Kinabukasan, maagang nagising si Reann para makapagluto ng agahan. Naisipan niyang magluto ng chicken soup para kay Prinsipe Cedie. Medyo natagalan si Reann sa paglukuto dahil nagpakulo siya ng buong manok nang matagal para maging mas malasa ito. Kung meron lang iyong mga ginagamit niyang mga powder na inilalagay lang sa mainit na tubig at meron ka ng souo, mas madali sana pero wala, walang ganoon sa Jevum. Nang matapos siyang makapagluto, hinanda ni Reann ang soup para dalhin sana sa kwarto ni Prinsipe Cedie. Pero nang papunta na siya doon ay nakita niyang oababa si Prinsipe Cedie na nakaayos ng magarbong kasuotan na para vang pupunta siya sa isang kasiyahan. " Bakit ka lumabas ng kwarto mo? Ok na ba ang mga sugat mo sa katawan mo? " tanong ni Reann sa kanya. Tinignan lang siya ni

