Chapter 30: Case Unclosed

1890 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV - " Sa wakas... " malakas na sabi ni Calvin tsaka bumaba sa Van. Limang Van lang yung dala namin. Ako, si Alikabok, Dash, Caleb at Calvin ang magkakasama. Si Caleb yung pinagdrive nila palitan silang dalawa ni Alikabok kasi ang tamad nung dalawa. " Hmmm... ang sarap talaga ng hangin sa probinsya " sabi naman ni Dash na feel na feel ang pagsinghot. " Ai sorry Alfonso... Utot ko ata yang sinisinghot mo. Dahan dahan baka malasing ka" sabi ni Calvin. Pffftttt.... Nanglaki naman yung mata ni Dash tsaka hinabol si Calvin na tumakbo na papunta kina Jeth. Ibang klase talaga tong dalawang to. " Tsk... Calvin Triton Alastair yung gamit mo dito!" sigaw ni Caleb. Lumiko naman pabalik dito si Calvin at nagsalute pa kay Caleb. Hahaha... " Ay ay Captain!" sabi ni Calvin. Babatukan sana siya ni Caleb kaya lang nauna ng nangbatok si Dash na hinihingal pa. " Aray naman" angal ni Calvin. " Ang baboy mo. Pati polusyon dinadala mo dito " sabi ni Dash. Napapailing nalang ako sa dalawa. Lalo pa akong natawa nung sabay na piningot ni Caleb at Dustin sina Dash at Calvin. " Tumigil kana Alfonso. Yung gamit mo buhatin mo " sabi ni Dustin ( Secret lang nating tinatawag ko siyang Dustin ha? ) kay Dash. " Stop acting like an i***t Calvin. Get your things." sabi ni Caleb. Sabay namang lumapit sa may likod ng Van yung dalawa na nakanguso. " Hahahaha... " tawa ko. Pffftt... lumapit na din ako sa may likod para kunin yung gamit ko. " Anong ginagawa mo diyan? " tanong ni Dustin sa akin. " Kinukuha yung gamit ko malamang " sabi ko. Sinimangutan naman niya ko tsaka kinurot yung pisngi ko. " What... " sabi ko na hinihimas yung pisngi ko. " Tsk. Pasalamat ka hindi kita pwedeng batukan dahil diyan sa sugat mo. Hahaha... " sabi niya tsaka kinuha yung bag ko. " Edi thank you! Tsk... Akin na nga yan " sabi ko habang inaagaw yung bagpack ko. Magaan lang naman yan kasi isang araw lang kami dito. May Unan lang yan kasi hindi ako sanay matulog ng iba yung unan. " Ako na. Tara " sabi niya tsaka tumalikod. Nasa may likod niya yung bagpack ko tapos yung gamit niya hawak hawak niya sa kanang kamay. " Akin na yan. Magaan lang naman yan eh " sabi ko. Tinignan naman niya ko ng nakakaloko. " Ako na. Baka madapa ka pa pumangit ka lalo. Matatalo tayo niyan. Hahaha " sabi niya tsaka naunang naglakad. Hahabulin ko sana siya ng hinatak ako ni Caleb tsaka pinitik sa noo. Grrr... Kanina pa tong dalawang to ah. " Wag mo ng habulin. Baka mabinat ka. " sabi niya. At dahil si Caleb siya hindi na ako umangal. Malay ko diyan... Kaya siguro takot sa kanya si Calvin. Hahaha... " Ang tagal niyo ah" reklamo ni Allen na nasa may pinto na ng resthouse. " Kumakain ka na naman " sabi ko kay Allen. Lumapit naman siya sakin tsaka umakbay. " Ganun talaga pag gwapo Raven. Matakaw. " sabi niya. " Tataba ka niyan " sabi ko. Pinakita naman niya sakin yung abs niya. Yeah sanay na ko sa mga to. Minsan nga walang pakundangan magbihis ng T-shirt yan sa block A's mansion. Tapos si Barron ang hilig maglakad ng topless. " Wala naman akong tabs. Macho ako eh " sabi niya. " awww " sabi niya nung sinikmuraan ko siya. " Ilang beses ko bang sasabihing babae ako kaya mahiya kayo? " sabi ko. " Hahaha... Eto naman hindi ka na nasanay " sabi ni Allen. Noong nakapasok na kami sa loob ng resthouse kanya kanyang upo na kami sa sala. Pahinga muna syempre. Ang haba kaya ng Byahe. - Rider Cloud