" Wala na bang mas matigas pa dito sa steak na niluto mo?! " may diing tanong ni Prinsipe Cedie kay Reann habang nakaupo silang dalawa sa harap ng hapagkainan. " Matigas? Hindi naman, ah. Tamang tama lang naman ang lambot nito, " depensa ni Reann habang tinutusok niya ng tinodor ang karneng nasa harapan niya. Naningkit ang mga mata ni Prinsipe Cedie, " Huwag mo akong turuan, Prinsesa Reann! Hindi ganito ang niluluto ng mga kusinera at kusinero sa palasyo! Sa tingin mo, makakain ko ito dahil sa tigas?! " pagpupumilit ni Prinsipe Cedie. Napabuntong hininga at nadismaya na lang si Reann dahil sa sinabi ni Prinsipe Cedie. " Bakit hindi mo tikman para malaman mo kung ano ang kaibahan ng luto ng mga kusinera at kusinero niyo sa palasyo? Hindi mo pa nga ginagalaw ang pagkain mo, nagbibigay

