- Dustin Alexander Villarus's POV-
" Raven gising na " sabi ni Allen na sinusundot sundot yung pisngi ni Raven. Kasama ko yung buong Royal Dragons. Yeah... Royal dragons as in kaming labing pitong naggwagwapuhang lalake. Umangal pangit.
" Ano ba... Five minutes " sabi ni Raven tsaka tumagilid patalikod kay Allen. Tsk...
Lumapit naman si Calvin tsaka si Dash sa magkabilaang side ni Raven. Pati ata ang Crazy Duo nagbalik na...
" Lumilindol.... Guys tara na " sabi ni Dash na sumisigaw na parang baliw. Ginalawgalaw pa nilang dalawa yung kama.
" Dash kakainin ka na ng lupa" sigaw ni Caleb na mukhang ewan habang gumagawa ng sound effects.
" Bwahahahaha... "
Tawanan naming lahat ng biglang bumangon si Raven tsaka hinampas sina Calvin at Dash ng unan. Pffftttt... sumubsob kasi yung dalawa sa may paanan ni Raven.
" Sino namang baliw ang maniniwala sa sound effects niyo ha? Grrr... pati pag alog niyo ng kama sablay eh. Ano sa may ulunan ko lang may lindol??" tanong ni Raven na naka-taas yung isang kilay.
" Tsk... Kulang na tayo sa practice Calvsss " sabi ni Dash na nakangisi. Ngumuso naman si Calvin...
" Siraulo ka Alfonso.. Wag mo kong tawaging Calvsss. Hindi na ako kalbo!" sabi naman ni Calvin.
" Oh awat na... gising naman na si Raven. " sabi ni Zeke. Sumang-ayon naman yung dalawa. Namiss ko din yung ganito.
" Bakit niyo ba ko ginising? 4P.M pa lang oh" sabi niya. Tignan niyo to... buong maghapon na nga siyang tulog nagreklamo pa.
" Talent night na ngayon " sabi ni Caleb.
" What????" sabi niya tsaka biglaang tumayo.
Pffffttt... Mas epic pala yung itsura niya kaysa sa Crazy duo eh.
" 6:00 yung start ng program. pag di ka pa bumangon malelate na nga tayo. Mag-aayos ka pa" sabi ni Loki na inaayos yung hinigaan ni Raven.
" Hala? Pano na? Sasayaw pa din tayo? Pano kung magkamali ako... Mabilis kaya yung step. Puro pasa pa ko tapos ano yan aakyat ako ng stage na may benda sa ulo? " tanong niya.
" Relax... Hahaha... oh " sabi ni Barron sakin tsaka kay Raven yuung half mask.
" Para saan to?" tanong ni Raven.
" Para matakpan yung pangit mong mukha na pinapangit pa lalo " Sabi ni Samir. Sinamaan naman siya ng tingin ni Raven.
" Tama na. Malelate na tayo" sabi ni East na kinuha yung susi ng sasakyan niya.
" Oi teka lang... Pano ako? Tsaka kaya bang sumayaw ni Loki eh may sugat siya?" sabi ni Raven. Lumapit naman si Kiefer tsaka ginulo yung magulo nang buhok ni Raven. Siya lang ata ang kilala kong babae na hindi nagpapanic pag nakita siyang bagong gising.
Kung sa bagay... maganda pa din naman siya.
" Hindi naman namin hahayaang sumayaw ka dun? Baka matumba ka." sabi ni Kiefer.
" Tara na. Aayusan ka pa ni Kikay. " sabi ni Barron. Naalala ko na naman si Kikay, Yung baklang kalandian ni Barron.
" Awat na... malelate na tayo" sabi ni Eion tsaka kami nagsilabasan. Inaalalayan pa namin si Raven. Nahihilo pa ata to eh.
" Kaya mo ba?" tanong ko habang nagdadrive. Tatlo kami dito sa sasakyan. Ako, si Raven tsaka si Dash. Yung iba nasa kanya kanyang sasakyan.
" Huh? Ah oo. Kaysa naman madisqualified tayo " sabi niya.
Bumaba kami sa parking lot ng mall tsaka dumeretsyo sa botique ni Kikay. Nasa loob na sila Barron.
" Iiwan na namin to ah. Kiks paki ayos ha... medyo masakit pa katawan niyan. Mag-aayos na din kami " sabi ni Barron.
" Sure papa B! Larga na kayo. Ako ng bahala kay Raven niyo" sabi ni kikay tsaka kami pinagtulakan sa labas. Hayyyss...
Nagsilabasan nalang kami tsaka nag-ayos na din.
" Oi galingan niyo ah... magchicheer ako!" sabi ni Dash. Binago kasi namin yung gagawing talent. Apat nalang kaming sasama kay Raven sa stage.
" Pero ok lang kaya na siya mismo hindi alam kung ano ang itatalent niya? " tanong ni Vlad. Naisip ko na din yan eh kaya lang ok na to kaysa madisqualified siya. Next week pa naman yung mismong event.
" She can do that " sabi ni Caleb
" Yeah " sang-ayon ko.
Pagkatapos namin mag-ayos sila Ryland nalang pinagsundo namin kay Raven. Para surprise :)
-Raven Sky Zalvarez's POV-
" Bakit kayo lang? " tanong ko ng dumating sina Ryland at Jeth.
" Nauna na sila sa mismong event eh " sabi ni Jeth na inaalalayan akong tumayo. Dumeretsyo kami sa may parking lot. Sasakyan pala ni Eion yung dala nila.
" Alam mo ba yung intoxicated ng the cab? " tanong ni Jeth pagka-start niya nung makina.
" Oo " nagtatakang tanong ko. Ano namang meron sa kantang yun?
" Good. Marunong kang magdrums diba? " si Ryland naman yung nagtanong. Ano? Teka?...
" Wag ka ng magsinungaling. Narinig ka namin na tinutugtog yun sa Music Room. " sabi ni Jeth
" Eh alam niyo naman na pala eh " sagot ko. Bakit pa nila tinatanong?
" Hahaha... yun nalang yung talent mo mamaya. " sabi ni Ryland na nakatingin sa akin. Nasa likod kasi ako. What? Agad agad?
" Hah? Ako lang? " tanong ko. Tumanggo naman siya.
" Alam mo kasi ok na yun. Kanina lang namin naisip. Magchicheer kami. Promise " sabi ni Jeth na nakatinggin lang sa daan.
" Buti nalang pala pinaayos ko na yung drum set kina Loki" sabi ulit ni Jeth. Aangal pa sana ako kaya lang nasa tapat na pala kami ng St. Louis University. Dito daw kasi gaganapin yung event dahil sila ang last champion.
" Tara na dali " sabi ni Ryland na hinatak ako palabas. Baliw to...
" Aray... " Napaaray ako nung nadiinan niya yung sugat ko sa kamay. Oha tapos tutugtog pa ko ng drums? tsk... ok na din naman yun kaysa sumayaw. Loko kasi yung mukhang anay na yun eh. Wrong timing magpakidnap.
" Oh tara na " sabi ni Wendell na kakarating lang. Kasama niya sina Allen na kumakain ng stick-O at si Vlad na may hawak na sangkaterbang chitchirya. Ano to? Picnic?
" So talagang hindi na kayo sasayaw? Ako nalang mag-isa?" tanong ko. Hindi kaya maboring yung audience kung magdadrums lang ako. Hindi ko pa naman kaya yung kantang yun. Panglalake kaya... tsaka kaya nga ko nag-aral magdrums kasi di ako magaling kumanta. Si Rhain ang biniyayaan ng magandang boses.
Sana pala naging Identical twins nalang kami para pwede kaming magpalit ngayon.
" Ok lang yan. Nasa loob na yung iba " sabi ni Vlad. Sinuot naman ni Wendell sakin yung mask ko.
" Bilib na talaga ako kay kikay. Di halata yung sugat mo eh " sabi ni Jeth. Yeah yung sugat ko sa ulo natakpan ng buhok ko. Ewan ko ginawa niyang pacrown. Wag lang daw akong tatalikod sa audience para di halata.
Nagkwentuhan pa kami habang pumapasok sa loob. Kinakabahan talaga ako eh. Wala naman akong magawa... alangan namang magback-out ako diba? Ngayon pa na sama sama silang magchicheer sa akin.
Medyo late na pala kami kasi nagsimula na yung program. Pinapunta na ko agad sa back stage.
" Asan yung iba? " tanong ko kay Jeth. Siya lang kasi yung sumama sakin dito sa back stage. Kanina pa nagpaalam sila Wendell na pupunta na daw sa may upuan nila kasi bawal tumabay sa back stage ang di kasali.
" Ok lang yan. Kailan ka pa natakot mag-isa? Hahaha... Ichicheer ka namin. Basta magdrums ka lang at magtiwala sa amin. Ok? " sabi ni Jeth.