Zalvarez's POV - " Long time no see " napatingin ako kaagad sa dalawang taong papasok sa opisina ko. " Long time no see too. " sabi ko tsaka sinenyasan silang umupo. Nagsiupuan naman yung dalawa. Aba... " Seriously wala akong yakap?" tanong ko. Nagkatinginan naman sila tsaka ngumiti. Unang tumayo si Summer tsaka ako niyakap. " I miss you Kuya Cloud. " sabi ni Summer. Tinignan ko lang si Authum na bored na nakatingin sa aming dalawa. Tignan mo to... " Come on... Aren't you miss your Oppa? " malambing na sabi ko. " Nope. " sabi niya. Nagkunwari naman akong nasaktan. " Ouch! " sabi ko habang hawak hawak yung dibdib ko. Inirapan naman niya ko. Hahaha... Tumayo na ko at tiyakap siya patalikod. " Oh Authum, I know you miss me? How could you resist your handsome brother? " sabi ko. Yup they are my little sisters. Unlike Sky and Rhain na Fraternal twin... Identical twin naman sila. One year younger than Rhain and Sky. Yun nga lang hindi sila pinakikilalang anak. Bakit? Family issue. Masyadong maraming sekreto ang buong pamilya namin at kasama sila sa tinatago nila. " Yeah yeah. I miss you too Oppa. Now, Why did you call us?" sabi niya. Hahaha... Oo na siya na ang hindi showy. Umupo na ko sa upuan ko. Nasa Opisina ako ngayon. " It's about what happen 10 years ago. " panimula ko. Nagtataka naman silang tumingin sa akin. " Ten years ago? " Tanong ni Summer. " Yes. Ten years ago when our mother died. " sabi ko. Nag-iba naman yung aura ni Authum. Kung kanina bored na bored siya... ngayon galit na siya. No nasasaktan na siya. Ganun din si Summer, kung ikukumpara kasi samin na laging kasama sila Mama. Hindi kami nakakasama nina Summer at Authum. Nakatira kasi sila kina lola noon sa Korea. Tapos nung namatay si Lola, dito na sila nagstay yun nga lang hiwalay sa amin. Hindi ko din maintindihan pero ayaw kaming palapitin ni Papa sa kaila. That man -_- " Sarado na ang kasong yun hindi ba? " tanong ni Summer. Nilabas ko naman yung mga documents ko. " Yeah. Yan din ang akala ko... Kaya lang, may pinahawakang kaso sakin ang agency namin at yun ang dahilan kung bakit ako nandito sa Pilipinas. " sabi ko habang inaabot yung mga papel sa kanila. " I'm holding a case about a girl who died two years ago. " sabi ko. " Cici Trina Alastair? " sabi ni Authum. Tumango naman ako. Yun mismo ang dahilan kung bakit ako na assign dito sa Pilipinas. Si Mrs. Cecilia Alastair ang nagpadala sa amin ng request na to para imbestigahan. Ang sabi niya hindi siya naniniwalang simpleng gang fights lang ang dahilan kung bakit namatay si Cici na apo niya. And she was right. " Anong kinalaman niya sa pagkamatay ni Mama? " tanong ni Summer. " Hindi lang simpleng gang fight ang dahilan kung bakit pinatay si Cici. Two years ago, ilang buwan pagkatapos mamatay ni Cici nahuli ng mga pulis ang isa sa mga killer. Ang sabi pinatay nila si Cici dahil sa Royal dragons, ang gang nila Caleb na kuya ni Cici at Dustin na boyfriend ni Cici. Tinangap yun ng korte at pinarusahan siya. " sabi ko. " A month ago, nakausap ko siya. Kasalukuyan siyang nakakulong... Noong una ayaw pa niyang magsalita kaya alam niyo na... I used my dirty tricks. " sabi ko tsaka ngumisi. " You scared him. " sagot ni Authum. Tumango tango naman ako tsaka sumandal sa swivel chair ko. " Yep. I used his daughter as a bait. Sinabi niya lahat ng nalalaman niya sa kaso two years ago. " sabi ko tsaka huminga ng malalim. " ang sabi niya isang lalake ang nag-utos sa kanya at sa