- Raven Sky Zalvarez's POV -
Hayyy... Hindi na talaga ako makatulog. Umayos naman ako ng upo tsaka tinignan si Caleb at Dustin na natutulog. Nasa Block A's Mansion na kami ulit at Thursday na ngayon. Bukas na yung pageant night pero hindi naman yun yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
Noong Sunday ng gabi kasi dumeretsyo ako ng bahay. Matagal tagal na din kasi nung huli akong nakauwi tapos di na ko pumasok ng Monday.
Ang magulo lang eh ang daming tanong sa utak ko ngayon dahil sa nangyari noong Monday.
Flashback...
Ilang beses na kong nagdodoorbell pero wala pa ding nagbubukas. Triny ko ulit...
Ding dong...
Maya maya binuksan ni Manang Lita yung pinto. Mukha siyang tarantang taranta na di ko maintindihan.
" Ma'am Sky. Sakto ho... Ang Papa niyo po at Kuya niyo. " nagmamadaling sabi ni Manang Lita. Agad naman akong pumasok sa loob. Pagkadating ko sa Office ni Papa nakita ko si Kuya na nasa ibabaw na ni Papa na mukhang susuntukin na si Papa. Si ate Myrtle na umiiyak at si Rhain na inaawat si Kuya.
" Kuya! " tawag ko sa kanya.
" Sky " sabi ni Kuya Rid. Tinulungan ko si Rhain sa paghatak kay Kuya palayo kay Papa.
" Explain. " plain na pagkakasabi. Seryoso ko. Sa 18 years na tinagal ko sa mundong to ngayon ko lang nakitang nag-away sila papa at kuya.
Walang umimik kina papa at kuya kaya tinignan ko si Rhain.
" Sky kasi... hindi ko din alam eh. Natutulog lang ako sa kwaryo natin. Then, ate Myrtle woke me up. " sabi ni Rhain. Tinignan ko naman si ate Myrtle na umiiling lang.
" Hindi pa sa ngayon Sky. " Yun lang yung sinabi ni Kuya tsaka naglakad paalis.
... end of flashback
Hanggang ngayon iniisip ko pa yung nangyare. Sinusubukan kong tawagan si kuya pero wala. Tapos kahit si papa hindi sumasagot.
Isa pa may nagpapadala pa rin ng mga messages na di ko naman maintindihan.
At tsaka bakit nandito ang kambal na yun? Sa pagkakaalam ko hindi sila pwedeng tumira malapit samin. Alam kaya ni Papa yun? Bakit ba kasi sila hinihiwalay sa amin?
" Ugghhh... nakakainis! " sabi ko tsaka ginulo yung buhok ko.
" Ang? " napalinggon ako kay Caleb na gising na pala. Geezzz... nagising ko ata. Ang babaw pa naman ng tulog nito.
" Sorry nagising ata kita. " sabi ko.
" Nakakainis ang ano? " tanong niya. Ahmmm... Ang lahat?
Hindi naman ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Ano namang isasagot ko?
Na naiinis ako kasi hindi ko maintindihan ang kaweirduhan ng pamilya ko? Na naiinis ako kasi may baliw na nagpapadala ng di ko maintindihang messages?
" You want some milk? " tanong ni Caleb. Tumango na lang ako kaya tumayo na siya at nagpunta sa baba. Sumunod naman ako sa kanya. Nagderederetsyo siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Ako naman ay umupo agad.
" Here " sabi niya sabay lapag nung gatas.
" Thanks. " sabi ko. Tumango naman siya tsaka umupo sa tapat ko. Tahimik ko iniinom yung gatas ko habang siya nakatingin sa akin. Okayyy... Its kinda awkward.
" Ah bakit? " tanong ko tsaka pinunasan yung labi ko. Aba kasi baka mamaya may gatas pa ko sa labi di ba?
" You just remind me of her. " simpleng sagot niya.
" Who? " tanong ko. Minsan kaya mahirap kausap tong si Caleb kasi lagi na ngang seryoso panay pa ang english. Not that I'm not good in English but somehow its more comfortable to speak using my mother tounge.
" Cici... " sabi niya. Yung kapatid nila ni Calvin?
" Why? " tanong ko. Magkamukha ba kami? Eh ang alam ko mabait at mahinhin yun eh. Mabait ba ko? Eh mahinhinhin? Ai sus Sky wag ng itanong. Hahaha...
" Your loud she's soft. Sometimes your act as man while she act as a pure woman. She hate's pranks while you do love pranks. She's serene and your hot headed. " sabi niya na nakatinggin sa baso ng gatas ko. Aba loko to ah parang sa ginawa niya pagkukumpara ako lahat ng negative.
" But just like her, you love our group. That's why we love you too. But please don't be like her, don't leave us Raven. " sabi niya tsaka tumayo at naglakad palabas ng kusina kaya lang bago pa siya tuluyang makaalis tinawag pa niya ko.
" Raven..." nilingon ko naman siya
" Can I ask for a favor? " tanong niya. Tumango naman ako.
" Since Dustin seems to like you, can I be your older brother instead? " tanong niya. Ano daw?
" Huh? " tanong ko. Feeling ko talaga ang bobo ko kapag si Caleb ang kausap ko.
Ngumisi naman siya tsaka lumapit sa akin.