" Ehhh madali lang yan sabihin. Ako kaya yung tutugtog ng walang practice? What if I mess up?" tanong ko.
" Trust your dragons ok? Sige na. Babyeeee! " sabi niya tsaka tumalikod at lumabas. Haissttt....
- Barron Flinn's POV -
" Hi Miss na nakamaskara " sabi ko tsaka lumapit kay Raven. Sinimangutan naman niya ko.
" WTH Barron wag ka ngang manggulat? " sabi niya. Aba aba.... kabisado ang boses ko. Nakamaskara din ako. Tinatago ko yung gwapo kong mukha. Alam niyo na baka maagaw ko yung center of attraction.
" Nice. Kabisado ang boses ko " sabi ko. Naiimagine ko na naman siyang nakataas yung kilay kahit di naman nakikita kasi naka half mask siya.
" Shut up. Bakit ka nandito? " tanong niya. Ai?
" Ano ba yan? Sasamahan nanga kita diba? Ako maggigitara. Para may kasama ka. Kawawa ka naman eh " sabi ko. Medyo na pangiti naman siya. Oha... Kunwari pang di ako kailangan eh.
" Apollo University? Next na " sabi nung coordinator. Mukha namang nataranta si Raven. Pffttt....Lalo talaga siyang nagiging cute pag natatakot na siya pero nagtatapangtapangan pa.
" Tara na. " sabi ko tsaka hinawakan yung kamay niya. Nasa likod palang kami ng kurtina rinig na rinig ko na yung boses ng Crazy Duo. Sina Dash at Calvin. Tsk tsk... Dati bago pa kami mag-away-away akala ko talaga si Dash ang kakambal no Calvin eh. Hahaha... Parehas na kinulang ng turnilyo sa utak.
" Calm down " sabi ko kay Raven. Nanginginig na eh.
" Nakakahiya sila Dash " sabi ni Raven. hahaha... Eh ano kayang magiging reaksyon niya pag nakita sila.
" Now, for our 8th contestant. Let's us all welcome, Ms. Raven Sky Zalvarez of Apollo University. "
Inalalayan ko na si Raven papuntang stage. Pinaupo ko muna siya sa tapat ng drum set ni Calvin tsaka ako pumunta sa gilid at kinuha yung gitara ko. Pfffttt... Hooo... Hindi ako makapaniwalang kaibigan ko yang nakikita ko sa gitna ng audience. Hahaha... Agaw eksena eh.
- Dustin Alexander Villarus's POV-
Nasa stage na sina Barron at Raven. Nasa may gilid kaming tatlo nina Caleb at Eion. Ako nasa may pasukan. Nasa may labasan si Eion at nasa may harap si Caleb. Tinitigan ko muna sila Raven. Kahit naka half mask siya halatang nagulat siya. Nasa gitna kasi yung iba ng audience. At agaw pansin nga sila kasi glow in the dark yung t-shirt nila eh yung ilaw nasa stage lang.
Go RAVEN, our SUN
yan yung naka sulat. Hahaha... pakulo nila yan. Ang iingay pa nila.
Ilang minuto na ang nakalipas kaya lang di pa din tumutogtog si Raven. Nagsimulan na nga ni Barron eh.
" Woooo... Go Raven! Kaya mo yan! " sigaw ni Dash. Gusto ko ding sumigaw kaya lang masisira yung plano.
" Raven... Raven... Raven..." sigaw nila Calvin.
Nakita ko naman siyang tumango. Mukha namang natauhan na siya. Nilingon niya si Barron kasi sinimulan na ulit ni Barron yung intro sa gitara.
"..And I, think you're from another world,
and I, I couldn't love another girl,
cause you, you make me feel like I'm intoxicated."
Si East yun na kumakanta palapit ng stage. Kahit ako nagulat nung nagvolunteer siya na sasali siya. Magaling kumanta si East kaya lang madalas seryoso to eh.
" In a room full of frozen faces,
and a moment of fractured time,
we eclipse in a conversation,
as the words, they pass us by.
With you, we could be the only ones here."
Si Caleb naman yun na paakyat na din ng stage. Halata namang nagulat si Raven. Sana lang wag siyang huminto sa pagdadrums.
"..cause I, think you're from another world,
and I, I couldn't love another girl.
cause you, you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.
To the sky, flying high, take me to the moon,
day or night, we don't have to say a word,
cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated."
