Chapter 44

2005 Words

" Ingatan niyo ang mga palamuting iyan! Nagkakahalaga iyan ng mahigit isang milyong Merang bawat isa! " sigaw ng itinalaga ng Harinat Reyna na mag-aayos sa pagdadausan ng kasal ni Prinsipe Cedie at Reann. " Huwag kayong tatamad-tamad! Malapit na ang kasal! Ilang araw na lang ay ikakasal na si Prinsipe Cedie at Prinsesa Reann! " sigaw pa niya sa mga tagasilbing hindi na alam kung ano ang uunahin dahil sa mga sunod-sunod niyang utos. Napailing at napahawak na lang ng ulo ang itinalaga ng Hari at Reyna. " Ang tatamad niyong mga Walan! Wala na ngang laman iyang mga utak niyo, mga lampa pa kayo! " sigaw pa niya. Napapikit siya ng kanyang mga mata at naglakad para umupo. Kaninang umaga pa sila nag-aayos dito sa Hardin mg Palasyo kung saan magaganap ang kasal ni Prinsipe Cedie at Reann.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD