"Ang Simula"
"Ok class, makinig ang lahat!" Sigaw ni Mrs. Bautista upang kunin ang aming atensyon.
"Mamaya ay may papasok na mga estudyante sa bawat classroom mula sa iba't ibang school club sa ating paaralan. Makinig at naway makapili kayo ng isang club na inyong sasalihan" sambit nya habang nakangiti.
" Ma'am, pwede po bang mag tanong" tinaas rin ni Jane ang kanyang kamay upang mapansin sya ni Mrs. Bautista. "Oo naman. Ano ang nais mong malaman Jane?" sagot ni Mrs. Bautista.
"required po ba kaming pumili at sumali sa mga club na mayroon ang ating school?" tanong nya.
Si Mrs. Bautista naman ay napangiti at dahan dahang maglakad sa loob ng aming silid aralan "walang sino man ang pumipilit sainyo na sumali sa kahit anong club saating paaralan" sabay hiyawan at buntong hininga na tila nakahinga ng malalim ang maririnig mo sa loob ng aming classroom "ngunit!" napatigil ang lahat sa pag putol ni Mrs. Bautista sa kanilang sandaling kasiyahan "kayo ay nasa High school, dito nyo bubuohin ang masasaya ninyong alaala na inyong dadalhin hanggang sainyong pagtanda. Ang pagsali sa mga club ay talaga namang mahirap at dagdag sa inyong mga oras, ngunit ito rin ang magiging umpisa ng inyong masasayang alaala at mga sakripisyo na kailan may di nyo malilimutan at magiging aral sa inyong buhay" mga katagang narinig ko sa aming guro na kailan may di ko naisip na manyayari sa aking buhay.
"riingggg - riiiingggg" tunog ng bell , hudyat ito na oras na ng aming breaktime. Nasa loob lamang kami ng classroom kumain ngayon dahil siksikan at maraming tao sa ground dahil sa mga estudyanteng nag iikot upang ipakilala ang kanikanilang mga club. kasama ko ang aking tatlong kaibigan na si Joy, Gina at Janna at nag kukwentuhan sa mga libreng oras na mayroon kami. Maya maya pa ay tumunog na ulit ang bell na nag papaalala na tapos na ang breaktime at dapat ng bumalik sa kanila kanilang mga classroom. Nagpaalam na rin ang aming guro na lalabas na dahil mag uumpisa na ang mga estudyante na mag iikot upang ipakilala at manghikayat
na sumali sa kani kanilang mga club.
Hindi naman kami nakikinig sa mga estudyante na nag sasalita sa aming classroom, nag kukwentuhan at nagtatawanan lang kami ng aking mga kaibigan ng may dumaan sa gilid ng aming classroom at sakto naman ang aking pagtingin sa bintana na kung saan ito dumaan, nakita ko ang isang matangkad na lalaki na pumukaw sa aking atensyon. "hoy Jane! nakakita ka ba ng multo?" sambit ni Janna, di ko maintindihan ang reaksyon sa kanilang mukha , sila ay natatawa na may halong pagtataka. "Hindi multo, kundi tadhana ang nakita ko" sabay kagat sa labi kaya kanila akong hinampas at tumawa. "Umayos ka nga natatakot kami sayo" sabay sabay ulit silang tumawa. Ako din, natatakot nadin ako para sakin. Iba yung kabog ng dibdib ko para sa taong yun, na kahit likod pa lamang at di ko nakita ang kanyang mukha ay kaagad na bumilis ang t***k ng aking dibdib.
Maya maya ay lumabas nadin sa classroom namin ang pang limang grupo ng mga estudyante na nagpapakilala ng kanilang club at tuloy parin ang pag-iingay ng aking mga kamag-aral sa loob ng klase ng biglang tumahimik ang lahat na dahilan ng aming pagharap mula sa pagkakatalikod sa blackboard.
"Magandang Umaga sa inyong lahat, Kami ang grupo ng Bughaw Lahi"
Napatingin ako sa nag sasalita at nagulat ng makita ko sya..
Siya yonnn!!!..