Lunes ng umaga, maagang nagising si Reann dahil sa mangyayaring kaganapan ngayon. Ngayong araw na ang sinabi ni Reyna Ysabelle kung saan tuturuan silang dalawa ni Prinsipe Cedie kung paano ang tamang pagsisiping. ' Seryoso ba talaga na tuturuan nila kami kung paano makipagsiping?! ' hindi makapaniwalang tanong ni Reann sa kanyang sarili. Hindi siya mapakali, lakad siya nang lakad paikot sa kanyang silid. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya sa kung ano ang nakatakdang gagawin nila ngayong araw. Nasa ganoong palakad-lakad siya nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Napatingin si Reann dito at mabilis niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya, tumambad sa kanya ang isang tagasilbi. " Nakahanda na po ang agahan, Prinsesa Reann, " sabi ng tagasilbi sa kanya. Ngumiti si

