Kinabukasan, nagkagulo ang loob ng palasyo dahil sa pagkakapasok ng tatlong kalalakihan at sa nangyaring kagukuhan sa tinitirhan ni Prinsipe Cedie at Reann kagabi. " Sino raw ang mga kalalakihang ito! " sigaw na tanong ni Haring Jacob sa pinadala ng Kagawaran ng Sekuridad para ibalita kung ano ang isinulog ni Prinsipe Cedie sa kanila kaninang umaga. " Hindi po kilala ni Prinsipe Cedie ang mga kalalakihan, Mahal na Hari at mgayon ay iniimbestigahan namin kung sino sa sila, " sagot ng kawal sa kanya. Kaninang umaga, maagang nagising si Prinsipe Cedie para idulog sa Kagawaran ng Sekuridad ang nangyari kagabi sa kanilang tirahan. May mga sumama sa kanyang kawal para dakpin ang tatlong kalalkihan at para mainbestigahan ang mga ito. " Sabihin mo sa Kagawaran ng Sekuridad na magpadala ng