Ako naman yun. Patakbo na kong lumapit sa stage. Ang layo ko kasi. Naka half mask din kaming tatlo. nung kumpleto kami sa stage sabay sabay naming inalis yung mask.
" Whoaa... gwapo! " rinig ko pang sigaw ni Dash at Calvin. Puro kalokohan ehhhh...
"Your eyes like a shot of whiskey,
warms me up like a summer night.
Can you tell that I need ya with me?
Let me drink you down tonight."
Si East yung kumakanta. Nakapaikot na kaming tatlo kay Raven na nagdadrums pa din. Naalala ko tuloy kung pano namin pinagusapan tong itatalent niya ngayon.
"No I don't just want any pretty face,
wanna wake up next to yours each day.
Baby, won't you be my saving grace tonight, tonight?
With you, we could be the only ones here."
Si Caleb naman ngayon. Nilingon siya ni Raven. Siya ang nagsabi na patugtugin nalang ng drums si Raven. Nagkagulo pa nga kami sa kanta eh pero siguro nga, pagkatapos ng awayan ng isang barkada. Mas titibay pa sila. Kagaya ngayon.
"..cause I, think you're from another world,
and I, I couldn't love another girl.
cause you, you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.
To the sky, flying high, take me to the moon,
day or night, we don't have to say a word,
cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated."
This is true... kahapon ko lang narealize. Nung nasa panganib siya. Natakot ako na mawala sakin yung liwanag ko.
Umiikot pa rin kami kay Raven. Funny right? Para kaming mga planetang umiikot sa araw namin.
Kahapon nung nakita kong sugatan si Raven... gustong gusto kong ibaon sa lupa yung kumuha sa kanya. Iniisip ko na wala akong nagawa noon... hindi ko hahayaang mawala sakin si Raven. Kaya siguro kahit wala akong vest... sasaluhin ko pa rin yung bala.
"Feel like I black out, pass out,
everytime that we touch.
..and if it hurts in the morning,
then it must be love.
I want your heart, baby,
straight no chaser.
I wanna feel it in my head,
when I wake up." Pagkanta ko habang nakatitig sa kanya. How can she still play her drums without looking on it.
It must be love?
Is this love?
Yeah...
" When I wake up" Si Barron naman yun. Eto na yung signal para umakyat ang lahat ng royal dragons. Isa isa silang lumapit kay Raven...
"..and I, think you're from another world,
and I, I couldn't love another girl..."
Si Caleb yun. Tinitignan naman kami isa isa ni Raven.
"cause you, you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.
To the sky, flying high, take me to the moon,
day or night, we don't have to say a word,
cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.
To the sky, flying high, take me to the moon,
day or night, we don't have to say a word,
cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated."
Kaming lahat. Ang galing nga eh... kahit walang mic sila Dash naririnig pa din yung boses nila.
Dahan dahan silang lumayo. Huminto naman na sa pagdrums si Raven kasi si Barron na yung tutugtog nung lang part.
"..and I, think you're from another world..." kanta ko na nakatitig sa kanya habang lumalapit. Siguro nga alien to. Siya lang ang kilala kong babaeng walang kahiya-hiyang pumasok sa all boys school. Kaisa isang babaeng kayang umawat samin. At kaisa-isang babaeng nagtyaga sa amin nung mga panahong gusto na kaming itapon ng mundo sa kakaway.
"and I, I couldn't love another girl..." That's the best thing I realize. I couldn't love another girl... aside from her. Hindi ko maisip na may iba pang babaeng makakatira sa block A mansion. Na may iba pang makakalapit samin ng ganun... na may iba pang magpapabilis ng t***k ng puso ko. Kahapon nung nakidnap siya... naisip ko agad. Kung hindi si Raven baka di na k magmamahal ulit. Siguro nga Amazona siya... mahilig sa pranks... at di nagpapatalo. Pero, siya pa din naman ang araw namin. Kami ang planeta niya...
"cause you, you make me feel like I'm intoxicated."
Dahan dahan kong inangat yung maskara niya. Lumapit ako sa kanya tsaka bumulong.
" Yeah. You make me feel like I'm intoxicated, my sun. " tsaka siya hinarap sa audience. Halos nakalimutan ko ng nagpeperform pala kami. Naghawak hawak kaming lahat sa tsaka stage nagbow. Tinignan ko naman yung mga kasama ko. Mga nakngiti... Well, mukhang hindi lang naman akobang nakalimot na may nanunood.
I, Dustin Alexander Villarus, is intoxicated by Raven Sky Zalvarez.
--------