran ang sasabihin niya nang makita nito ang tinititigan ko. Maging si Keiran, Poseidon at Zeus nakisaludo na rin habang naka

