Chapter 46 WAYLON… PARANG binabarena ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan. Hindi lang dala ng pagkalasing ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko talaga nabiyak ang bungo ko. nang haplusin ko ang likod ng ulo ko hindi na ako nagulat na may Malaki akong bukol doon. Hindi ko na lang alam bakit may bukol ako, wala akong maalala na may ginawa akong bagay para magkabukol ako sa ulo. Ang huling natatandaan ko, iniwanan na ako ng mga kapatid ni Vista at binigyan ako ng manipis na kumot. “Mabuti naman at gising ka na,” boses iyon ni Vista. Nang hanapin ko kung saan nanggaling ang boses niya nakita ko siyang nakahiga sa tabi ko. para pa akong namamalik-mata habang nakatingin sa maamo niyang mukha. “I miss you so much,” naibulalas ko na bigla. Ngumiti si Vista, iyong ngiti na malungkot na pa

