- Raven Sky Zalvarez's POV -
" Teka teka... ako na kaya yung magmake-up sa kanya? " sabi ni Kiefer tsaka ako tinuro. Nasa back stage na kami ngayon at kanina pa sila natataranta. Opo sila ang natataranta.
" Yun oh! Sabi na bakla ka eh!!" sigaw ni Dylan kay Kiefer. Binatukan naman siya agad ni Kiefer.
" Sira! Eh sino mag-aayos kay Raven? Asan na ba kasi si Kikay? " sabi niya na kanina pa nagtetext at tumatawag. Wala pa kasi yung baklang mag-aayos sana sa akin.
" Teka itetext ko yung girlfriend ko para siya na lang mag-ayos kay Raven. " sabi ni Vlad na nagtatangkang magtext ng binato siya ni Allen ng marshmallow.
" Wag ka nga wala ka namang girlfriend. " sabi ni Allen.
" Ai Oo nga. Wait sino ba may girlfriend sa atin? " tanong ni Vlad. Nagkatinginan naman sila tsaka nagtawanan... Aistt.... Mga baliw talaga.
" Wala. Walang may girlfriend sa atin. Masyadong malandi si Barron takot naman sa commitment! " sabi ni Zeke.
" Nagsalita ang pa-fall. " sabi ni Barron tsaka tinignan yung mga make-up na nasa tabing lamesa.
" Aissttt... Tama na nga yan. Ganito na lang ako. " sabi ko tsaka sila nagtinginan. Oh bakit? Maganda naman na ako ah? Ang umangal may sapak. Tsk... I don't need to cover my face with those itchy things just to look gorgeous.
" Seryoso ka ba Raven? " sabi ni Vlad na mukhang sobrang sama naman ng ideya ko.
" Oo. Bakit ba? " tanong ko.
" Look Raven. Maganda ka na ok. Yun nga lang contest to. " sabi ni Dylan. Tinignan ko naman sila ng seryoso. Kung sa bagay, eto yung unang beses na may representative ang Apollo U. Sa Queen of Queens kasi nga ngayon lang naman nagkaroon ng babae sa school nila.
" Fine. Eh pano ako? " tanong ko. Hindi ako marunong mag-ayos ok. Rhain do those things for me. Nanahimik kami na nag-iisip ng pumasok si East kasama si Rhain.
Teka... Si Rhain?
" Hiiiii!!! " masiglang bati niya tsaka dumeretsyo sa may likuran ko at nilugay agad yung buhok ko. Anong ginagawa niya dito?
" What are you doing here? " tanong ko. Nakaharap na ako sa salamin kaya nakikita ko siya sa reflection.
" I will be you fairy good sister today! You guys didn't told me na may contest ka. Good thing that East text me. " sabi niya tsaka ako tumingin kay East na nakaupo na at nagbabasa. Wait... Si East? Kailan pa sila naging close ng kakambal ko?
" Ihhh... Wag ka nga gumalaw. Were out of time na. Stay ka lang. " sabi niya kaya di na lang ako gumalaw. This is what I hate... As what they said " Tiis ganda... " like... Ughhh... Bakit kailangan mong magtiis kung gusto mong gumanda. Nakakangawit kaya?
" Oi na saan nga pala si Dust? " tanong ni Dash. Tinitignan ko lang sila sa salamin.
" Ewan. Kanina ko pa mga din hinahanap. " sabi ni Jeth na mukhang itetext na si Dust. See? Sa sobrang taranta nila di na nila napansing wala si Dustin. Asan na nga kaya yung Alikabok na yun?
" Ahhh boys lumayas muna kayo. Ang iingay niyo eh " sabi ni Rhain kina Dash.
" Huh? Tatahimik na kami." Sabi ni Wendell na napatayo pa. Ganun ba sila kadisidido makita yung magiging ayos ko?
" Duh?! Girl talk. Lumayas na kayo para may surprise. " sabi ni Rhain. Oo nga... Kailangan ko din makausap tong kakambal ko.
" Pero... " aangal pa sana si Ryland ng nagsalita si East.
" Lets go. " sabi niya na nanguna sa may pinto. Hindi pa sumunod agad yung iba kaya tinignan niya muna ng masama. Here comes the bossy East.
" Oo na... Gusto ko pa makita si Raven maging tao eh. " sabi ni Calvin. Binato ko naman sa kanya yung pulbo. At ano ako kung hindi tao?
" Awww... Bad! " sabi niya tsaka lumabas. Nagsisunuran naman yung iba tapos huling lumabas si Caleb na kakagising lang. Yup natutulog siya simula pa kanina.
" Good! " sabi ni Rhain na ni-lock yung pinto.
" Ayan... Oh my. I miss you na twiny! " sabi niya na kinukulot pa din yung buhok ko. Tinignan ko pa yung sarili ko sa salamin. Geezzz... Parang ngayon lang nagsisink-in sa utak ko na dalawang oras na lang start na ng pageant. Pano kung magkamali ako? Hindi pa naman ako nagpupunta nung mga practice kasi nga bugbog pa ko nun. Buti nga hindi na masyadong halata yung nangyari dati.
" Rhain... Kinalabahan ata ako." Sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa.
" Hahaha... Wow! That's new. The mighty Raven Sky Zalvarez is nervous? Come on twiny... Relax. " sabi niya na inaayos pa din yung buhok ko.
" Tsk... " sabi ko. Kinakabahan na nga eh.
" Oh Skyie wag kang kabahan okay? Can't you see? You have seventeen handsome men plus a gorgeous lady which is me to support you. Calm down ok? " sabi niya.
" Pano kung magkamali ako? O kaya bigla akong natapilok? Or worst mahulog ako sa stage? " Sabi ko. Imagine pag naligaw ako sa position ko sa stage? Nga nga ako niyan.
" It's fine. Hindi ka maliligaw kasi may maglelead sayo. Mahulog ka man sa stage for sure naman may sasalo sayo. Tiwala lang Sky. Asan na ang maangas kong kakambal na naglalagay ng karayom sa tinapay pag nangtitrip? " tanong niya. Nagtaka naman ako. Sa Royal Dragons ko lang yun ginawa ah.. Hindi ko din kinuwento yun kahit kanino.
" How did you know? " tanong ko.
" East told me. Hihihi... Nilapitan ko kasi siya last time para may mag-uupdate sa akin tungkol sa nangyayari sayo. " sabi niya.
" Eh bakit kay East pa? " tanong ko na may halong pang-aasar. Napasinghap pa siya bago sumagot.
" Your so malisyosa twiny. Basta ok? Anyway, harap ka na dito. Make-up naman. " sabi niya kaya humarap ako sa kanya. Ughhh... Itchy stuffs — ___ —
Her POV
I'm still looking at their pictures.
Urghhh... I hate this!
It should be me.
" How's your day? " the dumbass.
" What do you need? " tanong ko na nakataas yung kilay. Hinarap naman niya ako.
" Is that the proper way of greeting? " tanong niya sakin. Proper way of greeting?
" Do you want me to greet you with this? " tanong ko sabay kasa ng baril ko.
" Hot headed? Hindi ka ba manunuod? " tanong niya kaya nilingon ko siya. His my companion, Gerald Ardino.
" saan? " tanong ko.
" Queen of Queens. Akala ko pa naman interesado ka kaya kinuhanan kita ng gate pass. " sabi niya tsaka may tinaas na maliit na papel.
" Pupunta ako. At hindi ako manunuod. Maniningil ako " sabi ko tsaka pumasok sa kwarto ko. Kailangan kong pumunta.
Prepare your self... My dear sister.
-------