Nagtaka naman si Prinsipe Noah. Naglakad siyang papunta sa hardin. Nang dumating siya, agad niyang nakita ang likod ng kanyang kapatid. Mabilis niya itong nilapitan at tinawag niya ang kanyang pangalan. Tumayo si Cedie at hinarap si Noah. " Anong pinag-uusapan ninyo ni Reann? " mabilis na tanong ni Cedie sa kanya. " Hindi mo na kailangan pang malaman, Cedie, " sagot ni Prinsipe Noah sa kanyang kapatid. " Haring Cedie! " may diing pagtatama niya sa kanyang kapatid. Napaiking at napangisi si Prinsipe Noah dahil sa sinabi ni Cedie aa kanya. " Pagpasensyahan mo ako, Mahal na Hari, " sabi ni Prinsipe Noah na sinabayan pa niya ng pagyuko. Pero ramdam ni Cedie na parang may pagkasarkastikong boses ni Prinsipe Noah. Napasingkit ng mga mata si Cedie kay Prinsipe Noah. Napakuyom si

