" Hindi ka pa ba magluluto ng pananghalian? " tanong ni Prinsipe Cedie kay Reann. Napabukas siya ng kanyang mga mata dahil sa tanong ng prinsipe sa kanya. Nakaupo siya sa sofa para magpahinga. Hindi rin biro ang ginawa ni Reann sa umagang ito, nilabhan niya ulit ang mga damit na nilabhan niya kahapon at naglinis sa kwarto ni Prinsipe Cedie na alam niyang sinadya niyang guluin. Napabuntong hininga si Reann at tumayo. Hinarap niya si Prinsipe cedie at tinanong kung ano ang gusto niyang pananghalian. " Ano ba ang gusto mong ulam ngayon, Prinsipe Cedie? " tanong ni Reann sa kanya. Napansin ni Reann na hawak niya ang basurahan na mula sa kanyang kwarto kaya napailing siya. " Bahala ka na kung ano ang gusto mo. Basta siguraduhin mong masarap ang lulutuin mo! " sagot ni Prinsipe Cedie s