mga kasama niya na patayin si Cici. Kapalit ng pagpatay kay Cici ay ang halagang bumubuhay sa pamilya niya ngayon. Two million pesos ang ibinayad sa kanila. Kapalit ng pinapagawa sa kanila at hindi pagsasalita. " sabi ko tsaka pinatong yung baba ko sa kanang palad ko. " Hinanap ko yung lalaking nag-utos sa kanila at doon ko nalaman na isang Danny Castro ang nag-utos sa kanila. " sabi ko. Inilapag naman ni Summer yung papel sa lamesa. " Ano namang kinalaman nun sa nangyari ten years ago kay mama at sa pagpatay kay Cici two years ago? " tanong ni Summer. " Malaki. Dahil ang nag-utos kay Danny ay... " napahinto ako sa sasabihin ko. Dapat ko na bang sabihin? Hindi ko pa din nalalaman yung ibang mga sagot sa tanong ko. " Wala. Walang kinalaman yun sa nangyari kay mama at kay Cici maliban nalang kung... Kilala natin ang nag-utos." nakangising sabi ni Authum. Tumango naman ako. " kilala natin? Sino? " tanong sakin ni Summer. Ano bang sasabihin ko? " Based on how you look, your not yet done searching. " sabi ni Authum. Naniniwala na ata ako sa sinasabi ni lola na sa lahat ng apo niya si Authum ang pinakamatalino. Tsk... tsk... tsk... " yup. I'm not yet done. Pero malapit na at hindi ko gusto ang mga sagot na nakukuha ko." sabi ko. " Well, that's life. Truth hurts specially when its about the people you love. " sabi ni Authum. Napatingin ako sa kanya. May alam kaya siya? Hindi siya nakatinggin sakin, Nilalaro lang niya yung papel. Nice... Ginawa niyang eroplano yung documents ko. Pasaway... " Do you know something, Authum? " tanong ko. Nagkibit balikat naman siya tsaka tumayo. " None. I'm just saying things based on your actions Oppa. What I said is what I see. By how you look, your keeping secret related to someone you care. But Oppa, always remember that you should be Objective if you want to know the truth. " sabi niya. Napangiti na lang ako. I should congratulate my grandmother. Hindi ko alam kung panong pagpapalaki ang ginawa niya kina Authum at Summer pero sa nakikita ko, napalaki niya to ng maayos. Sayang lang at wala na siya. " Kuya what do want us to do? Bakit mo kami pinatawag? " tanong ni Summer. Ah that... " I just want to see you. After all, it's Lola's death anniversary. " sabi ko. " Ahh... no need to worry about us Kuya. Kaya na namin. Isang taon na din. Hahaha... Sige kuya, aalis na kami. Baka makarating pa kay Papa na binisita ka namin. You know.. " sabi ni Summer. Tumango na lang ako. Palabas na sila ng magsalita ako. " Authum what if the truth will hurt not just you but your love ones too... Are you still search for it? " tanong ko. Hawak na niya yung door knob nung sumagot siya na hindi ako nililingon. " Truth may hurt but lies are much painful. Always remember this Oppa, It's not the truth which hurt. We are hurt because of lies. Nasasaktan tayo hindi dahil sa katotohanan, nasasaktan tayo dahil sa kasinungaligang nalalaman natin dahil sa katotohanan. Kaya Oppa, Wake up. Hindi mo maiiwasang masaktan ang mga tao sa paligid mo. Pero pwede mo naman silang samahan pagnasaktan na sila. Mas mabuti un. Hindi ba?" sabi niya tsaka lumabas. Nilabas ko naman yung picture ng buong pamilya namin. Si Mama, Si Papa, ate Snow, ako, Rhain, Sky, Summer at Authum. " Truth may hurt but lies are much painful. It's not the truth which hurt. We are hurt because of lies" ulit ko sa sinabi ni Authum. " Then I'll protect you... My family."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD