Napatingin ang lalaki kay Ana nang banggitin niya ang kanyang pangalan. Ngumiti ito sa kanya at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Ana. " Anong ginagawa mo dito, Ana? " nagtataka niyang tanong. " May importanteng gagawin lang kami dito, Prinsipe Noah, " sagot ni Ana na nakayuko. " Importanteng gagawin? Kaya ba nandito ang lahat dahio doon? Ano na naman ba ang plano ng mga magulang ko para sa kanila? " mga tanong ng lalaki na pinangalanan ni Ana ng Prinsipe Noah. " Wala pong kinalaman ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna dito, Prinsioe Noah. Ang may plano po nito ay si Prinsesa Reann, " sagot ni Ana sa kanya. " Si Prinsesa Reann? Nagising na pala siya? " tanong pa niya. " Opo, Prinsipe Noah. May ilang linggo na rin simula noong magising siya. " " Ang ibig sabihin, hindi na m

