" May pupuntahan ka pa ba, Cedie? " tanong ni Reann habang naglalakad silang palabas ng Konseho. " Pagkatapos ng pananggalian ay wala na. Bakit mo natanong? " sagot at tanong ni Cedie sa kanya. " Wala naman. Mayroon kasi akong gustong puntahan. Baka gusto mong sumama? " sabi ni Reann sa kanya. Napatigil sila sa paglalakad. Tumingin si Cedie kay Reann na nakangiti. " Saan? " maikling tanong ni Cedie. " Sa Kanlao. Matagal na kasi akong hindi nakakapunta doon, eh, " sagot ni Reann. " Matagal ka nang hindi nakakapunta? Ang ibig sabihin ay pumupunta ka doon noon? " nagtataka niyang tanong kay Reann. Napatango si Reann, " May tama ka! " masiglang sagot ni Reann. " Bakit ka pumupunta doon? Isa kang Mahar, isa kang Prinsesa Noon at ngayong Reyna ka na, Hindi ka dapat tumatapak doon

