"Unang Pagkikita"

706 Words
"Magandang Umaga sa inyong lahat, kami ang grupo ng Bughaw Lahi, layunin ng aming grupo na buhayin at ipakita sa mga kabataan ngayon kung gaano kakulay at kaganda ang mga sinaunang kaugalian ng ating mga katutubo sa pamamagitang ng pagsayaw at pagtugtog. Kabilang dito ang mga sayaw at kaugalian ng mga igorot sa kanilang iba't ibang okasayon, gayun din sa muslim at marami pang iba katulad ng maglalatik at tinikling na kilalang mga tradisyonal na sayaw sa ating bansa at makulay na kasaysayan" sambit ng lalaki na nag sasalita sa aming harapan. Alam kong siya ang lalaki na dumaan kanina na nagpabilis ng t***k ng aking puso. "Sumasayaw at tumutugtog kayo kuya?" tanong ng isa naming kaklase. "Oo tama, di lang kami sumasayaw, kami rin ay tumutugtog. kaya kung meron ding marunong tumugtog ng kahit anong istrumento dito o nais matutong tumugtog ay mas mabuti na sumali na kayo sa aming grupo dahil mahahasa nyo ang inyong mga talento at mag eenjoy pa kayo rito" magiliw na sagot niya. "ano po bang kailangan para makasali sainyo at ano po ang hanap nyo?" tanong nila na mukhang kinikilig sa lalaking nagsasalita sa harapan. Ako naman ay tahimik na nakikinig at pinagmamasdan ang gwapo at maamong mukha nito habang nagsasalita .. "Sa totoo lang ay lahat naman ay welcome na sumali, dahil marami naman talaga ang aming kailangan lalo na sa pag tugtog ng mga instrumento. Ngunit kung ang pag uusapan ay ang sayaw.." lahat ay nakikinig sa bawat sinasabi nya na akala mo ay interesado talaga sila "mas mabuti sana babae man o lalaki ay matangkad, at may itsura dahil sila yung nasa harapan na panunuorin ng mga tao" sabay tingin saakin ng mga kaibigan ko "Siya po!" sigaw nila Gina sabay turo saakin .. "hooyy!! anung ginagawa nyo?!" tanong ko sakanila na unti unting tinatago ang mukha, dahil sa pag turo nila saakin ay napatingin sa aking direksyon ang lalaking iyon .. "tumigil na kayo!" sambit ko, habang sila ay natatawa dahil sa reaksyon ko .. "Oo katulad nya .. matangkad at maganda" sambit nya at akmang lalapit saakin .. tumingin ako sa ibaba sa hiya ko at di alam ang gagawin, "pahamak talaga tong mga kaibigan ko eh", sumbat ko saking sarili "maari ka bang tumingin sakin?" tanong nya .. dahan dahan ko namang inangat ang ulo ko at nahihiyang tumingin sakanya , "tama nga ang kaibigan mo, matangakad at maganda ka, bakit di ka sumali sa aming grupo? wala namang masama kung susubukan mo?" sabi nya habang nakangiti ... di ko alam kung anung sasabihin ko kaya ngumiti na lamang ako na halata namang pilit .. "Marunong ka bang sumayaw o tumugtog ng kahit anong instrumento?" tanong pa nya , sa totoo lang sumasayaw lang ako nuong maliit ako pag pinilit ako ni mama isali, at tumutugtog lang din ako ng kaunti dahil sa tito ko na mahilig sa gitara, pero sobrang basic lang ng alam ko kaya di ko alam ang isasagot ko sa tanong nya ... "kaonti" sambit ko habang itinaas ko ang aking daliri na nag papahiwatig ng senyas ng kaunti habang pilit na nakangiti .. ngumiti rin siya at may inilapag na papel sa lamesa ng aking upuan .. tinignan ko ito at nag salita sya .. "Pakilista ang iyong pangalan at year at section" di ko alam kung anong gagawin ko at kung para saan ito pero dahil nakangiti sya ay sinulatan ko ito. Pagkasulat ko ng aking pangalan ay bumalik na sya sa harap at nagsabi pa ng kaonting bagay at sila ay lalabas na , bago pa man sila lumabas nagsalita muli sya "Salamat sa pakikinig, kitakits sa Sabado" sabay tingin saakin "aasahan ko kayo" .. naghiyawan ang mga kaklase ko sa kilig sa lalaking iyon, samantalang ako naman ay parang natutunaw sa mga ngiti ay este sa mga pangyayari .. Ayoko tumugtog ayoko sumayaawwwww sa harap ng maraming tao huhuhuhu -_- "pahamak kayo!" sumbat ko sa mga kaibigan ko na hanggang ngayon ay tawa ng tawa "bakit ba? eh unang kita mo pa lang dun kay kuya natameme kana, ahahah" asar nila sakin .. "h-huh? di kaya!" pagmamatigas ko "kaya pala, tahimik kang nakatitig, ay este nakikinig sakanya" sabay tawa ulit nila "bahala nga kayo jan" sabay labas .. pupunta sa akong Restroom ng makita ko ulit ang lalaking iyon sa kabilang classroom .. "kakaiba talaga siya"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD