Pinulot lahat ni Reann ang mga damit na nadumihan at unilagay ito sa malaking palanggana para labhan ulit. Napabuntong hininga na lamang siya habang nagsasalin ng tubig sa palangana at pagkatapos ay naglagay siya ng sabon. Nagsimula na siyang magkuskos ng mga damit. Tignignan niya lahat ng namantsahan para maging malinis ang mga ito ulit. Hindi na niya namamalayan ang oras. Nang matapos niya lahat na labhan ulit ang mga ito, agad din siyang bumalik sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig at para makapagpahinga. Nang matapos siyang makainom, lumabas siya ng kusina. Paglabas niya, nakita niya si Prinsipe Cedie na prenteng nakatayo sa hagdan na nakangisi. Napabunting hininga si Reann at nginitian din si Prinsipe Cedie. Naglakad siyang papunta sa sofa para umupo. Na

