Chapter 42

2428 Words

" Dahil sa iyo? Bakit? Ano ang dahilan? " sunod-sunod niyang tanong sa kanya. Napayuko si Prinsipe Noah dahil sa mga tanong ni Reann sa kanya.  " Sa totoo lang ay sobrang malapit kaming dalawa ni Cedie, Reann, " pagsisimula niyang pagkwekwento.  Pinilit ni Reann na maupo sa kama at nakinig sa kwento ni Prinsipe Cedie.  " Isang taon lang ang pagitan ng edad namin ni Cedie. Noong bata kami, kami ang palaging magkasama, kami ang palaging magkalaro at kami ang palaging magkakampi. "  " Sabay kaming pumapasok sa paaralan noon. Dahil hindi ganoong malakas ang pangangatawan si Cedie, ako ang nagsilbing tagapagtanggol niya kapag may mga nangungutya kanya dahil sa kanyang kalampaan. "  " Hindi kami mapaghiwaly na dalawa, maganda ang aming samahan hanggang sa aming pagbibinata. " Napangiti si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD