" Like A virgin, Hey! Touched for the very first time, Like a virgin! With your heartbeat next to mine, " Pagkanta ni Reann habang abala siya sa paglilinis ng kanilang tinitirhang dalawa ni Prinsipe Cedie. Sinasabayan pa niya ito ng pagsayaw na siyang nagbigay sa kanya ng kakaibang sigla. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang maipatupad sa kanilang dalawa ang isnag buwang pagsasama na hindi lalabas ng kanilang tirahan. Wala namang naging problema sa kanilang dalawa maliban sa pagiging malamig na pakikitungo at mga utos ni Prinsipe Cedie sa kanya minsan. Dahil sa ingay na nagagawa ni Reann sa kanyang pagkanta, napalabas si Prinsipe Cedie mula sa kanyang kwarto. Naglakad siya papunta sa sala kung nasaan si Reann na naglilinis. Pagdating niya dito ay nakita niya itong nag