" Don't stress up your self lil' sis. You should sleep. " sabi niya tsaka tuluyang umalis.
" Hayyyy ... " napabuntong hiniga na lang ako tsaka inuntog yung ulo ko sa lamesa. Pano ako hindi maiistress?
bzzzttt... bzzzztt...
tinignan ko naman yung cellphone ko na nagbavibrate.
unknown no. calling...
" sino ka? " tanong ko pagkasagot. Pasensya naman, hindi uso sa akin ang hello.
" Your secret hater " simpleng sabi niya. Tinignan ko naman yung screen ng phone ko. Wow... Wala akong secret admirer pero seret hater meron?
" Fantastic baby die. " medyo mataray na sagot ko gamit yung tono nu kantang fantastic. Nakakaurat kasi wrong timing siya mang-inis. Tssss...
" I'm died already. " sagot niya.
" Look sabog ka ba Ms.? Maghanap ka ng ibang pagtitripan please lang nai-stress na ko. Grrr... Ano ka multo? Tsss... " sabi ko.
" Maybe. Ghost from past. And just like the past, I'm hunting you, Raven Sky Zalvarez." sabi niya tsaka pinatay yung tawag.
Urggghhhh!!!
Hinagis ko yung phone ko sa inis. Sumasakit na yung ulo ko kakaisip.
" Questions... questions... questions... D*MN those QUESTIONS. " bulong ko sa sarili ko bago umakyat sa kwarto.
- Rider Cloud Zalvarez's POV-
" Urgghhh... nakakainis na! " sabi ko tsaka hinagis yung mga papel na hawak ko. Hindi ko mapagdugtong lahat.
" Woah... Chill Rid. " sabi ni Savanna ang baliw kung partner.
" Detective Savanna Cortez " sabi ko tsaka humarap sa kanya.
" Errr... too formal. Binibisita ko lang ang partner ko. Balita ko kasi kina Kit nasisiraan ka na daw sa kasng hawak mo. I just want to pissed you but I guess your already pissed so yeah mission failed. " sabi niya tsaka humiga sa Sofa ko. Madalas by pair, by group or individual ang kasong hinahawakan naming mga detectives pero ngayon ako lang nuna mag-isa.
" I really can't understand. Masyadong maraming tanong." sabi ko na hinihilot yung sintido ko.
" Funny. Ang bobo mo naman Rid. Hahaha... Kidding. Kung maraming tanong edi sagutin mo isa-isa. " sabi niya. Lagi na lang niya ko tinatawag na bobo. Pssshhh... what a great bully. Siya kasi talaga yung bully sa buong agency.
Pero kung sa bagay tama siya.
Huminga naman ako ng malalim at kumalma.
" Fine. " sabi ko. Umupo naman siya ng maayos tsaka may kinuha sa may dibdib niya.
" Ilang beses ko bang sasabihin na wag kang maglalagay ng kung anu- ano diyan? " tanong ko sa kanya. Tapos kukunin pa niya yung nilagay niya kung saan- saan kahit may nakakakita.
" Heh! Anyway, I'm here to give you this. Binigay yan nung kliyente mo. Maybe it's a clue. I don't know di ko binasa. " sabi niya tsaka inilapag sa harap ko yung papel na nakatupi.
" Eto lang? " tanong ko. Tumango naman siya tsaka pumunta sa may pinto.
" Oo yan lang. Haisssttt... sige na lalayas na ko at may mission din ako. Dinaan ko lang yan. Halimaw kasi si Kit magbigay ng task. Di uso ang bakasyon. Hayyy ang beauty ko. Sige na... Babooo! " sabi niya tsaka sinara yung pinto. Crazy brat.
Hinawakan ko naman yung papel tsaka binuksan.
" Protect your family. "
Ano na naman to? Aisssttt... tumayo na lang ako at pinulot yung hinagis kong mga papel.
Napahinto lang ako sa pagpupulot ng may nakita akong picture.
Si Mama, Si Papa, isa pang lalake at si Mr. Alastair?
Tinawagan ko agad si Jace.
" Jace I'll send you a picture, search for their names and backgrounds and their connection to each other... "
sabi ko tsaka inayos yung mga papel.
" Wow... hello too. " pabirong sabi niya.
" Sorry bro. Next time na ang biruan... I need that ASAP! " sabi ko.
" Hahaha... fine fine. I'll send you the info. later. " sabi niya tsaka ko in-end yung call.
I need to know the answer to protect them.
-Third Person's POV -
" Sigurado ka ba? " tanong ng isang babae sa kapatid nito. Kahit na magkapatid sila, mahirap para sa kanyang intindihin ang takbo ng isip ng kapatid niya.
" Yeah. " sagot naman ng kapatid nito na kanina pa nakatutok sa harap ng computer.
" Pero mapapahamak siya. " sagot ng babae na mukhang nag-aalala.
" The man killed our Mother, their Father killed the Man's Daughter, The Man killed himself and now the Daughter want to kill the Father's daughter. Do you want to have the cycle again? " tanong nito. Napabuntong hininga naman ang babae tsaka kinasa ang hawak na baril at inasinta ang mga target nila.
" Fine then... tell me what to do? " tanong ng babae na naging dahilan ng pagngisi ng kapatid nito.
----